Linggo, Abril 5, 2015

Aasa pa

Ligaya koy walang mapagsidlan
Nang ikaw ay unang masilayan
Batid ng puso  ikaw ang laan
Sa dambana ako’y sasamahan

Walang gabi di ka naiisip
Di ka magtext di ko malilirip
Pangangambang iba ang kasama
Habang puso ko sa iyo umaasa

Sumubok na aking ipadama
Nadarama sa iyo aking sinta
Paano’t di ko na matitiis
Itong puso ikaw’y tinatangis

Tandaang sa iyo aasa pa
Walang makakapigil sinta
Buong puso magbabakasakali
Habang ikaw’y hindi pa nakatali

Ngunit mailap nga ang tadhana
Matamis na oo di makuha
Laman ng puso mo sigaw siya
Kaya lumamlam na ang pag-asa

Hanggang panaginip na nga lang ba
Ang nadarama sa yo tuwina
Habang buhay ikaw pa rin giliw
Paghanga sayoy di pa rin magmaliw




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento