Ang Magdusa ka ay kwento ng isang
babae na nagngangalang Christine (Dina Bonnivie) na anak sa labas ng isang mayamang na si
Bernardo Doliente. Ang kanyang ina naman
na siyang nagpapalaki sa kanya sa loob ng labing-siyam na taon na si Toyang (Nida Blanca) ay
dating labandera ng mga Doliente. Nagalaw
ng nasabing Bernardo ang ina ni Christine at siya ang naging bunga nito. Dahil sa isang maralita ang ina ay itinakwil
ito at hindi nagkaroon ng suporta mula sa mga mayayaman. Pinangarap ni Toyang para sa anak na
makatapos ito sa pag-aaral at siyang maging dahilan para makaalpas sila sa
pagkasadlak sa kahirapan. Lingid sa
kaalaman ng ina ay mayroon ng kasintahan si Christine sa katauhan ni Rod (Christopher De Leon) na
isang drayber ng dyip. Bagaman
nagpapakita ng interes ang nasabing lalake sa babae pero nakikipagdaupang-palad
naman ito sa ibang bababe.
Natuklasan
ni Toyang ang pakikipagkita ni Christine kay Rod bunga nito ay pinalayas ng ina
ang anak. Sinakap ng anak na
magpaliwanag pero naging sarado na ito para pakinggan pa ang anak at kagyat na
itong pinalayas. Nakipanuluyan na si
Christine sa bahay ni Rod pero hindi rin ito nakatiis dahil sa mayahap na mga
naririnig sa ina ng lalake at ang madalas na paglalasing. Tanging mauuwian na lamang ni Christine ay
ang ama na dati ng nag-alok sa kanya ng tulong pero tinalikuran niya pero
tumanggap ng pera.
Sa
pag-aakala na magiging magaan na ang buhay ni Christine pero taliwas ito sa
kanyang inaasahan sapagkat nakapiling niya sa mansion ang asawa ni Bernardo at
ang anak nitong Millet. Nagkaroon ng kasunduan
ang dalawa na gagawin ang lahat na masira si Christine sa mata ng ama at sa
lolang si Donya Perla para hindi mapunta sa kanya ang mga pamana. Makailang beses din na pinakialaman ni
Millet ang mga alahas ng Donya at ang itinuturong may kagagawan nito ay si
Christine. Nagalit si Donya Perla kung
paano nakarating ang alahan nitong kwintas sa babae, hindi napigilan ni
Christine na sagutin ng pabalang ang donya kaya nauwi ito sa pagpapalayas sa
kanya.
Dumating
ang takdang panahon na manganak si Christine sa isang publikong ospital. Tinulungan siya ng kaibigang nagmamay-ari ng
tinitirhan, ni Rod at ang nakumbinse nitong ina. Naisilang ang bata. Ginusto ni Bernardo na magkabalikan silang
magkamag-anak lalong lalo na wala na si Donya Perla at aksidenteng napatay naman
nito ang isa pang asawa. Pero hindi pa
rin napilit nito si Toyang kahit gustuhin man ni Christine. Nagkapatawaran ni Rod at si Christine sa
bandang huli.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento