Huwebes, Oktubre 19, 2017

Seven Steps to End Worrying

             
      Sa pang-araw-araw na buhay hindi maikakaila na tayo ay nakakadama ng pagkaligalig, pagkabahala at pagkabalisa.  Ito yaong tinatawag sa wikang Ingles na worry.   Ayon sa Campbridge na diksiyonaryo,  ang pagkabalisa ay ang pag-iisip tungkol sa suliranin o sa hindi magandang pangyayari sa buhay na magdudulot sa ating sarili ng pagkabalisa.  Ang hindi natin paglaan ng oras sa pamilya ay nagdudulot sa atin ng pagkabalisa, na maaaring iisipin ng mga miyembro ng iyong pamilya na hindi tayo nagpapahalaga sa kanila.  Ang pagsumite natin ng proposal sa proyektong iniaatas sa atin ng ating bos na iniisip natin na hindi iyon magiging katanggap-tanggap sa kanya.  Mismong pagkabigo natin sa ating inaasahang maging matagumpay sa iniaatas na maging isang tagapanayam sa isang seminar at iba pang mga kadahilanan sa pagkabalisa natin sa buhay.  Normal lamang sa isang tao na makadama ng pagkabalisa sapagkat produkto ito ng ating emosyon at dikta ng ating pag-iisip,  maaaring ito ay nangyari o produkto lamang ng malikot nating imahinasyon.  Ang pagkabalisa sagangang sarili ay nakatutulong sa atin kahit papaano pero kung ito naman ay madalas nating ginagawa ay maituturing na rin bilang pagpaparusa sa ating sarili at maaaring makapagdudulot ng hindi maganda.  Sa naunang banggit,  sapagkat ito naman ay bunga ng emosyon,  maaari pa rin itong maagapan. 
                Give yourself a break.    Mainam na napaglalaanan natin ang ating sarili ng pagkakataon na makapagpapahinga.  Huwag masyado nagpapakasubsob sa trabaho na minsan ito ay nadadala na sa ating bahay at wala na tayong pagkakataon sa mga mahal sa buhay.  Kahit papaano pasalamatan natin ang pagkakataon na walang pasok dahil may transport strike, ang PISTON dahil dito ka nakapapanood tayo ng TV,  nakapagbabasa kapiling ang ating mga anak,  nakapagsisiping sa kapareha,  at nakakapag-ehersisyo ng hindi ka nagmamadali.   Give yourself a break from self-imposed pressures that will really drain you.  Kung sobra naman ang demand natin sa ating sarili maaari tayong magkaroon ng depresyon at istres na nagdudulot din ng iba’t ibang mga karamdaman.  We should learn how to relax. 
                Pray to God.   Why worry when you can pray?  Napapagalaw ng panalangin ang mga bundok.  Makapangyarihan ang panalangin, ikanga.   Hindi dapat umaasa sa sariling kalakasan dahil hindi natutumbasan nito ang naggagawa ng Diyos sa ating mga sarili.   Ang mga madasaling tao, maihahalimbawa ko ang aking lola na 96 years old na, ay hindi kapapansinan na naging balisa siya sa buhay.  Sukli ito ng pagkakataon at ng Diyos sa kanyang ilang beses na pagdarasal sa bawat araw at pagpunta sa simbahan kung may misa.  Pinapaggana nito ang ating kaisipan ng panalangin para mas higit nating mauunawaan ang mga bagay-bagay, at nagkakaroon ka ng lakas para malabanan ang mga kaisipang nagpapaligalig sa atin.  If you are in commune with God’s wisdom in return, it provides you power over worry. 

                Simplify your life.  Karamihan sa atin ay nag-aakala na kapag marami tayo, mas magiging masaya tayo.   May paniniwala tayo na ang pagkakaroon ng maraming pera ay siya lamang ganap sa ating magpapasaya sapagkat nabibili natin ang ating mga gusto, luho at nagagawa natin ang mga pagkakataon na magpapaligaya sa atin.  Nakabibili tayo ng bagong kotse dahil sa pera.  Natutugunan ang ating pangangailangan sa panandaliang-aliw dahil natutumbasan ito ng pera.  Nakakain natin ang mga maganda sa paningin at ang masarap sa panlasa sapagkat mayroon naman tayong kakayahang magbayad.  Taliwas sa inaasahan natin,  ang anumang pagkakaroon pala natin ng labis ay nakapagdadala ng pagkabalisa din.  Kung may sasakyan,  hindi tayo  makatulog nang maigi dahil baka ito ay nakawin o maaaring galawin ng mga kapitbahay nating malikot ang kamay na maaaring ikakasira nito.   Ang panandaliang-aliw sa babaeng kinasama ay maaaring nakapagdudulot ng guilt dahil maaaring ikasisira ng pamilya  o di naman kaya ay magkakaroon tayo ng STD.   Ang masarap na pagkain na pinagsaluhan mo ay makapagbabalisa sa atin dahil maaaring hindi mabuti ang pagkahanda nito o di naman kaya ay magdulot sa atin at sa mga anak natin ng karamdaman.  Ang sinasabi sa atin ay gawing simple ang buhay.   Sa halip ay magpasalamat sa mga grasyang tinatamasa at alisin na ang paniniwala na the more you stockpile, the further value you enjoy as human being.  Bawasan ang pagiging nakadepende sa mga bagay.  Tandaan ang sinabi ni Dyer, isang paham sa larang ng self-development na everything that you add to your life brings with it an element of imprisonment. 
                Share your worry to a friend.   Mainam na magkaroon tayo ng independency o detachment sa ibang tao sa pagkakaroon natin ng kaligayahan pero hindi nangangahulugan na wala na tayong magiging ugnayan sa kanila.  May nagagawa para sa ating pagkabalisa ang pakikipag-ugnayan natin sa ibang tao.  Kaya mas napapahaba ang buhay ng isang tao kapag mayroon siyang kapareha sa kanyang pagtanda.  Iba ang naggagawa kapag mayroon kang napagsasabihan ng inyong mga alalahanin.  Nababawasan ito ng limapung bahagdan kapag naibabahagi ito sa ibang tao sapagkat nagkakaroon ng unloading sa ating damdamin kapag ibinabahagi natin ito sa iba at nagkakaroon tayo ng magaan at masayang pakiramdam.   Ibig sabihin nito,  kung medyo may kabigatan na, halimbawa,  natuklasang may ibang babae ang sinisintang lalake,  mainam na may napagsasabihan tayo nang sa ganun na rin ay maaari tayong mapayuhan ng ibang tao kung ano ang magiging perspektibo at kung paano natin dapat pinakikiharapan ang pagkakataon.   Being able to ask for help from someone is a sign of maturity, not weakness. Ang pagkakaroon mo ng kumpidante sa sitwasyong iyong kinasasadlakan ay magpapabawas sa maaaring idudulot nito sa iyong istres.
                Make sure to exercise.  Exercise can also be a form of diversion from your worries.  Aminin natin na marami ang nagagawang kabutihan sa ating pangkalahatang kalusugan ang ating pag-eehersisyo.   Mayroong mga kemikal sa katawan na nailalabas kapag ikaw ay nag-eehersiyo katulad ng endorphins na panlaban sa istress.   Napapaganda din nito ang pakikiramdam sa ating sarili at kadalasan nakapagdudulot ito sa  sa atin na makatulog  nang maaga at mahimbing.  Dahil dito, hindi na tayo nagkakaroon ng pagkakataon na maging balisa habang tayo ay nakahiga.   Ang simpleng paglakad patungo sa iyong pupuntahan ay malaking bagay na para mapaganda ang pagdaloy ng iyong dugo sa katawan at magiging aktibo ang iyong internal na bahagi ng katawan sa kanyang tungkulin.   Dulot nito,  mas narerekalaks tayo at mas nababawasan o naiwawala nito ang mga kaisipang bumabagabag at nagpapabalisa sa atin.    
          
Change your thoughts.   Kung mababalikan ang mga naging pahayag ko na makapangyarihan ang ating isip.  Lahat ng ipinapasok   sa ating kaisipan ay pinaniniwalaan ng ating sistema bilang totoo.  Kaya iminumungkahi sa atin na ang dapat tangkilikin ng ating kaisipan ay yaon lamang mga positibong nakapagdudulot sa atin ng kabutihan.   Kaya kung saka-sakali na may isang pangyayaring makapagbabagabag sa atin o makapagdudulot ng pagkabaliksa,  mainam na harapin ito at gawan ng paraan na malutas.  Maaaring ibahagi sa ibang tao para maging magaan sa pakiramdam.   Nakakalinis din ng kalooban at kaluluwa ang pag-iyak pero hindi ipinapayo ang pag-iyak ng iilang gabi.   Hindi dapat ang mga problema ay magiging balakid sa pagkakaroon mo ng hindi maiman na pagtulog.   Maaari lamang itong balikan kinabukasan at hanapan ng solusyon pero kung sa tingin mo naman walang solusyon,  mainam na huwag na itong problemahin.  Behind the darkest clouds the sun is still shining. There is a rainbow always after the rain.  Ibig sabihin kahit bagyo at delubyo ay may hangganan,  ano pa kaya iyang problema na iyong pinagdadaanan.  

                We get caught-off guard by this negative state of mind.  May katotohanan ang pahayag na ito pero tandaang nakasalalay pa rin sa ating mga sarili ang nakabubuti para sa atin.  Ika nga ni Leo Aikman sa pahayag na,  blessed is the person too busy worry in the daytime and too sleepy to worry at night.   Wala ng dahilan para magpatali tayo sa mga problema, masamang karanasan, kabiguan,  o hindi magandang maaaring mangyari,  sa halip ipadasal na lamang ang nagpapabalisa sa atin.  Napakadami pang biyayang matatamo mula sa ating Tagapaglikha para sa simpleng problema ay gagawin mong miserable ang iyong buhay.   

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento