Sabado, Hunyo 6, 2015

Insidious 3: Isang Pagsusuri



     Mula sa kwento ng Pamilyang Lambert na sinundang serye ng Insidious 3, ay kwento ng isang bata na nagngangalang Quinn (Stefanie Scott).  Nagdadalamhati ang bata sa kwento sapagkat yumao ang kanyang ina dahil sa sakit na kanser.  Pakiramdam ng bata ay pinakikitaan siya ng kanyang ina sa malaking apartment na gusaling kinatitirhan.  Sa pagnanais ng nasabing bata na makausap muli ang kanyang ina ay nagtungo ito sa isang psychic na si Elise para matulungan siya.  Bagkus sa mga sandaling ito, ang huli ay hindi na katulad ng dati na puno ng tapang at katatagan na harapin ang masamang espiritu.  Sa kabila ng kanyang pag-alinlangan ay nakadama siya ng pagkahabag sa bata.  Ilang mga araw ang nakalipas,  matapos ang pagbisita niya kay Elise ay nasagasaan siya ng isang sasakyan sa daan habang tinitingnan ang isang di niya matukoy na lalake na nagpapakita sa kanya na siyang dahilan ng pagkabaldado at paghihirap sa paglalakad. 

        Talagang nakakamangha ang nasabing pelikula.  Isa sa mga masasabi nating panibago dito ay ang paglalapat ng konsepto na ang tinatakot ay isang pilay (Quinn).  Sa mga katatakutan (horror) na pelikula madalas talaga nakakalakad ang pangunahing tauhan sapagkat ang mga manonood ay maaaring mismong sisigaw sa tumakbo ka.  Pero dito masasabi nating ang kalagayan ng mismong pangunahing tauhan ay mismong magpapahina sa kanya at magpapadama naman sa manonood ng kundi man pagkahabag ay mismong pagkatakot para sa kanya.  Makikita mo rin sa loob mismo ng silid ng pangunahing tauhan na kahit ito ay kaaya-aya pero mapapasigaw ka sa mga tagpo na punung-puno ng mga gulatan kabilang na diyan yaong mismong pinakitaan si Quinn ng lalaking naka-hospital gown na naglaho at pagsilip (peek) niya sa ilalim ng kama pero nasa likuran na pala niya ang nagmumulto,  ang mga yapak ng paa na kulay itim sa loob mismo ng kanyang silid,  ang pagdungaw niya sa bintana ng ibabaw na palapag ng silid na mismong ibabaw lang din ng kanyang silid na hinila siya sa bintana,  ang mismong paglaban ng pansuportang karakter na si Elise sa the Further.  Bahagi pa rin ng sentralidad ng kwento ang tauhan na si Elise.  Mismong ang dalawang karakter din na paranormal na sina Specs at Tucker ang nagpapagaan sa kwento sa kanilang mga nakakatawang hirit at pagganap.


 Photos attached are taken from Google images


Maipagtataka mo lamang sa nasabing pelikula ay hindi malinaw ang mismong kwento sa likod (back story) ng nanakit na multo sapagkat mailalarawan lamang siya bilang nakasuot ng damit pang-ospital, isang aparatu sa paghinga at ang mismong pagkakaroon ng maputik na itim sa bakas (footprints) ng kanyang mga paa.  Palaisipan din kung bakit siya napadpad sa mismong apartment na kinatitirhan ng tauhan na si Quinn. Malamang mayroong malaking kaugnayan ang ibabaw na silid sa kanyang buhay.   Maaari naman ding isipin na sadya lang siyang nasapian ng demonyo at ang natipuhan ay ang magandang dalagita na si Quinn na mas madaling masapian sapagkat nagdadalamhati at nangungulila pa rin sa kanyang ina na isang taon at kalahati na buhat ng pagpananaw.  Baka din naman ito ang paghuhugutan ng manunulat sa susunod niyang serye.

        Kapuri-puri ang pagkaganap ni Lin Shaye sa karakter na elise, isang beteranang actress na nabigyan ng pagkakataon ng mas maraming oras sa iskrin.  Hindi matatawaran ang kanyang husay at galing sa kanyang pagganap bilang isang psychic na talagang kapani-paniwala na mayroon siyang kakayahah na harapin ang mga masasamang espiritu at labanan ang mga ito sa kanyang paniniwala na mas higit na malakas ang mga nabubuhay kaysa sa mga nagmumulto.  Karapat-dapat siyang gawaran ng parangal sa kanyang pagganap bilang pinakamahusay na pansuportang aktres.  Karapat-dapat lang siyang bansagang Scream Queen sa Hollywood.
Sa kabuuan, mahusay ang mismong pagkagawa ng pelikula mula sa sound effects,  sinematorapiya,  pagsisipagganap ng mga tauhan.   Ang mismong aral nito ang kahalagahan ng pagiging buo ng pamilya at katatagan nito.  Ang tunay na pagmamahal ni Elise sa kanyang yumaong bana.
        Higit na nagpatindi sa aming karanasan sa panonood ng nasabing pelikula ay ang maituturing na napakagandang at kaaya-ayang teatro ng Limketkai Center sa kanilang Dolby atmos technology at sound surround speaker.




Huwebes, Mayo 7, 2015

Kasusweldo pa lang, UBOS na? Pagsusuri at Pagbubuod


            Ang aklat na Kasusweldo pa lang, UBOS na?, sa panulat ni Vic and Avelynn Garcia ay tumutukoy sa mga kadahilanan kung bakit marami pa ring naghihirap sa ating mga Pilipino.  Sa kabila ng sahod na natatanggap kahit ito man ay may kaliitan o may kalakihan ay tila nauubos pa rin siya pagdating ng sahuran.  Dito, inilahad sa atin ang iba’t ibang mga rason kung saan napupunta ang ating pera at nagsasaad din sila ng mga mungkahi kung paano mapapangalaagaan ang pera na dumarating sa isang tao.  Kung hindi magkakaroon ng pagbabago ang isang tao sa kanyang paghawak ng pera ay maaaring pagdating ng panahon na siya ay mangagailangan ay wala na siyang magagamit dahil hindi napamahalaan nang maayos.
            Sa mga magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa pribado ay wala pong problema na papag-aralin sila kung kaya namang tustusan ng mga magulang ang mga anak.  Pero kung ang ipinambabayad lamang ay uutangin lang din ay ibang usapan na lalo pa’t ang inutang ay mayroong interes.  Hinihikayat ang mga magulang na kung hindi kasapatan ang perang pantustos ay mainam na sa mga pampublikong paaralan na lamang sila ipasok.  Marami rin sa mga pampublikong paaralan ay may kalidad na edukasyong ibinibigay.  Bagaman Malaki ang maitutulong ng paaralan sa pagbuo ng pagkatao at katalinuhan ng isang estudyante pero nakasalalay pa rin sa mga mag-aaral ang ika-uunlad sa kanyang sarili.  Sa halip ay pag-iipunan na lamang ng mga magulang ang ipantustos sa pag-aaral sa pagkokolehiyo ng kanyang anak.  Nabanggit ng mga may-akda na a good education requires a lot of time from their best teacher. Kung gusto ng mga magulang na mabigyan ng magandang edukasyon ang kanilang anak ay nararapat na sila mismo ay maglaan ng oras para dito.  Kapag naging maganda ang pundasyon ng anak ay maaari itong maging mahusay pagdating sa kolehiyo at maaari siyang maging iskolar sa isang mahusay na kolehiyo o unibersidad.  Dahil iskolar ang anak mas makatitipid ang mga magulang.  Ang pagiging iskolar sa iba pang mga kaparaanan ay malaking tulong din para wala ng masyadong malaking babayaran ang mga magulang kung kaya mas makatitipid sila.
            Hindi maikakala sa atin na kapag nagkaroon tayo ng pera ay agad-agad tayong nagpupunta sa groseri ay bumibili ng mga sa tingin natin na kung di man maganda ay masarap sa paningin.  Kaya kuha lang tayo nang kuha at pagdating sa bayaran sa cashier ay ang laki pala ng ating babayaran na pwede naman sana tayong nakatipid.   Iminumangkahi na magdala ng listahan ng mga bibilhin.  Nangangahulugang sa bahay pa lamang ay gumawa ka na ng iyong kakailanganin at bibilhin.  Kung ano yaong nakalista ay yaon lamang ang iyong bilhin.  Mainam na kapag bayaran na ay cash ang ibibigay at hindi ang credit cards sapagkat maliban sa may interes tayo ay mas tumatapang sa pagkukuha ng mga magugustuhan natin kahit di naman kailangan kung hindi gusto lang natin.  Iwasan din ang pagbibili ng mga produkto na branded dahil ito ay ibinibinta nang mahal.   Sa halip bilhin ang mga produkto na di branded pero de-kalidad lalong lalo na ang mga processed food na ubod ng mahal.  Magdesisyon na kumain lamang ng mga masustansiyang pagkain katulad ng prutas at gulay sapagkat makatutulong ito sa pagpapatatag ng kalusugan.  Ang madalas na pag-inom ng soda na tinawag nilang sugared water katulad ng iced tea, softdrinks at iba pang inumin na mataas sa asukal.  Nabanggit nila na ang bawat baso ay mayroong pitong kutsarita na asukal.  Batid natin na ang asukal ay nakapagdudulot sa ating nakaramdaman kabilang na diyan ang dayabetis.   Maidagdag pa ang pagkain ng karneng baboy na kung saan ay tinigilan na nila dahil di umano ang baboy ay napakarumi.  Ang baboy ay kumakain ng panis na pagkain, kumakain ng feeds at may pagkakataon ding sariling dumi rin ay kinakain nito.  Anumang esensyal sa pagkabuhay ng baboy ay maiiwan sa kanyang katawan.  Tayo naman ang kakain sa karne ng baboy.
            Pagdating naman sa bahay, mainam na huwag ng bumili ng bahay kung mababaon lang din sa utang o hindi pa kaya ng badyet.  Kung may bahay ka na naman, mas mainam na maging alerto tayo sa mga bill na ibinibigay sa atin kung medyo kalakihan ang ating babayaran ay dapat magtipid tayo katulad ng pag-iwas o di madalas na paggamit ng mga electrical heating devices sapagkat malaki ang konsumo nito.  Get only the services you need and use them wisely.  Sa usaping cable, mainam na kung hindi kakailanganin o wala kayong self-control ay huwag ng magpalagay sapagkat ito ay mahal, dagdag sa kuryente at nakakakuha ng oras na sa halip ay ilaan na sa mga mahal sa buhay.  Sa mga anak naman ay maaaring maglaan ng oras sa panonood sa halip na mag-aral.   Magtipid din sa paggamit ng load sa selpon magteks lang at tumawag kung kinakailangan.   Iwasan ang pagpapadala ng chain messages.
            Sa pamimili naman ng mga kakailanganin katulad ng damit.  Bumili lamang kung hindi kinakailangan pero kung kakailanganin ay pag-isipan kung bibilhin.  Mas makatitipid kung bibili ka ng damit kapag ito ay naka-sale.  Maaaring sale sa Christmas Season, after sa pasukan, at Off Season.  Nagma-mark down ang presyo kung hindi kinakailangan.  Iminumungkahi rin ng mga may-akda na bilhin lamang ang mga damit na matitibay kahit hindi branded.  Kasi kapag branded ang mga nagpapamahal nito ay ang mismong brand.  Kapag naman sa paglalaba ng damit, huwag itong iasa sa katulong o sa iba para mas mapangalagaan lalo ang damit. Kung namantsahan sarili mo lang ang pwede mong sisihin.
             Sa usaping pampamilya, kung magkaroon ng oras sa mga anak at pupunta sa mall, iminungkahi nila na magkaroon na dapat ng agreement kung magkano lamang ang ilalaan o gagastahin.  Kung P 100.00 lamang ang badyet sa bawat anak sa pagkain at paglalaro ay matuto silang pagkasayahin iyon.  Dito rin ay tinuturuan ang mga anak sa kanilang batang edad kung paano nila mapapamahalaan ang kanilang pera.  Sa pagbibigay ng alawans sa anak ay i-train ang anak sa three jar technique:  10% para sa Diyos,  20% sa ipon at 70% naman sa revolving fund.  Pinanumpaan ng dalawang nagmamahalan na silang dalawa ay maging isa (and the two shall become one) kung kaya’t ang pera ng isa ay pera ng dalawa.  Sa paggagasta kailangan ang tinatawag na conjugal spending.  Nangangahulugang mayroong pahintulot ang isa sa isa kung mayroong bibilhin dahil pareho nilang pagmamay-ari ang pera.  Mayroong standard operating procedure katulad ng ibang mga corporation.  Bunga nito ay maiiwasan din ang pangangaliwa sapagkat nakokontrol pareho ng magkapareha ang kanilang pera.  Pero hindi naman nangangahulugan na kahit sa mga simpleng bagay ay hindi na rin makabibili ang isa dahil paaano kung wala ang kapareha.  Mayroon namang previledge spending na tinawag ding petty cash fund. May badyet na hindi na kinakailangan ang pahintulot sa isa.   Matuto kung kailan tumulong at hindi kailangang tumulong sa mga kapamilya, kamag-anak at kaibigan.  Una linawin kung utang ba o hindi.  Pangalawa, humingi ng post dated cheque at promisory note. Pangatlo, dapat alam ng parehong mag-asawa ang tungkol sa pagpapautang at may agreement sila.  Pang-apat, kung kaibigan ang mangungutang, conduct background investigation bago mapautang at iwasan ang monthly dole-out.  Matuto ring magsabi ng “Hindi!”  Kung mga kaibigan mo ay mag-iimbeta sa iyo na magpunta ng bar at sa tingin mo ay gagasta ka rin,  mainam na huwag ng sumama.
            Maidagdag pa ang mga dapat gawin para makatipid,  huwag ng bumili ng kotse kung hindi rin lamang naman kailangan.  Magastos ang sasakyan.  Registration, insurance, battery, gasolina o krudo,  langis,   brake fluid, change oil, toll fee, change of wheels, parking fee, repair and maintenance, at marami pang iba.  Pero kung gagamitin sa pagnenegosyo ang sasakyan ay pwede na ring bumili.  Sumakay ng dyip sa halip na taksi.  Mainam ang pagkuha ng health insurance/healthcard para pagdating ng araw na magkasakit ay hindi na mahihirapan ng ipambabayad.  Para makaiwas sa mga karamdaman, mag-ehersisyo at uminom ng mga bitamina. Ang mga hindi inaasahang income ay maaaring ituring na mga automatic savings.  Matutong magtabi para sa kinabukasan.  Huwag taasan ang lifestyle at wants.  Kung hindi mo naman kailangan ng credit card ay huwag ng kumuha.  Pero kung mayroon na kayo nito ay magkaroon ng self-control and use it wisely.
            Mag-impok sa bangko.  You should have atleast three bank accounts.  Magkaroon ka ng revolving, contingency at long term savings bank accounts – 70-20-10. Ang contingency funds ay mga bagay na hindi inaasahan na mangyayari kung kaya mayroon ng magagamit kung saka-sakali.  Long term savings naman kung darating ang panahon na kailangan niyo ng malaking pera para sa pangnenegosyo o bumili ng sasakyan. Maaari kayong mag-ipon sa halagang limit na ibinibigay ng PDIC na nagkakahalaga ng P500.00.
            Masasabing punung puno ng mga praktikal na payo sa mga mambabasa ang aklat kung nagnanais na baguhin ang sarili lalong lalo na sa pamamahala ng sahod.  Kung mababasa mo ito ay maaaring mabago ang iyong pananaw na kahit gaano kaliit ang sahod kung marunong kang magtipid at alam mo ang tamang paggasta ng iyong kinikita ay tiyak na hindi ka maghihirap sa oras ng pangangailangan.  Dito sinasabi na iwasan ang mga bagay na kung saan hindi ka makakatipid kabilang na ang hindi pagkuha ng ATM lalong lalo na kung wala ka ring ibabayad at wala kang self-control. 

             

           


                         


            

Miyerkules, Mayo 6, 2015

Salamat, CAS


        Ang pinagdausan.  Bandang alas-9:00 na ng kami ay dumating sa Aqua Park Del Carmen Beach Resort na matatagpuan sa Kauswagan,  Lagonglong, Misamis Oriental na pinagdausan sa aming XUCAS-Strategic Team Building.  Nagkakahalaga ng P50.00 ang kabayaran sa entrance.  May mga cottage at mga silid na pwedeng tuluyan ng mga nagnanais na magpalipas-gabi sa halagang P1,500 at P 1,200.   Maraming mga pwedeng mapagkalibangan o fun activities katulad ng Aqua Park na may mga inflated slides,  kayaking, banana boating, paddling, jet ski at wooden Bangka.  Mayroon din itong dalawang swimming pool: isa para sa mga bata at isa naman sa mga nakakatanda na may lalim na 5 talampakan.


    Ang Palatuntunan.  Nagsimula ito sa isang pambungad na pananalita ng mga guro ng palatuntunan kasama sina Sir Pia at Maam jom na ang pinaksa ay ang kahulugan ng STB.  Nagbigay ng kanyang pambukas na pananalita si Fr. Dean.  Dito ipinaliwanag niya ang STB at pinakilala rin niya ang mga bagong nakatalagang dekana at ang kanyang katuwang sa kolehiyo.   Nagkaroon ng pagpapakilala sa bawat kagawaran sa isang malikhaing paraan.  Nagkaroon din ng mga sayaw na pagtatanghal ang cluster mula sa Humanities at Drawing Interpretation ang mula sa Sciences sa pamumuno ng kagawaran ng Sikolohiya.  Naging masaya at punong-puno ng tawanan ang kabuuan ng palatuntunan dahil sa mga walang pakundangang pagpapatawa at no-holds barred na punch lines ni sir Pia.  Halos nangiyak-ngiyak na rin ako sa kakatawa at ang ibang mga guro.  Kabilang sa mga laro (games) ay ang banana eating contest,  cheese rin-a-hole relay,  toxic river, trivia, atbp na inihanda ni Maam Erna at Maam Jane.  Nagkaroon din ng Best in Beach Attire at Mr at Ms CAS na pinakahuling ginawa ito ay noong 2009.  Pinaglabanan nila ang mga sumusunod na kategorya:  gown (made out of crepe papers),  best in photo shoot,  at question and answer portion.  Nahirang na Ms. CAS si Maam April at Mr. CAS si sir Francis.  Sa kabuuan ng STB ay masaya naman at matagumpay.  Hindi rin maikakaila na masarap ang pagkain na naihanda.



Pagmamay-ari ni Mark Willameldia ang larawan

         Ang karanasan.  Nagpapasalamat ang mga guro sa mga taong nasa likod ng paghahanda ng STB sa pagkakataong ito sapagkat ang pader na nakaharang sa pagitan ng aming tanggapan at ang pinto na madalas na nakasara ay maaaring naghihiwalay sa amin sa iba pang mga kasama namin sa trabaho na pwede naman namin sana silang makilala nang lubos.  Sa STB,  inilalapit nito ang loob namin sa isa’t isa at siyang naging daan nang sa ganoon ay makapagbukas kami ng aming mga sarili at maging ganap na magkakaibigan at  kapatid na turingan.  Ika nga ang mga taong nakikilala mo ay biyaya ng Diyos sa iyo dahil sila ay mag-iiwan sa inyo ng alaala na makapagbabago sa iyong pagkatao.  Nawa ay hindi matutuldukan ang lahat sa pagkakataong iyon kundi marami pang susunod na magaganap ang ipagkakaloob sa amin ng pamantasan upang maging mailapit kaming lalo sa bawat isa.  Salamat, CAS!     




Lunes, Abril 27, 2015

Mantigue Island Escapade

              

              This was our first stop on the second day of Camiguin adventure. Mantigue is just a boat away from the Island of Camiguin. It will only cost 550.00 for max 6 pax for you to reach the said place. Its actually a beautiful Island with its powdery white sand and crystal clear water which is really perfect for a sunbathing. Though I was not able to have a snorkeling at the fish sanctuary but indeed I enjoyed much the ambience, more so with its white pristine beaches. A must see and should be part of every tourist itinerary when in Camiguin.



RR Family Spring Resort Experience


            It was a suggestion of Sir Ryan, a colleague from our department to have our rest and recreation at the RR Family Spring Resort in Tubigon, Maramag Bukidnon. It took us four hours to travel from Cagayan de Oro to the said resort. It was 12:30 when we arrived at the place but didn’t feel hungry since we had lunch already in a certain food chain from Valencia City. Fortunately, some of our colleagues also in the department went ahead, brought our lechon and some of the food that we prepared. We took our second lunch. It was actually the ambience, the dainty food plus the great conversation we shared that made it much fun. The resort was crowded since it was a Saturday but we did not worry because we had reserved ahead of time our 2 van type accommodation. 
          I would say that the resort is worth recommending for people who look for an ideal destination for a get together party and even family bonding since the place is nice, clean and loaded with beautiful sceneries that will make you feel rejuvenated and de-stressed. The water is flowing, undeniably, they have abundant of it and in fact the Pulangi Lake is overlooking and it is just a walk to get there from the resort. The new developments such as varying pool depth, function hall, playground, ideal parking lot, accommodation and even restaurant really make one astounded. Though going to the pool was a slight challenging, for we have to walk through cemented road downhill. It will make you sweat especially if it is a sunny day but you will also be revivified in the coolness of the pool surrounded with trees including the big Balete beside one of its pools.

           

 One thing that made our experience somewhat extraordinary was the night party we had with Sir Ryan, Maam Maricel. Sir Paolo, Kim, Sir Don Roger, Lindy and Kiking. We had a great conversation under the moon with a flavored beers and T-ice drinking session (ops). The love team of Maam Sally, Kuya Driver and Sir Paolo’s love triangle added flavor to the conversation. It was really a full of laughter conversation.








Linggo, Abril 12, 2015

Ikaw Bilang kapitan ng Iyong Sarili


                                 

May mga pagkakataon na hindi tayo nagiging ganap na maligaya sa ating buhay dahil sa mga suliraning kinakaharap natin o sa mga pangyayaring hindi naaayon sa ating kagustuhan.  Minsan ang nakakasama natin sa buhay o maging mga taong nakakasalamuha, na sa halip ay makapagdudulot sa atin ng kaligayahan pero sila pa ang nagiging pabigat sa atin.  Marami sa atin ang hindi gaanong nakararanas ng totoong kaligayahan dahil sa mga karanasan nating hindi naging kaaya-aya sa ibang tao.  Mga taong gumawa sa atin ng masama, na nag-iwan sa atin ng pilat na hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala pa rin natin at hindi makakalimutan.  Marami rin sa atin ang hindi pa nakakawala sa isang karanasan na hindi lang pait na alaala ang iniwan kundi masasabi pang kasiraan sa ating buong pagkatao.  Maaaring ang sakit na iniwan nila ay buhat sa mga salitang sinabi,  emosyonal na aspeto o di naman kaya ay sa ating pisikal na pangangangatawan.  Ang karansang ito ang siyang nagiging hadlang upang tayo ay ganap na maging masaya. 
Sa mga depinisyon,  ayon sa isang positibong sikolhiya na mananaliksik na si Lyubomisky, binanggit niya na ang pagiging masaya ay nakararanas ng pagkagalak, pagkakontento, at postibong pagkatao kaakibat nito ang pagkakaroon ng magandang buhay,  makahulugan at may kapakinabang.  Maidagdag pa ang paliwanag ng Wikepedia na ang kaligayahan ay kalagayan ng mental o emosyonal na pagkatao na nangangahulugan sa positibo o kaiga-igayang emosyong sumasaklaw sa pagkakontento hanggang sa marubdob na kaligayahan.  Sa dalawang depinisyong naibahagi, ang pagdanas ng kagalakan at pagkakontento ay kadalasang nababanggit.  Maaaring ipinapahiwatig nito na ang pagkaroon ng negatibong emosyon katulad ng pagkalungkot, pagdadalamhati, pagtitiis ay hindi nagdudulot ng kaligayahan.  Maging ang paghahangad ng labis o hindi pagkakontento sa anumang mayroon ka ay di din nagbubunga ng kaluwalhatian sa atin.  Kung emosyon ang pagbabatayan sa pagkakaroon ng maligayang buhay,  nangangahulugan lamang ito na hawak natin ang ating personal na kaligayahan sa buhay.  Maaari nating magamit ang mga sumusunod na hakbang sa pagkakaroon ng positibong katauhan at maligayang buhay.
Ang pagiging masaya ay tanda ng pagiging matalino.  Kapag ang isang tao ay mahusay sa pagsasalita, pagkakalkyula, paglutas sa mga mahihirap na konsepto at maraming parangal ay iniuugnay natin ang salitang katalinuhan sa kanya.  Sa kabila ng katotohanang ito,  marami pa rin sa atin ang nagkakaroon ng iba’t ibang klaseng hindi maipaliwanag na karamdaman dulot ng matinding pag-iisip at stress na kung hindi naaagapan ay nauuwi depresyon,  kanser o maging sakit sa puso. Ayon kay Dyer  Ang isang batayan ng katalinuhan ay kung napananatili mong maging masaya ang iyong sarili sa anumang sitwasyon.  Kahit sa mga sitwasyong nahihirapan ka ay nagkakaroon ka pa rin ng ngiti sa iyong pisngi at naiiwasan mo pa rin ang mga salitang pagkalungkot, pagkabagot at iba pang mga negatibong salita.   Gaano man kalaki ang problema na pinagdadaanan mo ay nararapat na nagiging positibo ka na ito ay mayroong hangganan at pansamantala lamang.  Hindi mo rin pwedeng sabihin na ang kaligyahan ay matatamasa mo lang kapag walang suliranin na susubok sa iyo katauhan.  Ang batas ng buhay ay nagsasabi na bahagi ng iyong pagkalalang ang katotohanang daranas ka ng mga pangyayaring susubok sa iyong katatagan na maghuhulma sa iyong pagkatao.
Dikta ng isip ang anumang iyong nadarama.  Ang anumang nadarama ng isang tao ay nakasalalay sa dikta ng kanyang pag-iisip.  Ang iyong pakiramdam ay reaksyon sa kung ano ang idinikta ng iyong pag-iisip.  Ang pagkawala ng iyong minamahal ay maaaring isang katotohanang kaganapan ngunit ang nagdudulot ng matinding kalungkutan nito sa iyo ay ang dikta ng iyong isip na maaaring hindi ka na makakakita ng taong katulad niya o ng taong iyong minamahal.  Na maaaring ang pagkawala niya ay habambuhay mo na ring pagkalungkot at pagdadalamhati.  Kahit sa sitwasyong ikaw ay nalait ng ibang tao na maaaring sa gumawa nito sa iyo ay isa lamang biro pero ito ay may malalim na naidulot sa pagkatao mo.  Sumama ang iyong loob.  Gusto mong maghiganti.  Hindi ka makatulog.  Ang mga ito ay bunga lamang ng dinidikta ng iyong kaisipan at ang iyong emosyon na nadarama ay reaksyon ng iyong katawan sa sitawasyong iyong pinagdaanan.  Sa medaling salita maaari mongkontrolin ang iyong pag-iisip sapagkat pagmamay-ari mo naman ito.  Kaya,  kung kaya mong kontrolin ang iyong pag-iisip,  ang anumang nararamdaman mo ay bunga ng iyong pag-iisip sa madaling salita kaya mo ring kontrolin ang anumang iyong nararamdaman.
Makapangyarihan ang mga salita sa iyong isip.  Bawat salita na ipinapapasok mo sa iyong pag-iisip ay may kapangyarihang taglay.  Kapangyarihang maaaring sisira o bubuo sa iyong pagkatao.  Ayon sa pag-aaral ni Oswald maaaring hatiin sa dalawang kategorya ang mga salita na maaari mong ipasok sa iyong isipan.  Ito ay ang mababang enerhiyang mga salita (low-energy words) at mataas na enerhiyang mga salita (high-energy words).   Ang mababang enerhiyang mga salita ay tumutukoy sa mga salitang negatibo na ipinapapasok natin sa ating kaisipan.  Minsan ang mga salitang ito ay tinatanggap nating totoo o ating pinaniniwalaan,  depende sa pagtingin natin sa ating sarili.  Kabilang na diyan ang pagsabi mo sa iyong sarili na bubo ka sa Matematika,  wala akong kakahayahang maging mahusay na tagapagsalita o di naman kaya ay habang buhay na akong magiging mahirap.  Maaaring ito ay paniniwalaan mo sa iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ito.  Pero, maaari din naman na baguhin mo ayon sa ididikta ng iyong kaisipan.   Nangangahulugan na kaya mong baguhin ang iyong pag-iisip na sa halip ay mga negatibong salita ay mapapalitan mo ng mga positbong salita depende sa iyong kagustuhan.  Anumang mayroon ka na hindi umaaayon sa gusto mong mangyari sa buhay mo ay maaaari mong palitan.  Kung gusto mong maging kalugod-lugod ka sa pananaw ng iba, isipin mo sa sarili mo na mahusay ka, na magaling ka, at nakawiwili kang kasama.  Hahawakan ng iyong pag-iisip ang kaisipang ito bilang totoo at dahil ito ang iniisip mo lalabas ito sa iyong pagkatao.  Sa katotohanang pinaniniwalaan mo ang mga salitang ito sa iyong kaisipan lalabas na ikaw ay magiging isang positiong tao maging sa paningin ng iba.  Maging repleksyon ang pananaw ng iba sa iyo ayon sa pagtingin mo sa iyong sarili.
Mamuhay sa kasalukuyan.   Maaaring ang iba sa atin ay nakaranas ng hindi maganda o kaaaya-aya.  Nariyan ang mga taong nakaranas ng pananakit ng iba katulad ng mga magulang o ng mga taong nakapaligid sa kanila.  May mga tao ring hindi pa makaharap sa panibagong buhay dahil sa mga maling desisyon na nagawa sa saarili katulad ng maagang pagkabuntis o hindi naman ay hindi pag-aaral nang mabuti.  Hindi nagiging madali sa kanila ang paglimot sa magandang alaalang pinagdaanan kaya nagiging mahirap din para sa kanila ang maging masaya sa buhay.  Kung gusto nating maging ganap na masaya, mainap na maging bahagi na lamang sa ating alaala ang mga nakalipas.  Ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Sanayin ang sarili na alisin ang kaisipan sa mga nakalipas o sa hinaharap kung hindi kinakailangan.  Maaaring ang mga nagdaang alaala ay isipin pakaminsan pero kunin na lamang ang aral sa mga hindi magaganda at hanggat maaari ay tuluyan na itong ibaon sa limot.  Kung ang pag-iisip naman natin sa hinaharap ay makapagdudulot sa atin ng satispaksyon at kaligayahan,  mainam na alalahanin, pero kung kung masaklap, pagkabalisa at ang dulot nito pag-aalala o pagdadalamhati, mainam na ibahin ang iniisip.  Kung dadalhin ka sa iyong sikolohikal na oras o sa iyong mga nakalipas,  siguraduhin mong ibalik ang iyong kaisipan sa kasalukuyan sapagkat ang buhay mo ay ngayon at hindi ang kahapon.   Ang kahapon ay bahagi lamang ng kasalukuyan. Paghandaan mo ang bukas pero ipaubaya mo sa natural na batas kung ano ang ipagkakaloob nito sa iyo.  Aani ka naman ng kabutihan kung naitanim mo namang ay mga makabulihang bagay sa kasalukuyan.  Samsamin ang bawat Segundo ng iyong buhay at namnamin ito habang nabubuhay ka pa sapagkat hindi mo na maaaring ibalik ang ngayon bukas.  Magkaroon ng pagkalugod sa kasalukuyang panahon.

Hindi mo kailangan ang pagsang-ayon ng iba.   Minsan hindi tayo sinasang-ayunan sa ating mga napiling desisyon at klase ng buhay na ginusto.  May ibang tao na hindi natutuwa sa atin sa anumang sa tingin natin ay tama at nagpapaligaya sa atin pero taliwas sa kanilang kagustuhan.  Minsan sa kagustuhan natin na hindi makasakit ng iba o mapalagay ang iba ay mas ipinagkakanulo natin ang ating sariling kaligayahan.   Masarap ang palakpak, papuri, at maging paghanga ng iba pero kung ito ang nagiging batayan para ganap tayong maging masaya ay hindi na rin nakakatulong sa ating personal na paglago.  Kailangan iyong maalis sa ating buhay kung nagnanais tayo ng kaganapan sa sarili.  Hindi dapat naisasakripisyo ang ating sarili batay sa opinyon at kagustuhang mangyari ng iba sa ating sarili.  Ang ating halaga kapag inilalagak sa iba,  at kung hindi sila sumasang-ayon sa atin ay pakiramdam natin na parang wala na rin tayong saysay.  Iyan ang naibubunga sa panahong iniaasa natin ang sarili sa pagsang-ayon o aprubal ng iba.   Minsan nagiging daan ang pagsunod natin sa kanilang gustong mangyari sa atin para tayo ay magamit o mamanipula.   Hindi dapat sinasang-ayunan din ang mga pahayag sa mga awitin na may pagkakahawig sa mga sumusunod: di ko kaya pag nawala ka,  mamatay ako kung iiwan mo ako at paano ako kung wala ka na. Sapagkat nangangahulugan ito na ang pagkawala ng isang tao ay katapusan na rin ng buhay ng isang taong nagmamahal sa kanya.  Nilalang ka sa mundong ito na nag-iisa, ibabaon ka rin sa lupa nang nag-iisa sa oras na lalagutan ka na ng Diyos sa iyong hininga.   Hindi dapat iniaasa ang kaligayahan sa iba.  Pinakamainam na paraan ay maging konektado lamang sa iyong sarili at gamitin ang sariling imahe bilang kasangguni at tiyak na mas tatanggapin ka nang buong-buo ng ibang tao.  Ang hindi pagtanggap ng iba sa iyo ay isang patunay na tayo ay nabubuo nang may pagkaka-iba-iba sa sansinukuban.  Huwag mong asahan na magugustuhan ka ng lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo.
Sa kabuuan, maaari nating ibahagi ang tula ni Henley sa Invictus na I am the captain of my fate; I am the captain of my soul.  Nangangahulugan lamang ito na hawak natin ang ating buhay gayundin ang ating kaligayahan at kailanman hindi sa ibang tao nakasalalay ito.  Samakatuwid,  dahil tayo ang may hawak nito, nakasalalay rin sa atin ang kaayusan at kasiraan at maging ang kasiyahan at kalungkutan.  Mayroon tayong kakayahang pumili at pumanig sa masama at mabuti.  Kung gusto natin itong maging negatibo o maging malungkot maaaring panghahawakan natin ang mga salita sa ating isipan na makakasira o makakapagdala ng kalungkutan sa ating sarili.  Ang mga masasamang alaala at karanasan ay maaari rin natin hahayaan na mangibabaw sa ating isipan at dahandahang dudurugin nito ang katinuan ng ating pag-iisip at sisirain nito ang kapayapaan ng ating pagkatao.  Pero walang matalinong tao ang nagnanais na gawing miserable ang kanyang buhay.  Nakasalalay ang lahat sa iyong personal na pagpili kung saan mo gustong dalhin ang iyong sarili maaaring sa kasamaan o kabutihan maging sa kkalungkutan o kasiyahaan.  Naway piliin mo ang huli.

 

         
    
 Sanggunian:
                                Dyer, W. (1977). Your erroneous Zones. Broadway, New York. Avon Books.
                                Oswald, Y. (2008). Every word has power. New York.  ATRIA Books.
                                 

             
      







Martes, Abril 7, 2015

Pagbabago at Ligaya sa Diyos

Dati ligaya koy tumambay sa daan
Pampalipas oras sa buhay kawalan
Kapag walang pasok kapiling barkada
Minsan sa inuman, bisyo akoy sugapa

Di ko alintana buhay sa hinaharap
Mahalaga sa’kin maaliw sa sarap
Sa nagpupumiglas na pusong maylaya
Masunod ang gusto mag-aliw sa twina

Grupo ay nagawi dala ay pangako
Sa piling ni Hesus buhay magbabago
Kahit palaisipan ito’y sinubukan
Dala ng pagnanais na katiwasayan

 Sa simula kaba aking nadarama
Iba’t ibang tao ang nakasalamuha
Papuri, pag-awit maging pagtuturo
Pagdakila sa ama pinaranas ito

Ngayong ako’y bahagi ligaya’y abot na
Walang mapagsidlan aking tuwa’t saya
Buhay ay gumaan, hirap naglaho na
Sa Diyos lang pala lahat madarama

Ito na ang buhay, may kabuluhan
Mayroong pakinabang maging sa lipunan
Maging sa pamilya pa-unting nagbago
Pagmamahal ng Diyos saking pagkatao

Kaya habang buhay sa ama maglingkod
Sa aking mga kapwa pag-ibig walang patid
Sa paraang ito susuklian ang Diyos
Kanyang kabutihan pagmamahal wagas