Huwebes, Mayo 7, 2015

Kasusweldo pa lang, UBOS na? Pagsusuri at Pagbubuod


            Ang aklat na Kasusweldo pa lang, UBOS na?, sa panulat ni Vic and Avelynn Garcia ay tumutukoy sa mga kadahilanan kung bakit marami pa ring naghihirap sa ating mga Pilipino.  Sa kabila ng sahod na natatanggap kahit ito man ay may kaliitan o may kalakihan ay tila nauubos pa rin siya pagdating ng sahuran.  Dito, inilahad sa atin ang iba’t ibang mga rason kung saan napupunta ang ating pera at nagsasaad din sila ng mga mungkahi kung paano mapapangalaagaan ang pera na dumarating sa isang tao.  Kung hindi magkakaroon ng pagbabago ang isang tao sa kanyang paghawak ng pera ay maaaring pagdating ng panahon na siya ay mangagailangan ay wala na siyang magagamit dahil hindi napamahalaan nang maayos.
            Sa mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa pribado ay wala pong problema na papag-aralin sila kung kaya namang tustusan ng mga magulang ang mga anak.  Pero kung ang ipinambabayad lamang ay uutangin lang din ay ibang usapan na lalo pa’t ang inutang ay mayroong interes.  Hinihikayat ang mga magulang na kung hindi kasapatan ang perang pantustos ay mainam na sa mga pampublikong paaralan na lamang sila ipasok.  Marami rin sa mga pampublikong paaralan ay may kalidad na edukasyong ibinibigay.  Bagaman Malaki ang maitutulong ng paaralan sa pagbuo ng pagkatao at katalinuhan ng isang estudyante pero nakasalalay pa rin sa mga mag-aaral ang ika-uunlad sa kanyang sarili.  Sa halip ay pag-iipunan na lamang ng mga magulang ang ipantustos sa pag-aaral sa pagkokolehiyo ng kanyang anak.  Nabanggit ng mga may-akda na a good education requires a lot of time from their best teacher. Kung gusto ng mga magulang na mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang anak ay nararapat na sila mismo ay maglaan ng oras para dito.  Kapag naging maganda ang pundasyon ng anak ay maaari itong maging mahusay pagdating sa kolehiyo at maaari siyang maging iskolar sa isang mahusay na kolehiyo o unibersidad.  Dahil iskolar ang anak mas makatitipid ang mga magulang.  Ang pagiging iskolar sa iba pang mga kaparaanan ay malaking tulong din para wala ng masyadong malaking babayaran ang mga magulang kung kaya mas makatitipid sila.
            Hindi maikakala sa atin na kapag nagkaroon tayo ng pera ay agad-agad tayong nagpupunta sa groseri ay bumibili ng mga sa tingin natin na kung di man maganda ay masarap sa paningin.  Kaya kuha lang tayo nang kuha at pagdating sa bayaran sa cashier ay ang laki pala ng ating babayaran na pwede naman sana tayong nakatipid.   Iminumangkahi na magdala ng listahan ng mga bibilhin.  Nangangahulugang sa bahay pa lamang ay gumawa ka na ng iyong kakailanganin at bibilhin.  Kung ano yaong nakalista ay yaon lamang ang iyong bilhin.  Mainam na kapag bayaran na ay cash ang ibibigay at hindi ang credit cards sapagkat maliban sa may interes tayo ay mas tumatapang sa pagkukuha ng mga magugustuhan natin kahit di naman kailangan kung hindi gusto lang natin.  Iwasan din ang pagbibili ng mga produkto na branded dahil ito ay ibinibinta nang mahal.   Sa halip bilhin ang mga produkto na di branded pero de-kalidad lalong lalo na ang mga processed food na ubod ng mahal.  Magdesisyon na kumain lamang ng mga masustansiyang pagkain katulad ng prutas at gulay sapagkat makatutulong ito sa pagpapatatag ng kalusugan.  Ang madalas na pag-inom ng soda na tinawag nilang sugared water katulad ng iced tea, softdrinks at iba pang inumin na mataas sa asukal.  Nabanggit nila na ang bawat baso ay mayroong pitong kutsarita na asukal.  Batid natin na ang asukal ay nakapagdudulot sa ating nakaramdaman kabilang na diyan ang dayabetis.   Maidagdag pa ang pagkain ng karneng baboy na kung saan ay tinigilan na nila dahil di umano ang baboy ay napakarumi.  Ang baboy ay kumakain ng panis na pagkain, kumakain ng feeds at may pagkakataon ding sariling dumi rin ay kinakain nito.  Anumang esensyal sa pagkabuhay ng baboy ay maiiwan sa kanyang katawan.  Tayo naman ang kakain sa karne ng baboy.
            Pagdating naman sa bahay, mainam na huwag ng bumili ng bahay kung mababaon lang din sa utang o hindi pa kaya ng badyet.  Kung may bahay ka na naman, mas mainam na maging alerto tayo sa mga bill na ibinibigay sa atin kung medyo kalakihan ang ating babayaran ay dapat magtipid tayo katulad ng pag-iwas o di madalas na paggamit ng mga electrical heating devices sapagkat malaki ang konsumo nito.  Get only the services you need and use them wisely.  Sa usaping cable, mainam na kung hindi kakailanganin o wala kayong self-control ay huwag ng magpalagay sapagkat ito ay mahal, dagdag sa kuryente at nakakakuha ng oras na sa halip ay ilaan na sa mga mahal sa buhay.  Sa mga anak naman ay maaaring maglaan ng oras sa panonood sa halip na mag-aral.   Magtipid din sa paggamit ng load sa selpon magteks lang at tumawag kung kinakailangan.   Iwasan ang pagpapadala ng chain messages.
            Sa pamimili naman ng mga kakailanganin katulad ng damit.  Bumili lamang kung hindi kinakailangan pero kung kakailanganin ay pag-isipan kung bibilhin.  Mas makatitipid kung bibili ka ng damit kapag ito ay naka-sale.  Maaaring sale sa Christmas Season, after sa pasukan, at Off Season.  Nagma-mark down ang presyo kung hindi kinakailangan.  Iminumungkahi rin ng mga may-akda na bilhin lamang ang mga damit na matitibay kahit hindi branded.  Kasi kapag branded ang mga nagpapamahal nito ay ang mismong brand.  Kapag naman sa paglalaba ng damit, huwag itong iasa sa katulong o sa iba para mas mapangalagaan lalo ang damit. Kung namantsahan sarili mo lang ang pwede mong sisihin.
             Sa usaping pampamilya, kung magkaroon ng oras sa mga anak at pupunta sa mall, iminungkahi nila na magkaroon na dapat ng agreement kung magkano lamang ang ilalaan o gagastahin.  Kung P 100.00 lamang ang badyet sa bawat anak sa pagkain at paglalaro ay matuto silang pagkasayahin iyon.  Dito rin ay tinuturuan ang mga anak sa kanilang batang edad kung paano nila mapapamahalaan ang kanilang pera.  Sa pagbibigay ng alawans sa anak ay i-train ang anak sa three jar technique:  10% para sa Diyos,  20% sa ipon at 70% naman sa revolving fund.  Pinanumpaan ng dalawang nagmamahalan na silang dalawa ay maging isa (and the two shall become one) kung kaya’t ang pera ng isa ay pera ng dalawa.  Sa paggagasta kailangan ang tinatawag na conjugal spending.  Nangangahulugang mayroong pahintulot ang isa sa isa kung mayroong bibilhin dahil pareho nilang pagmamay-ari ang pera.  Mayroong standard operating procedure katulad ng ibang mga corporation.  Bunga nito ay maiiwasan din ang pangangaliwa sapagkat nakokontrol pareho ng magkapareha ang kanilang pera.  Pero hindi naman nangangahulugan na kahit sa mga simpleng bagay ay hindi na rin makabibili ang isa dahil paaano kung wala ang kapareha.  Mayroon namang previledge spending na tinawag ding petty cash fund. May badyet na hindi na kinakailangan ang pahintulot sa isa.   Matuto kung kailan tumulong at hindi kailangang tumulong sa mga kapamilya, kamag-anak at kaibigan.  Una linawin kung utang ba o hindi.  Pangalawa, humingi ng post dated cheque at promisory note. Pangatlo, dapat alam ng parehong mag-asawa ang tungkol sa pagpapautang at may agreement sila.  Pang-apat, kung kaibigan ang mangungutang, conduct background investigation bago mapautang at iwasan ang monthly dole-out.  Matuto ring magsabi ng “Hindi!”  Kung mga kaibigan mo ay mag-iimbeta sa iyo na magpunta ng bar at sa tingin mo ay gagasta ka rin,  mainam na huwag ng sumama.
            Maidagdag pa ang mga dapat gawin para makatipid,  huwag ng bumili ng kotse kung hindi rin lamang naman kailangan.  Magastos ang sasakyan.  Registration, insurance, battery, gasolina o krudo,  langis,   brake fluid, change oil, toll fee, change of wheels, parking fee, repair and maintenance, at marami pang iba.  Pero kung gagamitin sa pagnenegosyo ang sasakyan ay pwede na ring bumili.  Sumakay ng dyip sa halip na taksi.  Mainam ang pagkuha ng health insurance/healthcard para pagdating ng araw na magkasakit ay hindi na mahihirapan ng ipambabayad.  Para makaiwas sa mga karamdaman, mag-ehersisyo at uminom ng mga bitamina. Ang mga hindi inaasahang income ay maaaring ituring na mga automatic savings.  Matutong magtabi para sa kinabukasan.  Huwag taasan ang lifestyle at wants.  Kung hindi mo naman kailangan ng credit card ay huwag ng kumuha.  Pero kung mayroon na kayo nito ay magkaroon ng self-control and use it wisely.
            Mag-impok sa bangko.  You should have atleast three bank accounts.  Magkaroon ka ng revolving, contingency at long term savings bank accounts – 70-20-10. Ang contingency funds ay mga bagay na hindi inaasahan na mangyayari kung kaya mayroon ng magagamit kung saka-sakali.  Long term savings naman kung darating ang panahon na kailangan niyo ng malaking pera para sa pangnenegosyo o bumili ng sasakyan. Maaari kayong mag-ipon sa halagang limit na ibinibigay ng PDIC na nagkakahalaga ng P500.00.
            Masasabing punung puno ng mga praktikal na payo sa mga mambabasa ang aklat kung nagnanais na baguhin ang sarili lalong lalo na sa pamamahala ng sahod.  Kung mababasa mo ito ay maaaring mabago ang iyong pananaw na kahit gaano kaliit ang sahod kung marunong kang magtipid at alam mo ang tamang paggasta ng iyong kinikita ay tiyak na hindi ka maghihirap sa oras ng pangangailangan.  Dito sinasabi na iwasan ang mga bagay na kung saan hindi ka makakatipid kabilang na ang hindi pagkuha ng ATM lalong lalo na kung wala ka ring ibabayad at wala kang self-control. 

             

           


                         


            

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento