Linggo, Abril 5, 2015

Dilim sa Gabi

Sa pagsapit ng hapon nagbabadya ang dilim
Tila nagpapabatid ng di malamang gabi
Buwang kaulayaw sandaling di mawari
Nitong sansinukub tao’y kinandili

Mangilag sa dilim dulot ay panganib
Karananiwang sambit, naisasaisip
Pangangamba, takot di pinangangarap
Sa dilim ng gabing walang paglingap

Di din ba natanto ng nahintatakot
Na kahit ang gabi’y may maidudulot
Sa tao’t ninumang nakikibuno
Sa gabing di makita, pag-asa na puno

Ang dilim sa gabi wangis ng pagsubok
Sa buhay ng tao minsay puro dagok
Pighati, problema tila tinatampok
Hindi kaginsa’y nahantong sa gabok

Huwag pangilagan ang lipos ng dilim
Dito masusubok iyong katatagan
Lalo’t inabot ka, araw sinikatan
Nangangahulugan gabi nalabanan

Tatagan ang loob kung sadlak sa gabi
Manalig sa Diyos daratal ang bukas
Na hindi nagapi sa gabing dinanas
Sisila’y liwanag sa gabing inalpas  

1 komento:

  1. Ang tulang ito ay tungkol sa gabi na nagpapahiwatig ng mga pagsubok o dagok sa buhay na pinagdadaanan o maaaring pagdadaanan ng isang tao.

    TumugonBurahin