Give yourself
a break. Mainam na napaglalaanan
natin ang ating sarili ng pagkakataon na makapagpapahinga. Huwag masyado nagpapakasubsob sa trabaho na
minsan ito ay nadadala na sa ating bahay at wala na tayong pagkakataon sa mga
mahal sa buhay. Kahit papaano
pasalamatan natin ang pagkakataon na walang pasok dahil may transport strike, ang PISTON dahil dito
ka nakapapanood tayo ng TV,
nakapagbabasa kapiling ang ating mga anak, nakapagsisiping sa kapareha, at nakakapag-ehersisyo ng hindi ka
nagmamadali. Give yourself a break from
self-imposed pressures that will really drain you. Kung sobra naman ang demand natin sa ating
sarili maaari tayong magkaroon ng depresyon at istres na nagdudulot din ng
iba’t ibang mga karamdaman. We should learn how to relax.
Pray to
God. Why worry when you can pray?
Napapagalaw ng panalangin ang mga bundok. Makapangyarihan ang panalangin, ikanga. Hindi dapat umaasa sa sariling kalakasan
dahil hindi natutumbasan nito ang naggagawa ng Diyos sa ating mga sarili. Ang mga madasaling tao, maihahalimbawa ko
ang aking lola na 96 years old na, ay hindi kapapansinan na naging balisa siya
sa buhay. Sukli ito ng pagkakataon at ng
Diyos sa kanyang ilang beses na pagdarasal sa bawat araw at pagpunta sa
simbahan kung may misa. Pinapaggana nito
ang ating kaisipan ng panalangin para mas higit nating mauunawaan ang mga bagay-bagay,
at nagkakaroon ka ng lakas para malabanan ang mga kaisipang nagpapaligalig sa atin. If you
are in commune with God’s wisdom in return, it provides you power over
worry.
Simplify your life. Karamihan sa atin ay
nag-aakala na kapag marami tayo, mas magiging masaya tayo. May paniniwala tayo na ang pagkakaroon ng
maraming pera ay siya lamang ganap sa ating magpapasaya sapagkat nabibili natin
ang ating mga gusto, luho at nagagawa natin ang mga pagkakataon na
magpapaligaya sa atin. Nakabibili tayo
ng bagong kotse dahil sa pera. Natutugunan
ang ating pangangailangan sa panandaliang-aliw dahil natutumbasan ito ng pera. Nakakain natin ang mga maganda sa paningin at
ang masarap sa panlasa sapagkat mayroon naman tayong kakayahang magbayad. Taliwas sa inaasahan natin, ang anumang pagkakaroon pala natin ng labis
ay nakapagdadala ng pagkabalisa din.
Kung may sasakyan, hindi tayo makatulog nang maigi dahil baka ito ay nakawin
o maaaring galawin ng mga kapitbahay nating malikot ang kamay na maaaring
ikakasira nito. Ang panandaliang-aliw
sa babaeng kinasama ay maaaring nakapagdudulot ng guilt dahil maaaring ikasisira ng pamilya o di naman kaya ay magkakaroon tayo ng
STD. Ang masarap na pagkain na
pinagsaluhan mo ay makapagbabalisa sa atin dahil maaaring hindi mabuti ang
pagkahanda nito o di naman kaya ay magdulot sa atin at sa mga anak natin ng
karamdaman. Ang sinasabi sa atin ay
gawing simple ang buhay. Sa halip ay
magpasalamat sa mga grasyang tinatamasa at alisin na ang paniniwala na the more you stockpile, the further
value you enjoy as human being. Bawasan ang pagiging nakadepende sa mga bagay. Tandaan ang sinabi ni Dyer, isang paham sa
larang ng self-development na everything
that you add to your life brings with it an element of imprisonment.
Share your worry to a
friend. Mainam
na magkaroon tayo ng independency o
detachment sa ibang tao sa pagkakaroon natin ng kaligayahan pero hindi
nangangahulugan na wala na tayong magiging ugnayan sa kanila. May nagagawa para sa ating pagkabalisa ang
pakikipag-ugnayan natin sa ibang tao.
Kaya mas napapahaba ang buhay ng isang tao kapag mayroon siyang kapareha
sa kanyang pagtanda. Iba ang naggagawa
kapag mayroon kang napagsasabihan ng inyong mga alalahanin. Nababawasan ito ng limapung bahagdan kapag
naibabahagi ito sa ibang tao sapagkat nagkakaroon ng unloading sa ating damdamin kapag ibinabahagi natin ito sa iba at
nagkakaroon tayo ng magaan at masayang pakiramdam. Ibig sabihin nito, kung medyo may kabigatan na, halimbawa, natuklasang may ibang babae ang sinisintang
lalake, mainam na may napagsasabihan
tayo nang sa ganun na rin ay maaari tayong mapayuhan ng ibang tao kung ano ang
magiging perspektibo at kung paano natin dapat pinakikiharapan ang pagkakataon.
Being able to ask for help from someone is a sign of
maturity, not weakness. Ang
pagkakaroon mo ng kumpidante sa sitwasyong iyong kinasasadlakan ay magpapabawas
sa maaaring idudulot nito sa iyong istres.
Make sure to exercise. Exercise
can also be a form of diversion from your worries. Aminin natin na marami ang
nagagawang kabutihan sa ating pangkalahatang kalusugan ang ating
pag-eehersisyo. Mayroong mga kemikal sa
katawan na nailalabas kapag ikaw ay nag-eehersiyo katulad ng endorphins na panlaban sa istress. Napapaganda din nito ang pakikiramdam sa
ating sarili at kadalasan nakapagdudulot ito sa
sa atin na makatulog nang maaga
at mahimbing. Dahil dito, hindi na tayo
nagkakaroon ng pagkakataon na maging balisa habang tayo ay nakahiga. Ang simpleng paglakad patungo sa iyong
pupuntahan ay malaking bagay na para mapaganda ang pagdaloy ng iyong dugo sa
katawan at magiging aktibo ang iyong internal na bahagi ng katawan sa kanyang
tungkulin. Dulot nito, mas narerekalaks tayo at mas nababawasan o
naiwawala nito ang mga kaisipang bumabagabag at nagpapabalisa sa atin.
We get
caught-off guard by this negative state of mind. May katotohanan ang pahayag na ito pero
tandaang nakasalalay pa rin sa ating mga sarili ang nakabubuti para sa
atin. Ika nga ni Leo Aikman sa pahayag
na, blessed
is the person too busy worry in the daytime and too sleepy to worry at night. Wala ng dahilan para magpatali tayo sa mga
problema, masamang karanasan, kabiguan,
o hindi magandang maaaring mangyari,
sa halip ipadasal na lamang ang nagpapabalisa sa atin. Napakadami pang biyayang matatamo mula sa
ating Tagapaglikha para sa simpleng problema ay gagawin mong miserable ang
iyong buhay.