Lunes, Hulyo 6, 2015

Mainam na Pakikipagrelasyon



Ang buhay ay nakabatay sa pakikipagkapwa-tao.   Isa iyan sa mga aspeto ng ating buhay na kailangan nating makikipag-ugnayan sa iba para sa ikagaganap ng ating pagkatao.  Kailangan nating maglaan ng oras sa ating mahal sa buhay para mas  mapatatag ang pagmamahalan at pagpapahalaga sa bawat isa.   Nakikipagkaibigan tayo at bumubuo ng magagandang alaala sa kanila sapagkat mayroong kaligayahang natatamo na hindi nagagawa ng mga kasapi ng ating pamilya na tanging sila lamang ang makapagbibigay.  Hindi maikakaila na ang mga tao sa ating paligid ay nakapagdadala nga ng kaligayahan sa atin pero sadyang may pagkakataon rin na ang mismong pinahahalagahan natin ang magdudulot sa atin ng pasakit.  Kadalasan,  ang inaakala natin na taong magpapahalaga sa atin ay siya pa ang makagagawa sa atin ng hindi inaasahang bagay na magdudulot ng kundi man kalungkutan ay kasarian sa ating pagkatao.  Kung nagaganap ito,  minsan nawawala na rin ang ating kaligayan sa buhay kasabay ng pagtatanim natin ng galit sa mismong taong gumawa ng pagkakasa.  Para na ring nanakaw sa atin ang ating sariling buhay.  Nagsisimula tayo sa pagpaparusa sa ating sarili at sinisisi natin ang iba na anumang nagaganap sa buhay natin na kalungkutan maging ang pagiging  miserable natin ay kasalanan ng nila.  Sa kanapang ito ay ang ating pakikipag-relasyon sa iba ay nagsisimula ng naglalaho at nawawala na ang tiwala.  Mas matindi lalo ang pait kung mismong ang mga mahal sa buhay pa ang gumawa sa ating ng isang malaking pagkakamali.  Kaya upang maiwasan ito, mainam na alamin kung paano dalhin ang pakikipagrelasyon upang hindi magdulot ng kalungkutan sa ating sarili.
Avoid expectations.   Masarap  magkaroon ng maraming kaibigan sa buhay lalo pa’t ang mga kaibigan mo ang makakasama sa paglalakwatsa sa mall, sa paglilibang, sa pagsisimba, sa pag-aaral, sa paggawa ng mga kakatuwang bagay at kahit sa pagsama sa iyo sa tuwing nakakadama ka ng kalungkutan.   Pero minsan ang kaibigan ding ito ay magdudulot sa iyo ng pasakit lalo pa’t may mga bagay ka na inasahan sa kanya na hindi naman niya nagagawa.  Nalulungkot ka dahil hindi nangyari ang gusto mong gawin niya sa kung ano ang gusto mo.  Habang ang ating edad ay papataas nang papataas ay lumalawak rin ang ating pakikipagrelasyong sosyal.  As we grow,  our interaction is increasing and in every interaction we also have an obligation between us and the person whom we are having interaction with.  Ang interaksyong ito o pakikipagrelasyon sa iba kapag hindi natin nagagampanan nang maayos ay maaaring makapagdudulot sa ating sarili ng hindi kaaya-aya.   Hindi maikakaila na nagkakaroon lamang ng kalungkutan o pagkasira sa isang relasyon kung nagkakaroon tayo ng ekspektasyon sa iba.   Kung walang eksperktasyon walang mabibigo at kung walang nabigo wala ring nasasaktan.   There is disharmony within ourselves if we put expectations to others especially if that expectation we think is not being met.   Sa dalawang magsing-irog nadadagdagan lamang ang mga suliranin kung may inaasahan sa bawat isa.  Magmahal ka lang nang buong-buo sa isang tao pero iwasan mo ang mag-expect sa iba.

Avoid sense of ownership.  Aminin natin ayaw natin na nasasakal tayo.  Likas sa ating mga nilalang ng Diyos na mapaghanap ng kalayaan sa buhay.  Kaya nga kaakibat sa pagmamahal Niya sa atin ay ang pagkakaloob sa atin ng kalayaan.  Kalayaan (freewill) na pumili sa kung ano ang tama at sa kung ano ang mali.  Ganoon din ang pakikipagrelasyon minsan hindi natin pwedeng ariin ang buhay ng iba kahit asawa o bana na natin sila dahil katulad natin ayaw rin nilang masakal na may kumukontrol sa kanila sa lahat ng oras.  Kung kataliwasan nito ang nangyayari sa inaasahan natin at sa tuwing hindi nila sinusunod ang gusting mangyayari minsan nalulungkot tayo sa buhay.  Sa madaling salita ang ating pakikipagrelasyon ay kailangan maluwag at hindi masikip.  Dahil kung mayroong nasisikipan mayroong nasasakal at kung mayroong nasasaktan may maghahanap ng kalayaan.  Minsan ang paghahanap nila ng kalayaan ay nakapag-iwan sa atin ng pait dahil hinahanap nila ang pagmamahal na hindi sila sinasakal.  Maliban sa katotohanang nabigo rin tayo dahil hindi nila sinunod ang gusto nating mangyari.
 Change yourself instead of others.   Hindi maikakaila sa atin na mayroon tayong mga kaibigan at mahal sa buhay na ninanais nating baguhin dahil sa taliwas sa ating inaasahan na gagawin nila ang ating nakikita.  Minsan mayroon tayong mga kaibigan na nagpapakita ng kagaspangan ng pag-uugali sa iba na hindi naman umaayon sa ating gusto na na gawin nila.  May pagkakataon din na ang mismong mahal natin sa buhay ay gusto nating baguhin dahil minsan hindi na natin masikmura ang kanilang pangit na pag-uugali na ipinapakita.  May pagkakataon din na may kaibigan tayo na kung makapanglait sa iba ay wagas at minsan ay nakakapagdulot sa atin ng sama ng loob.   Gusto natin silang baguhin dahil hindi natin nakikita sa kanila ang ating magandang pakikitungo sa ibang tao na sa tingin natin ay tama at nararapat pamarisan.  Gusto nating baguhin ang isang kasamahan natin sa trabaho dahil sa madalas niyang pagkahuli at minsan ang hindi pagpasok mismo sa trabaho.  Sa totoo, ayaw ng ibang tao na binabago natin sila.  Ito lamang ay magdudulot sa atin ng walang katapusang pagkasiphayo (frustration) at mismong sa ibang (others) ating gustong baguhin.  Sa halip na pagtuunan natin ng pansin ang kanyang hindi magagandang ipinapakita ay pagtuunan na lamang ang mga magagandang bagay na nakikita sa kanya.  Maaari nating baguhin ang ating inaasahan sa kanila (expectations) at tingnan sila na magagandang nilalang.  Akayin nalamang natin sila sa tamang landas sa pamamagitan ng magagandang pag-uugali at bagay na ipinapakita pwede nating ipakita.  Katulad halimbawa ng hindi pagtatanim ng galit sa kapwa, kung ayaw mong gawin ito ng iba ay ipakita mo sa kanila na ikaw ay hindi nagtatanim ng galit at nagpapatawad sa sinumang gumagawa ng pagkakamali sa iyo. Tanging ang sarili mo lang ang iyong pwedeng baguhin bilang pagyakap sa komplikadong pakikipagkapwa-tao.  
Habang tayo ay buhay  ay hindi natin maiiwasan na tayo ay mahatad sa pakikipagrelasyon dahil kailangan natin ang pakikipagkapwa hindi lamang sa ating mga kapamilya kundi mismo sa ibang taong nakapaligid sa atin.  Para maiwasan nating masaktan at mabigo,   kailangang tantuin natin sa buhay na sa ating pakikipagrelasyon ay kailangan nating gampanan ang pagmamahal at pagpapahalaga sa ibang tao na mayroong detachment.  Hindi ipinapayo na bumuo ng mga expectation sa iba dahil tanging sarili lamang natin ang ating pwedeng baguhin. Dahil kung lalabagin natin ang mga ito ay tiyak na magkakaroon ng walang pagkakaisa o disharmony sa ating pagkatao at sa ating pakikipagkapwa-tao.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento