Biyernes, Hulyo 31, 2015

Bona: Debosyon at Obsesyon - Isang Pagsusuri



Ang pelikulang Bona ay pumapaksa sa pagkahumaling (obsession) ng isang tagahanga sa isang artista.  Makikita sa pelikula kung paano pinagpalit ng isang tagahanga sa katauhan ni Bona (Nora Aunor) ang kanyang pamilya makasama lamang ang hinahangaan.  Mas pinili ng tagahanga na ipagpalit ang masagana at masaya niyang buhay sa pagsubaysay at pagpapaalila sa kanyang sinasamba at ginagawang Diyos na hinahangaang artista, sa katauhan ni Gardo (Philip Salvador).  Si Gardo,  sa kabila ng kanyang pagiging isang bit-player ay nakipamuhay lamang sa iskwater sa Tondo na yari lamang sa kahoy ang pagkagawa ng bahay.  Dito sa naghihikahos na bahay, nakitira si Bona na naglilingkod sa kanya ng sobra-sobra bilang kapalit sa kabutihang ipinakikita ng artista sa huli.  Pag-iigib, pagluluto, paglilinis ng bahay, pagpapaligo, pagpapakain at kung ano-ano pa ang kanyang ginagawa maipakita lamang kay Gardo ang kanyang pagmamahal bilang isang tagahanga.  Alam ni Bona sa kanyang sarili na may nararamdaman siya kay Gardo kaya lang hindi na niya ito sinasabi sa lalaki dahil tanggap naman niya sa kanyang sarili na sapat na ang pagpapatira sa kanya ng lalaki sa kanyang bahay.  Magiliw ang katauhan ni Bona dahil minamahal din siya ng mga taong nakikilala niyang kapitbahay ng kanyang tinitirhan.  Minsan naglilingkod siya sa pamamagitan ng mga pagtuturo sa mga anak ng kanyang kapitbahay kaya kapalit ng kabutihang-loob ay nakatatanggap siya ng mga kabutihan mula sa kanila katulad ng pagkain.
                Ito ay paglayo sa mga karamihang mainstream o komersiyalisadong pelikula na minsan ang nagiging pangunahing layunin ay ang kita ng produksyon.   Maituturing itong isang obra na bumabalangkas sa totoong mga kaganapan sa ating lipunan.  Una ay ang pagiging obses ng isang tagahanga sa kanyang hinahangaang artista.  Dito makikita kung paanong aligaga si Bona sa kasusunod sa mga syuting ni Gardo, pagdala ng mga pagkain,  pakikipagsapalaran sa kabila ng pagiging matao sa set, pagsisilbi katulad ng pagpupunas ng pawis ng artista, pagpapayong sa kanya sa pagsasama kapag umuulan,  at paglalaan ng oras sa halip na makapiling ang sariling pamilya.  Minsan pa ay nalagay rin sa alanganin ang buhay ni Bona ng mapaaway si Gardo dahil sa isang lalaking galit na galit sa kanya dahil di umano’y naloko ng artista ang kapatid nito.  Sa isang tagahanga ay kaya nito na kalimutan ang sarili at talikuran ang kanyang pamilya para lamang makasama ang kanyang artistang hinahangaan.  Pangalawa ay ang pananamantala,  alam ni Gardo na patay-patay sa kanya si Bona kaya sinunggaban niya ito- ang kahinaan.  Ginawa niya itong alipin at sunud-sunuran sa kanya.  Minsan pa ay ginawa niya ang babae bilang parausan.  Inilalarawan din sa pelikula na may kapangyarihan si Gardo dahil sa kanyang pagkakaroon niya ng katanyagan at kakikisigan.  Ginamit niya ito para makakuha ng iba’t ibang mga babae na pwede niya maisama sa bahay at maikama.  Isang babae na rin ang napalungian niya ng puri na nagkaroon sila ng bunga at ultimong bayad sa ipampalaglag ay iniasa pa kay Bona.   
                Hindi matatawaran ang kahusayan ng pagkabuo ng pelikula mula sa kanyang banghay na ipinakita sa simula ang maituturing kultural na debosyon o cultural piety sa Itim na Poong-Nazareno.  Ang pagdumog sa maraming tao sa pagnanais na makahawak o maidampi ang mga panyo sa pagnanais na gumaling sa anumang karamdaman ang nanampalataya o biyayaan pa ng Panginoon sa buhay.  Ang dalawang mukha ng debosyon at obsesyon ang nais paigtingin sa panimula ng pelikula bunga pa rin ito ng ipinaniwala ng kolonyalismong mga Kastila sa ating mga Pilipino na sa halip na bumuo ng hakbang na buwagin ang kanilang muog ay ipagpaniwala sa kung ano-anong pamahiin at paniniwala.  Ang paraan ng pagdidisiplina ng isang ama sa pamamagitan ng pamamalo sa anak na naka-ugat pa rin sa mga kastila.  Pagkakaroon ng strong family ties sa isang pamilya na ang nakatatandang kapatid na lalaki ang nagmistulang pangalawang ama at dumidisiplina sa kapatid na gumagawa ng kasalanan.  Ang pagkakaroon ng isang lalaking tagahanga sa katauhan ni Nilo (Nanding Josef) o nagmamahal kay Bona pero hindi kayang suklian ng huli ang ipinapakitang paghanga ng lalake.  Inilarawan ang bahagi iyon ng Tondo na isang eskwater at ipinakikita ang karumihan nito katulad ng pag-iinuman sa daan, paghihiyawan at pagkakantahan habang nasa harapan sila ng mga nagba-black rosary.  Ang mismong pagmumura ng isang babae na kabilang sa nagdarasal dahil sa galit sa mga nag-iinuman sa harapan ng kapilya.  Ang pakikibuno sa kalye dahil sa kalasingan.  Ang pakikipag-away ng isang babae dahil lamang sa isang lalake.  Naipakita rin sa bandang huli ng pelikula kung paano ipinakita ni Bona ang kanyang galit kay Gardo nang banggitin ito sa kanya na bumalik na siya sa kanyang pamilya dahil mangingibang bansa na siya kasama ang kanyang inamorata.  Dito ay pinagdimlan na ng paningin si Bona at sinabuyan niya ng kumukulong tubig na ipampaligo sana ni Gardo. Ipinakita ni Direk Lino Brocka na ninais na ni Bona na wakasan na niya ang kanyang pagsamba sa lalake dahil kabila ng kanyang kabutihang ipinakita ay iiwanan rin pala siya sa wala.  Itinuturo sa ating sa tagpong ito na,  minsan ang sobrang pagkahumaling natin sa isang bagay o isang tao ang siyang magbubulid sa atin sa kapahamakan.   Ang mga ito lamang ay iilan sa mga katotohanang binibigyang linaw sa lipunang kinabibilangan ng bida dulot na rin ng pananamantala at kahirapan.  Mula sa mga kapapanabik na tagpo ay napakahusay rin ang sinematograpiya ng pelikula sa kung paano nasimulan ang pelikula mula sa isang prosisyon at pag-ugnay nito sa isang bilbord ng palabas sa isang pelikula na sumasaklaw sa debosyon at pagkapanatiko.  Ang orihinal na sound effects katulad noong nagsimula ng maglinis si Bona sa bahay ng lalaki.  Ang pag-arte ni Nora Aunor ay kapuri-puri rin sa kanyang walang mga salita na pag-arte pero nangungusap ang kanyang mga mata at ang kanyan mga kilos.  Makikita mo na ibinuhos ng huli ang kanyang husay sa pag-arte bilang tagasamba hindi sa Amang Diyos kundi sa isang taong hinahangaan.   Larawan naman ng isang nag-aambisyun na tao si Gardo na pingbibidahan ni Philip Salvador.  Hindi maikakaila na malaki rin ang tulong ng kahusayan ng pag-aarte ng nasabing artista dahil sa kanyang kapani-paniwala na pagkaganap bilang isang artista na mayroong matipunong pangangatawan at kaaya-ayang pagmumukha na maaaring kuhuhumalingan ng sinumang makapapanood sa kanya.  Sa pagnanais na gustong maging sikat na artista ay tinatanggap niya ang mga maliliit na papel na pwedeng gampanan na angkop sa kanyang personalidad.
                Sa kabuuan,  makatarungan lamang na kilalanin ang pelikulang Bona bilang isa sa isandaang pinakamuhuhusay na pelikula sa buong mundo na dapat mapanood.  Kabilang rin ang nasabing pelikula sa ipinalabas sa 47th Viennale: Vienna International Film Festival at iba pang mga festival. Pagbati at paghanga ang ipinaabot sa bumuo ng produksyon.


Lunes, Hulyo 6, 2015

Mainam na Pakikipagrelasyon



Ang buhay ay nakabatay sa pakikipagkapwa-tao.   Isa iyan sa mga aspeto ng ating buhay na kailangan nating makikipag-ugnayan sa iba para sa ikagaganap ng ating pagkatao.  Kailangan nating maglaan ng oras sa ating mahal sa buhay para mas  mapatatag ang pagmamahalan at pagpapahalaga sa bawat isa.   Nakikipagkaibigan tayo at bumubuo ng magagandang alaala sa kanila sapagkat mayroong kaligayahang natatamo na hindi nagagawa ng mga kasapi ng ating pamilya na tanging sila lamang ang makapagbibigay.  Hindi maikakaila na ang mga tao sa ating paligid ay nakapagdadala nga ng kaligayahan sa atin pero sadyang may pagkakataon rin na ang mismong pinahahalagahan natin ang magdudulot sa atin ng pasakit.  Kadalasan,  ang inaakala natin na taong magpapahalaga sa atin ay siya pa ang makagagawa sa atin ng hindi inaasahang bagay na magdudulot ng kundi man kalungkutan ay kasarian sa ating pagkatao.  Kung nagaganap ito,  minsan nawawala na rin ang ating kaligayan sa buhay kasabay ng pagtatanim natin ng galit sa mismong taong gumawa ng pagkakasa.  Para na ring nanakaw sa atin ang ating sariling buhay.  Nagsisimula tayo sa pagpaparusa sa ating sarili at sinisisi natin ang iba na anumang nagaganap sa buhay natin na kalungkutan maging ang pagiging  miserable natin ay kasalanan ng nila.  Sa kanapang ito ay ang ating pakikipag-relasyon sa iba ay nagsisimula ng naglalaho at nawawala na ang tiwala.  Mas matindi lalo ang pait kung mismong ang mga mahal sa buhay pa ang gumawa sa ating ng isang malaking pagkakamali.  Kaya upang maiwasan ito, mainam na alamin kung paano dalhin ang pakikipagrelasyon upang hindi magdulot ng kalungkutan sa ating sarili.
Avoid expectations.   Masarap  magkaroon ng maraming kaibigan sa buhay lalo pa’t ang mga kaibigan mo ang makakasama sa paglalakwatsa sa mall, sa paglilibang, sa pagsisimba, sa pag-aaral, sa paggawa ng mga kakatuwang bagay at kahit sa pagsama sa iyo sa tuwing nakakadama ka ng kalungkutan.   Pero minsan ang kaibigan ding ito ay magdudulot sa iyo ng pasakit lalo pa’t may mga bagay ka na inasahan sa kanya na hindi naman niya nagagawa.  Nalulungkot ka dahil hindi nangyari ang gusto mong gawin niya sa kung ano ang gusto mo.  Habang ang ating edad ay papataas nang papataas ay lumalawak rin ang ating pakikipagrelasyong sosyal.  As we grow,  our interaction is increasing and in every interaction we also have an obligation between us and the person whom we are having interaction with.  Ang interaksyong ito o pakikipagrelasyon sa iba kapag hindi natin nagagampanan nang maayos ay maaaring makapagdudulot sa ating sarili ng hindi kaaya-aya.   Hindi maikakaila na nagkakaroon lamang ng kalungkutan o pagkasira sa isang relasyon kung nagkakaroon tayo ng ekspektasyon sa iba.   Kung walang eksperktasyon walang mabibigo at kung walang nabigo wala ring nasasaktan.   There is disharmony within ourselves if we put expectations to others especially if that expectation we think is not being met.   Sa dalawang magsing-irog nadadagdagan lamang ang mga suliranin kung may inaasahan sa bawat isa.  Magmahal ka lang nang buong-buo sa isang tao pero iwasan mo ang mag-expect sa iba.

Avoid sense of ownership.  Aminin natin ayaw natin na nasasakal tayo.  Likas sa ating mga nilalang ng Diyos na mapaghanap ng kalayaan sa buhay.  Kaya nga kaakibat sa pagmamahal Niya sa atin ay ang pagkakaloob sa atin ng kalayaan.  Kalayaan (freewill) na pumili sa kung ano ang tama at sa kung ano ang mali.  Ganoon din ang pakikipagrelasyon minsan hindi natin pwedeng ariin ang buhay ng iba kahit asawa o bana na natin sila dahil katulad natin ayaw rin nilang masakal na may kumukontrol sa kanila sa lahat ng oras.  Kung kataliwasan nito ang nangyayari sa inaasahan natin at sa tuwing hindi nila sinusunod ang gusting mangyayari minsan nalulungkot tayo sa buhay.  Sa madaling salita ang ating pakikipagrelasyon ay kailangan maluwag at hindi masikip.  Dahil kung mayroong nasisikipan mayroong nasasakal at kung mayroong nasasaktan may maghahanap ng kalayaan.  Minsan ang paghahanap nila ng kalayaan ay nakapag-iwan sa atin ng pait dahil hinahanap nila ang pagmamahal na hindi sila sinasakal.  Maliban sa katotohanang nabigo rin tayo dahil hindi nila sinunod ang gusto nating mangyari.
 Change yourself instead of others.   Hindi maikakaila sa atin na mayroon tayong mga kaibigan at mahal sa buhay na ninanais nating baguhin dahil sa taliwas sa ating inaasahan na gagawin nila ang ating nakikita.  Minsan mayroon tayong mga kaibigan na nagpapakita ng kagaspangan ng pag-uugali sa iba na hindi naman umaayon sa ating gusto na na gawin nila.  May pagkakataon din na ang mismong mahal natin sa buhay ay gusto nating baguhin dahil minsan hindi na natin masikmura ang kanilang pangit na pag-uugali na ipinapakita.  May pagkakataon din na may kaibigan tayo na kung makapanglait sa iba ay wagas at minsan ay nakakapagdulot sa atin ng sama ng loob.   Gusto natin silang baguhin dahil hindi natin nakikita sa kanila ang ating magandang pakikitungo sa ibang tao na sa tingin natin ay tama at nararapat pamarisan.  Gusto nating baguhin ang isang kasamahan natin sa trabaho dahil sa madalas niyang pagkahuli at minsan ang hindi pagpasok mismo sa trabaho.  Sa totoo, ayaw ng ibang tao na binabago natin sila.  Ito lamang ay magdudulot sa atin ng walang katapusang pagkasiphayo (frustration) at mismong sa ibang (others) ating gustong baguhin.  Sa halip na pagtuunan natin ng pansin ang kanyang hindi magagandang ipinapakita ay pagtuunan na lamang ang mga magagandang bagay na nakikita sa kanya.  Maaari nating baguhin ang ating inaasahan sa kanila (expectations) at tingnan sila na magagandang nilalang.  Akayin nalamang natin sila sa tamang landas sa pamamagitan ng magagandang pag-uugali at bagay na ipinapakita pwede nating ipakita.  Katulad halimbawa ng hindi pagtatanim ng galit sa kapwa, kung ayaw mong gawin ito ng iba ay ipakita mo sa kanila na ikaw ay hindi nagtatanim ng galit at nagpapatawad sa sinumang gumagawa ng pagkakamali sa iyo. Tanging ang sarili mo lang ang iyong pwedeng baguhin bilang pagyakap sa komplikadong pakikipagkapwa-tao.  
Habang tayo ay buhay  ay hindi natin maiiwasan na tayo ay mahatad sa pakikipagrelasyon dahil kailangan natin ang pakikipagkapwa hindi lamang sa ating mga kapamilya kundi mismo sa ibang taong nakapaligid sa atin.  Para maiwasan nating masaktan at mabigo,   kailangang tantuin natin sa buhay na sa ating pakikipagrelasyon ay kailangan nating gampanan ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ibang tao na mayroong detachment.  Hindi ipinapayo na bumuo ng mga expectation sa iba dahil tanging sarili lamang natin ang ating pwedeng baguhin. Dahil kung lalabagin natin ang mga ito ay tiyak na magkakaroon ng walang pagkakaisa o disharmony sa ating pagkatao at sa ating pakikipagkapwa-tao.

Huwebes, Hulyo 2, 2015

Move on Ka na


Marami sa atin ang ayaw pa ring kumawala sa isang hindi kaaya-ayang karanasan na napagdaanan sa mga nakalipas na araw, buwan o taon.  Isang karanasan na maaaring nakapagdulot sa atin ng sugat sa puso at mapasahanggang ngayon ay hindi pa rin nagagamot sapagkat hinahayaan lang natin kaya hindi rin kusang naghihilom.  Maaaring ang sugat na ito ay dulot ng isang hindi malimutang alaala na mapasahanggang ngayon ay sinasariwa pa rin ng ating pag-iisip lalong-lalo na sa mga pagkakataong tayo ay nalulungkot o nakadarama ng pagdadalamhati.  Ang mga karanasan katulad ng pinahiya tayo ng ating kaibigan sa harap ng maraming tao,  maaaring ininsulto tayo ng ating guro sapagkat hindi natin makuha-kuha ang kanyang leksyon na ibinabahagi.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin natin matanggap na iniwan tayo ng taong mahal natin sa buhay dahil ramdam niya na mas liligaya siya sa iba kaysa sa piling natin.  Minsan kahit mga magulang natin o mahal sa buhay ay nakagagawa rin sa atin ng hindi magaganda na mas doble ang pait sapagkat sila na masasandalan natin ay siya pang dumulot sa atin ng masama.  Hindi maikakaila sa atin na nabubuo ang ating pagkatao sa kung dependeng sino mang mga tao ang nakakasalamuha natin sa ating buhay.  Ang karanasan natin sa piling nila ang siyang bubuo sa malaking bahagi ng ating katauhan.  Ang pagpapakaranasan nila sa atin ay siyang magbunga ng kabutihan o di naman kaya ay kasamaan na maaaring dadalhin natin hanggang sa ating huling paghinga.  Maaari mong mabago ang mga pananaw mo sa buhay sa mga sumusunod na hakbang.
Forgive na Kasi.  We will never be totally happy in life if we dwell on negative thoughts.  These negative thoughts will only mar our inner peace.   Patawarin natin ang ating sarili sa nagawa natin at patawarin rin natin ang nagkasala sa atin.  Itong kapitbahay mo na may masamang pag-uugali at gumawa sa iyo ng mga hindi kaaya-aya katulad ng pangtsitsismis na hindi umano ay hiniwalayan ka ng mister mo dahil masyado kang bungangera at hindi mo nagagawa ang tungkulin mo bilang asawa.  Nabalitaan mong pinagkakalat niya ito sa iba niyo pang mga kapitbahay at sa sobrang galit mo ay kinumpronta mo siya hanggang sa ito ay naging puno’t dulo ng inyong hindi pagkikibuan.  Habang nakikita mo siya ay nanggagalaiti ka sa galit.  Sa tuwing nakikita mo siya ay madalas mo rin na kung hindi lang kasalanang pumatay ay napaslang mo na siya.  Napagtanto na rin ng kapitbahay mo ang mga mali niyang nagawa dahil minsan isang araw ay inanyayahan ka sa isang salosalo sa kanilang bahay pero ginusto mo na hindi ka makipagbati dahil mas gugustuhin mo pang mapagtamnan siya ng galit.  Sa ganitong usapin,  ang nag-iisang lugi ay ikaw sapagkat ang iyong buong pagkatao ang apektado. Sa tuwing nagkikita kayo at naiisip mo siya sa mali niyang ginawa,  sarili mo lang ang binibigyan mo ng parusa sapagkat maaaring ikaw lang ang nakadama ng galit,  poot at paghihiganti samantala abala naman siya sa kanyang ibang iniisip.   Habang nakikita mo siya ay unti-unting  nadaragdagan ang iyong galit at unti-unti na ring sinisira nito ang iyong pagkatao.  Kaya mainam na unawain natin sila at huwag ng pakitaan ng negatibo dahil minsan sa pag-aakala natin na masaya tayo sa ating ginagawa ay naparurusahan na pala natin ang ating sarili.Easier said than done pero ang pikon ang laging talo. 
Change channel agad.   Ang laman ng ating pag-iisip ay katulad ng isang ibon na lumilipad sa ating ulo.  Hindi natin maiiwasan na ang ibon ay lilipad-lipad sa atin pero magagawa natin na huwag itong hayaan na gumawa ng pugad sa ating sa ating pag-iisip.  Katulad ng mga hindi magandang alaala ay binabalik-balikan tayo nito pero kaya nating kontrolin ang ating pag-iisip sa kung ano ang hinahayaan nating makapasok rito.  Katulad ng pakikinig sa telebisyon maaari nating ilipat-lipat ang himpilin nito.   May ABS, may TV 5, may GMA, May HBO, Knowledge Chanel at iba pa.   Marami tayong pagpipilian pero nakasalalay sa atin sa kung ano ang gusto nating mapanood.  Sinasabi rito na anumang mga hindi magandang imahe na nakukuhang isipin o balikan ng ating pag-iisip ay pwedeng nating palitan.  Katulad noong mga panahon na inapi-api tayo ng ating mahal sa buhay.  Noong mga sandali na nagsalita tayo sa maraming tao at nakalimutan natin ang dapat natin sanang banggitin kaya napagtawanan tayo at rinig na rinig natin ang mga hiyawan at pamboboo nila.  Ang mga ito ay naging bahagi ng ating karanasan bilang indibidwal na maaaring makakatulong sa pagbuo ng ating pagkatao o sisira.   Sa ganitong sitwasyon upang makatulong sa atin ang mga karanasan natin sa buhay ay hawiin lamang natin ang mga mabubuting aral na maidudulot nito at hindi dapat natin iniisip na wala na itong pag-asa mabura sa ating mga alaala.  Gamitin ang remote control na ating pag-iisip.  Sa tuwing naalala ang mga nakaraang pangyayari sa buhay mag-isip ng mga masasayang alaala.  Tandaan hawak natin ang ating pag-iisip at anuman ang pumapasok rito ay ginusto natin.  Learn how to accept the reality that what you have experienced in life are part of your growth.  Let go consciously of what cannot be changed especially if it is not working out well in you.
Don’t be too harsh.  What has been done is already done and we cannot change our past.  Sa halip huwag tayong maging harsh sa ating sarili na dinudukal natin ang mga masasamang alaala sa mga nakalipas kahit ito naman ay walang magandang naidulot sa atin.  Really, we should not be too harsh with ourselves because we deserve more and we deserve to have a happy life.  God did not create us to make our lives miserable.  Hindi natin kailangan na mahalin at gustuhin ang mga nakalipas pero nakakabuti sa ating katinuan ang pagtanggap sa katotothanan na ang ating karansan pangit man o hindi ay bahagi ito ng ating pagkatao.  Nasa pagtanggap sa katotohanan ang magpapalaya sa atin.  By entertaining negative thoughts in our mind we tend to be too harsh with ourselves and we paralyze our growth.  Choose wisely, dear.  Ang sabi nga ni Viktor Frankl na when we can no longer change a situation, we are challenged to change ourselves.”

  Bitter or Better.  Ayon sa isang pahayag whatever your pain, fear, hurt or sadness, you can make the choice to be bitter or better.  Again everything is your choice. Why?  I am the master of my fate, I am the captain of my soul. Ito ang sabi sa Invectus ni Ernest Hemingway.  Ang kabuuan at kalidad ng ating buhay ay suma total ng ating pagpili sa anumang gusto nating mangyari sa ating buhay.  Hindi natin pwedeng asahan na mas hihigit pa ang ating nalalaman kung hanggang sa bachelor’s degree lang ating gagawing pag-aaral kailangan nating mag-aaral pa para sa ikauunlad natin sa ating sarili.  Huwag nating magiging masaya tayo sa ating buhay kung madalas tayong nagrereklamo sa mga hindi magagandang nangyayaring takbo nito.  Hindi rin tayo maging ganap na masaya kung ang puso at isip natin ay pag-iipunan natin ng poot at galit sa ating kapwa,  sa halip ay kailangan nating umunawa sa kanila at magpatawad.  Ang pinakamainam na paraan ay bisitahin natin ang ating mga pinili sa buhay.  Harapin natin ito nang buong katatagan.  Sariwain natin sumandali at pagkatapos ay magdesisyon tayo na kailangan na natin iyong pakawalan.   Kung bakit natin kailangang sariwain ang nakalipas ay upang matuto tayo sa mga karanasang iyon pagkatapos ay move on na tayo.  If you continue to entertain unpleasant thoughts in your mind or dwell on negative thoughts it only influence our present thoughts and it will only immobilize us.  This immobilization is an effective way for us to stay unhappy or bitter.  We should not choose such!  
Maaaring ang mga bahaging nangyayari sa buhay natin ay hindi natin ginusto, pero napanghahawakan pa rin natin ang disesyon natin sa ating buhay.   Huwag na tayong umasa na mayroong anghel at knight of shining armor na darating sa ating buhay para mabago ang ating pananaw at maging ganap tayong masaya.  Dahil baka daratnan tayo ng umaga na huli na ang lahat.  Dalawa ang tangi nating magagawa ang gawing excuse ang mga nakaraan natin at manatili tayong nakabayubay sa kalungkutan o di naman kaya ay magiging guro ito sa atin para maging ganap tayong tao.