Ang pelikulang
Mila (Maricel Soriano) ay larawan ng isang guro na may pagmamalasakit sa
kanyang tinuturuan at pagpapahalaga sa trabaho.
Makikita sa pelikula kung gaano niya pinahahalagahan ang bawat mag-aaral
sa pamamagitan ng matamang pagtuturo sa kanila at higit na pagpapaliwanag sa mga
mag-aaral na hindi masyadong nakakaunawa ng mga aralin. Higit din niyang naisasasip na ang sinumang
dumaan sa kanyang mga mag-aaral ay nasa mabuting kalagayan sila bilang kabahagi
niya sa kanila. Dahil sa angking
kabutihan nito sa mga mag-aaral ay naging malapit ang mga bata sa kanya, na
kadalasan ay nagiging sumbungan ng mga hinaing, problema at mga pasakit na
napagdadaanan ng mga estudyante sa kanilang buhay. Makikita mo sa kanya ang pagiging handang
tumulong sa sinumang nangangailangan sa kanya sa lahat ng oras.
Si Mila ay isang
babae na sa kabila ng kabutihang kanyang ipinapakita sa iba ay may hindi maganda
rin siyang pinagdadaanan sa buhay.
Naroong ang kanyang mga magulang ay mayroon problema sa relasyon, ang kanyang ina na inaabuso ng kanyang amang
isang lasinggero. Naging sawi sa kanyang
unang pag-ibig hanggang sa may dumating sa kanyang buhay at nagpatibok nito si
Primo (Piolo Pascual. Isa siyang babae
na may puso at damdaming nagmamahal. Sa
buong akala niya si Primo na ang makapagbabago sa takbo ng kanyang
buhay-pag-ibig. Sadyang mapagbiro ang
panahon dahil pasakit din pala ang maidudulot ng huli sa kanya sapagkat ito ay
isang lulong sa ipinagbabawal na gamot.
Naudlot ang pag-ibig nito ng mas pinili ng lalaki ang hindi mailagay sa
rehabilitasyon sa Tagaytay.
Isang babaeng
may ipinaglalaban si Mila. Dahil sa
hindi sapat na ipinasasahod nito ay minabuti ng kanyang mga kapwa guro ang
mag-hunger strike para maipabatid sa administrasyong Aquino ang hindi nila
pagsang-ayon sa kababaang-sahod na ibinibigay sa mga katulad niyang guro. Hindi alintana ng mga ito ang hirap, pagod at
kapahapamakan na maaaring kakaharapin sa isinasagawang pagrarali. Dahil sa samu’t saring pahirap na
pinagdadaanan niya sa buhay ay natagpuan ni Mila ang kanyang sarili sa Ermita
na siya kinapadparan niya. Doo’y mas
naipadama niya ang kanyang pagmamahal sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng mga
pagtuturo nito sa mga kabataan na pinagkaitan ng edukasyon. Naging takbuhan din siya ng mga prostityut sa
pagpapaturo ng Ingles bilang paghahanda sa isang dayuhang kostumer na
maghahanap ng panandaliang-aliw.
Inilahad sa
kwento na bawat tao ay mga layunin sa buhay.
May mga tungkulin na nararapat na gampanan kahit saan ka man nailagay o
anumang lipunan ang iyong kinalalagyan.
Isang huwaran na guro si Mila dahil hindi niya isinentro ang buhay niya
para sa sarili lamang, bagkus ito ay kanyang iniaalay sa paglilingkod higit sa
lahat sa mga nangangailangan.
Pinahahalagahan ni Mila ang edukasyon.
Ninais niya ang mga kabataan na makapag-aral at matuto para umahon sila
sa buhay. Isinalba niya ang isang menor
de edad sa pagkakasadlak nito sa prostitusyon.
Pinaunawa niya sa isang bata ang pagmamahal nito ng kanyang ama. Maging ang isang taong wala na sa kanyang
katinuan ay hindi niya pinandidirihan sa halip pinakitaan niya ito ng
pagmamalasakit. Patunay lamang na kayang
baguhin ng isang tao ang hindi magandang anyo na inilalarawan ng kanyang
lipunan. May magagawa siya. Hindi
kailangan ni Mila ang pagkakaroon ng maraming pera para makatulong dahil para
sa kanya ang pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan nito sa kanila (mga
nangangailangan) ay simbolo ng kanyang hindi matatawarang pagmamahal sa kanyang
kapwa. Si Mila ay nagsilbing inspirasyon
sa lahat na ang bawat karanasan sa buhay ay siyang magtuturo sa pagiging ganap na
tao. Na higit sa apat na sulok ng silid
ay isang malaking paaralan ang lipunan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento