Dati ligaya
koy tumambay sa daan
Pampalipas
oras sa buhay kawalan
Kapag walang
pasok kapiling barkada
Minsan sa
inuman, bisyo akoy sugapa
Di ko
alintana buhay sa hinaharap
Mahalaga
sa’kin maaliw sa sarap
Sa
nagpupumiglas na pusong maylaya
Masunod ang
gusto mag-aliw sa twina
Grupo ay
nagawi dala ay pangako
Sa piling ni
Hesus buhay magbabago
Kahit
palaisipan ito’y sinubukan
Dala ng
pagnanais na katiwasayan
Sa simula kaba aking nadarama
Iba’t ibang
tao ang nakasalamuha
Papuri,
pag-awit maging pagtuturo
Pagdakila sa
ama pinaranas ito
Ngayong ako’y
bahagi ligaya’y abot na
Walang
mapagsidlan aking tuwa’t saya
Buhay ay
gumaan, hirap naglaho na
Sa Diyos lang
pala lahat madarama
Ito na ang
buhay, may kabuluhan
Mayroong
pakinabang maging sa lipunan
Maging sa
pamilya pa-unting nagbago
Pagmamahal ng
Diyos saking pagkatao
Kaya habang
buhay sa ama maglingkod
Sa aking mga
kapwa pag-ibig walang patid
Sa paraang
ito susuklian ang Diyos
Kanyang
kabutihan pagmamahal wagas
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento