Miyerkules, Mayo 6, 2015

Salamat, CAS


        Ang pinagdausan.  Bandang alas-9:00 na ng kami ay dumating sa Aqua Park Del Carmen Beach Resort na matatagpuan sa Kauswagan,  Lagonglong, Misamis Oriental na pinagdausan sa aming XUCAS-Strategic Team Building.  Nagkakahalaga ng P50.00 ang kabayaran sa entrance.  May mga cottage at mga silid na pwedeng tuluyan ng mga nagnanais na magpalipas-gabi sa halagang P1,500 at P 1,200.   Maraming mga pwedeng mapagkalibangan o fun activities katulad ng Aqua Park na may mga inflated slideskayaking, banana boating, paddling, jet ski at wooden Bangka.  Mayroon din itong dalawang swimming pool: isa para sa mga bata at isa naman sa mga nakakatanda na may lalim na 5 talampakan.


    Ang Palatuntunan.  Nagsimula ito sa isang pambungad na pananalita ng mga guro ng palatuntunan kasama sina Sir Pia at Maam jom na ang pinaksa ay ang kahulugan ng STB.  Nagbigay ng kanyang pambukas na pananalita si Fr. Dean.  Dito ipinaliwanag niya ang STB at pinakilala rin niya ang mga bagong nakatalagang dekana at ang kanyang katuwang sa kolehiyo.   Nagkaroon ng pagpapakilala sa bawat kagawaran sa isang malikhaing paraan.  Nagkaroon din ng mga sayaw na pagtatanghal ang cluster mula sa Humanities at Drawing Interpretation ang mula sa Sciences sa pamumuno ng kagawaran ng Sikolohiya.  Naging masaya at punong-puno ng tawanan ang kabuuan ng palatuntunan dahil sa mga walang pakundangang pagpapatawa at no-holds barred na punch lines ni sir Pia.  Halos nangiyak-ngiyak na rin ako sa kakatawa at ang ibang mga guro.  Kabilang sa mga laro (games) ay ang banana eating contest,  cheese rin-a-hole relay,  toxic river, trivia, atbp na inihanda ni Maam Erna at Maam Jane.  Nagkaroon din ng Best in Beach Attire at Mr at Ms CAS na pinakahuling ginawa ito ay noong 2009.  Pinaglabanan nila ang mga sumusunod na kategorya:  gown (made out of crepe papers),  best in photo shoot,  at question and answer portion.  Nahirang na Ms. CAS si Maam April at Mr. CAS si sir Francis.  Sa kabuuan ng STB ay masaya naman at matagumpay.  Hindi rin maikakaila na masarap ang pagkain na naihanda.



Pagmamay-ari ni Mark Willameldia ang larawan

         Ang karanasan.  Nagpapasalamat ang mga guro sa mga taong nasa likod ng paghahanda ng STB sa pagkakataong ito sapagkat ang pader na nakaharang sa pagitan ng aming tanggapan at ang pinto na madalas na nakasara ay maaaring naghihiwalay sa amin sa iba pang mga kasama namin sa trabaho na pwede naman namin sana silang makilala nang lubos.  Sa STB,  inilalapit nito ang loob namin sa isa’t isa at siyang naging daan nang sa ganoon ay makapagbukas kami ng aming mga sarili at maging ganap na magkakaibigan at  kapatid na turingan.  Ika nga ang mga taong nakikilala mo ay biyaya ng Diyos sa iyo dahil sila ay mag-iiwan sa inyo ng alaala na makapagbabago sa iyong pagkatao.  Nawa ay hindi matutuldukan ang lahat sa pagkakataong iyon kundi marami pang susunod na magaganap ang ipagkakaloob sa amin ng pamantasan upang maging mailapit kaming lalo sa bawat isa.  Salamat, CAS!     




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento