halaw sa google image. |
Sa
kabila ng pagmamahalan at kariwasaan sa buhay,
tila dama pa rin ng dalawa ang kakulangan sa pagkakaroon nito ng higit
pang magpapatatag sa kanilang pagmamahalan- ang isang anak. Hanggang sa may nagpayo sa lalake na mga
kaibigan na magbayad na lamang sa isang babaeng maaaring magdadala ng sanggol
sa kanyang sinapupunan na mula sa kanyang punla. Surrogate
mother o baby maker, iyan ang naging sagot sa pangangailangan ni
Rodel sa kanyang ninanais. Nakuha niya iyon sa isang maganda at mabait na babaeng nagngangalang Ditas (Dina
Bonivie). Hindi nagdalawang isip ang
babae sa hangaring ang perang iaabot ay makakatulong sa kanya para sa pag-ahon sa pagkakasadlak nito sa kahikahusan sa buhay.
Kung dati-rati ang layon lamang ng lalake ay ang babaeng magdadala
lamang ng kanyang anak na aabutan lamang niya ng pera matapos makapagsilang
pero habang tumatagal ay nakadama na siya ng paghanga at pagmamahal sa dito dahil taglay nitong kabaitan.
Pinalabas
ng lalake na ang batang si Regie ay ampon niya at hindi niya ito sariling
anak. Pinagselosan ni Fina ang bata
dahil hindi na ito ang kawangis ng ipinangako ng lalake sa kanya na kahit wala
silang anak ay siya pa rin ang tuturingan nitong baby. Ibinuhos na ang atensyon sa batang higit pang
nagpapasaya sa kanya, yaon ang makikita kay Rodel. Nauwi sa hindi pagkakasundo ng dalawa dahil
pinangingibabawan siya ng pagkamuhi at matinding selos. Nadama ng babae
na tila ang babae (ina ni Regie) ang niyayakap ni Rodel sa tuwing niyayakap nito ang
bata. Dahil sa inasta ni Fina ay unti-unti nababawasan ang pagtingin ng lalake sa kanya hanggang sa ito ay muling nakipagkita
kay Ditas at ang pagkikitang iyon ay naging dahilan sa pagkakaroon nila ng panibagong anak. Ikinatuwa
ni Fina ang sanggol na pinangalangan niyang Pearly na natagpuan niya sa kanilang hardin sapagkat naisip niya
na magagamit niya iyon para makaganti sa asawa na maipagmamalaki niyang sarili
niya rin itong anak. Lingid sa kanyang
kaalaman na anak iyon ni Ditas at ni Rodel na muli niyang ipinagkakatiwala sa
kanila ang pangangalaga.
Nagpakita
ng pagbabago si Fina batay na rin sa payo ng kaibigang matalino naman siya dapat
handa niyang tanggapin ang katotohanan. Ngunit
ng makita nito na dumadalaw si Ditas sa kanilang gate ay nakiusap ito na
mailayo na si Regie sa kanila para walang rason na magkita sila ni Rodel. Hindi ito sinang-ayunan ni Rodel na mailayo
sa kanya ang anak na lalake at siyang naging dahilan ng kanilang hindi
pagkakasundo hanggang mapaalis si Rodel dahil sa matinding galit nito at
pagseselos. Walang nagawa si Fina kahit
pakiusapan niya ito na bumalik.
Nagulumihanan at nanlumo si Fina na siyang nagtulak sa kanya na uminom
nang napakaraming pill at ito ay na-ospital dahil sa pagka-overdose. Sa bandang
huli, nangibabaw pa rin ang pagmamahal
ni Rodel kay Fina at sila pa ring dalawa ang nagsama kapiling ang
ipinagkatiwalang mga anak ni Ditas.
Tinalakay
sa nasabing pelikula ang usaping surrogate
mother o baby maker. Mapapansin na
sa ating lipunan ay mayroon ng mga babeng nagsasagawa ng ganitong trabaho dulot
na rin ng kahirapan. Ang katauhan ni
Ditas ay sumisimbolo nito bagaman walang usapin ang gaanong inilatag nais
lamang na inilarawan sa pelikula na sa mga lalakeng naghahangad na magkaroon ng
anak ay ang mga babaeng baby maker
ang makakatugon sa kanila sa suliraning hindi pagkakaroon ng anak. Pangalawa, ang pagiging makasarili ni Ditas ay isang hindi magandang larawan ng isang
asawa. Nais lamang ni Rodel na magkaroon
ng anak kaya naggawa niyang magbayad ng isang baby maker. Bagaman mayroon siyang pagkukulang din dahil
inilihim niya ito sa babae dulot na rin ito ng takot na hindi siya mapayagan ng
babae sa kanyang gagawin. Si Fina na kahit si Regie na walang kasalanan ay
napagbubuntungan niya rin ng galit dahil sa matingding pagseselos ay hindi
magandang imahe para sa isang ina o taong may pagmamahal. Sinasakal niya si Rodel kahit malinis naman ang intensyon nito at mahal na mahal niya si Fina. Suportahan ang minamahal at iwasan ang pagkakaroon ng obsesyon nito sapagkat likas sa isang tao na mapaghanap ng kalayaan at kaligayahan. Pangatlo, Sa mga usaping hindi pagkakaroon ng anak ng
dalawang magkapareha ay maaari pa ring opsyon ang pag-aampon ng bata sa halip
na humanap ng ibang sasamahan sapagkat maaari lamang itong magpalabo sa isang
relasyon. Sa usapin nina Rodel at Fina sila ay kasado at paglabag sa batas at sa mata ng Diyos ang pakikiapid sinuman sa kanilang dalawa kanino man. Magkagayunpaman, mainam parin ang naging wakas
nito dahil nagkaloob pa rin ng kapatawaran sa puso ni Rodel na minsan gaano man
katatag ang relasyon ay sinusubok ito ng pagkakataon. Higit sa lahat, kailangan
lamang na maging mapagkumbaba sa isa’t isa at pag-usapan ang mga bagay-bagay na
hindi napagkasunduan magkaroon ng win-win
situation sa halip na pairalin ang pride na siyang sisira sa magandang nabuong
samahan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento