Mula sa kwento ng Pamilyang Lambert na sinundang serye ng Insidious
3, ay kwento ng isang bata na nagngangalang Quinn (Stefanie Scott).
Nagdadalamhati ang bata sa kwento sapagkat yumao ang kanyang ina dahil
sa sakit na kanser. Pakiramdam ng bata ay pinakikitaan siya ng kanyang
ina sa malaking apartment na gusaling kinatitirhan. Sa pagnanais
ng nasabing bata na makausap muli ang kanyang ina ay nagtungo ito sa
isang psychic na si Elise para matulungan siya. Bagkus sa mga sandaling
ito, ang huli ay hindi na katulad ng dati na puno ng tapang at
katatagan na harapin ang masamang espiritu. Sa kabila ng kanyang
pag-alinlangan ay nakadama siya ng pagkahabag sa bata. Ilang mga araw
ang nakalipas, matapos ang pagbisita niya kay Elise ay nasagasaan siya
ng isang sasakyan sa daan habang tinitingnan ang isang di niya matukoy
na lalake na nagpapakita sa kanya na siyang dahilan ng pagkabaldado at paghihirap
sa paglalakad.
Talagang nakakamangha ang nasabing pelikula. Isa sa mga masasabi nating panibago dito ay ang paglalapat ng konsepto na ang tinatakot ay isang pilay (Quinn). Sa mga katatakutan (horror) na pelikula madalas talaga nakakalakad ang pangunahing tauhan sapagkat ang mga manonood ay maaaring mismong sisigaw sa tumakbo ka. Pero dito masasabi nating ang kalagayan ng mismong pangunahing tauhan ay mismong magpapahina sa kanya at magpapadama naman sa manonood ng kundi man pagkahabag ay mismong pagkatakot para sa kanya. Makikita mo rin sa loob mismo ng silid ng pangunahing tauhan na kahit ito ay kaaya-aya pero mapapasigaw ka sa mga tagpo na punung-puno ng mga gulatan kabilang na diyan yaong mismong pinakitaan si Quinn ng lalaking naka-hospital gown na naglaho at pagsilip (peek) niya sa ilalim ng kama pero nasa likuran na pala niya ang nagmumulto, ang mga yapak ng paa na kulay itim sa loob mismo ng kanyang silid, ang pagdungaw niya sa bintana ng ibabaw na palapag ng silid na mismong ibabaw lang din ng kanyang silid na hinila siya sa bintana, ang mismong paglaban ng pansuportang karakter na si Elise sa the Further. Bahagi pa rin ng sentralidad ng kwento ang tauhan na si Elise. Mismong ang dalawang karakter din na paranormal na sina Specs at Tucker ang nagpapagaan sa kwento sa kanilang mga nakakatawang hirit at pagganap.

Photos attached are taken from Google images
Maipagtataka mo lamang sa nasabing pelikula ay hindi malinaw ang mismong kwento sa likod (back story) ng nanakit na multo sapagkat mailalarawan lamang siya bilang nakasuot ng damit pang-ospital, isang aparatu sa paghinga at ang mismong pagkakaroon ng maputik na itim sa bakas (footprints) ng kanyang mga paa. Palaisipan din kung bakit siya napadpad sa mismong apartment na kinatitirhan ng tauhan na si Quinn. Malamang mayroong malaking kaugnayan ang ibabaw na silid sa kanyang buhay. Maaari naman ding isipin na sadya lang siyang nasapian ng demonyo at ang natipuhan ay ang magandang dalagita na si Quinn na mas madaling masapian sapagkat nagdadalamhati at nangungulila pa rin sa kanyang ina na isang taon at kalahati na buhat ng pagpananaw. Baka din naman ito ang paghuhugutan ng manunulat sa susunod niyang serye.
Kapuri-puri ang pagkaganap ni Lin Shaye sa karakter na elise, isang beteranang actress na nabigyan ng pagkakataon ng mas maraming oras sa iskrin. Hindi matatawaran ang kanyang husay at galing sa kanyang pagganap bilang isang psychic na talagang kapani-paniwala na mayroon siyang kakayahah na harapin ang mga masasamang espiritu at labanan ang mga ito sa kanyang paniniwala na mas higit na malakas ang mga nabubuhay kaysa sa mga nagmumulto. Karapat-dapat siyang gawaran ng parangal sa kanyang pagganap bilang pinakamahusay na pansuportang aktres. Karapat-dapat lang siyang bansagang Scream Queen sa Hollywood.
Sa kabuuan, mahusay ang mismong pagkagawa ng pelikula mula sa sound effects, sinematorapiya, pagsisipagganap ng mga tauhan. Ang mismong aral nito ang kahalagahan ng pagiging buo ng pamilya at katatagan nito. Ang tunay na pagmamahal ni Elise sa kanyang yumaong bana.
Higit na nagpatindi sa aming karanasan sa panonood ng nasabing pelikula ay ang maituturing na napakagandang at kaaya-ayang teatro ng Limketkai Center sa kanilang Dolby atmos technology at sound surround speaker.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento