Si
Malou ay
isang taga-giya ng isang Planetarium samantalang si Emil naman ay isang
guro sa
kolehiyo. Pinagtagpo ang dalawa ng
tadhana sa hindi inaasahan. Bagaman, si
Marilou ay nag-iisa palang sa buhay, si
Emil naman ay hiwalay sa asawa nito at mayroong anak. Naisip ng dalawa
na hindi sapat lang na
silang dalawa ay nasa yugtong magsing-irog lamang, kaya minabuti nito na
tumira
na lamang sa iisang bubong at magsama ang dalawa. Habang silang dalawa
na ay nagsasama, dito na unti-unting natutuklasan ni Marilou
ang totoong pag-uugalli ni Emil.
Naging
alila si Marilou ni Emil. Ipinaglalaba,
ipinagpaplantsa, ipinagluluto, ipinaglilinis ng bahay, tagapagbantay ng bata
at kung ano-ano pang paglilingkod sa huli ang ipinaggagawa sa babae. Naging sunud-sunuran lang si Marilou sa bawat
utos ng lalake. Minsan ding ikinagalit
ni Emil ang pagdadala ni Marilou ng bisita sa loob ng kanilang bahay lalong
lalo na ang mga lalake sapagkat hindi raw ito maganda sa paningin ng iba. Ibinigay ni Marilou ang lahat tanda ng kanyang
pagmamahal sa lalake. Nagsasaydlayn na
rin siya sa pagtitinda pandagdag na pangtustos sa mga pangangailangan sa bahay. Dulot na rin ng hindi magandang ipinakita ng
lalake sa babae ay di na natiis ni Marilou ang lahat, minabuti na nitong umuwi sa kanyang mga
magulang. Pero hindi napanindigan ni
Marilou ang kanyang pakikipaghiwalay sa lalake, muli niya itong kinumbinse na
magsama uli silang dalawa. Tinanggap
naman ito ng lalake pero hindi na magiging katulad ng dati ang sitwasyon
sapagkat nakipagbalikan na rin si Dorothy, ang asawa ni Emil. Tatlong beses sa isang Linggo na lamang silang
nagsasama.
Nagkaliwanagan
na rin ang dalawa matapos na makapag-usap.
Muli silang nagsama pero sa kasamaang-palad ay natuklasan ng doktor na
mayroon brain aneurysm si Emil. Minsang
napag-abot si Marilou at Dorothy sa ospital dahil kailangang manatili ni Emil
ng tatlong araw, tanging nagawa na
lamang ng kerida na si Marilou ay ang umalis lalo pa at tinawagan ni Dorothy
ang kanyang katulong na magdala ng mga gamit katulad ng daster kasi nais ng
huli na siya mismo ang magbabantay ng kanyang asawa. Hindi rin nagtagal ay binawian ng buhay si
Emil nang minsang sumakit ang ulo nito dala ng karamdamang nabanggit. Walang naggawa si Marilou kundi magdalamhati
na malayo sa lalakeng minamahal. Ipinakitang
ang asawa pa rin ang may karapatan sa pag-aasikaso sa lamay at pagpapalibing. Minabuti na lamang ni Marilou na magtungo sa
Amerika.
Ang
mga isyung ipinapakita sa kwento ay pagiging kabit, pagdidiborsyo, pagiging martir, patriarkal,
at sikolohikal. Ipinakita na
walang karapatan si Marilou sa lahat ng panahon kay Emil sapagkat legal na may
asawa ang lalake. Kaya ang lahat ng karapatan
pa rin ay nasa orihinal at wala sa kabit.
Katulad ng si Dorothy pa rin at ang mga anak nito ang may karapatan sa
pagtanggap ng mga pamana ng lalakeng ipagkakaloob. Kahit na buntis si Marilou ay 2/5th
lamang ng mamana ng ligetimong anak ang mamanahin ng kanyang magiging
anak. Samantala, makikitang dihado si Marilou
sapagkat katulad ng sabi ng isang abogado walang legal separation sa Pilipinas.
Pwedeng maghiwalay pero hindi pwedeng magpakasal na sa iba ang naikasal
na. Sa batas ang kabit ay walang legal personality katulad ng hindi
pwedeng ikabit ang pangalan, walang conjugal
property na magaganap at walang mamanahin ang kabit kung mamatay ang
lalake. Makikita rin sa kwento na higit
sa isipan ay pinairal ni Marilou ang kanyang pagiging martir sa lalake. Sa kabila ng pag-aalila ni Emil sa babae
katulad ng pagpapaggawa ng ibang gawain,
pagiging matigas, at pagiging agresibo ay buong-buo pa ring tinatanggap
ng lalake.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento