Ang pagiging guro ay isa sa pinakamahalaga at pinagpipitagang
propesyon sa ating lipunan. Sinasabing
kung wala ang mga guro ay maaaring wala ang iba pang mga propesyon ngayon dahil
simula palang sa pagkabata ng isang tao ay dumadaan na siya sa pagkalinga at
pagtuturo ng isang guro. Ang pagiging
guro ay kawili-wili, masaya, at isang pagkakataon para linangin sa pinakamataas
na kasanayan ang bawat mag-aaral mula sa kanyang kritikal na pag-iisip hanggang
sa kanyang mga makrong kasanayan.
Hindi maikakaila na sa loob ng isang silid-aralan ay mayroong iba’t
ibang guro ang masasaksihan at makasasalamuha ang bawat mga mag-aaral. Maaaring iba ang pag-uugali, katauhan, paraan
ng pagtuturo at kahit ang kakayahan ng pag-iisip. Maikaklasipika ang mga gurong ito na may mga guro
na sobrang talino. Ang gurong ito ay halos
alam ang lahat ng bagay sa mundo kahit ang mga kaliit-liitan aralin o konsepto. Kalimitan may mga gurong pumapasok sa silid
upang isalaysay lamang ang mga kwento ng kanilang buhay. Mayroon din namang mga gurong komedyante na
animo ang mga mag-aaral ay nasa loob ng isang tanghalan o sa isang komedi bar. Hindi rin mawawala ang guro na nagsasalita
habang ang mga mag-aaral ay natutulog o di naman kaya ay may ibang pinagkakaabalahan.
Maibabahagi rin diyan ang gurong mistulang
napipilitan lamang sa kanilang kinahahantungang propesyon na para bagang
sinasabi nila sa kanilang sarili na pwede na ito nang sa ganoon ay may
mapagkakakitaan ako. Pumapasok sila sa
klase upang magpa-ulat at magsalita nang kaunti at kagyat rin naman na lalabas,
na para bang walang nangyari sa loob ng
klase. Mayroon namang guro na
napakahusay magturo na handang ialay ang buong oras at panahon mayroon lamang
sapat na dunong na maibabahagi sa mga kanyang mga tinuturuan. Sa paglabas ng kanyang mga mag-aaral ay pawang
nakangiti ang mga ito sapagkat mayroon silang kabatiran na natamo. Minsan din siyang nababalikan ng mga dating
mag-aaral upang siya ay pasalamatan sa kabutihan at sa mga pagbabahagi sa
kanila ng mga kabatiran na bumuo sa kanilang pagkatao.
Ano’t ano pa mang klaseng guro ang
kinabibilangan, masasabi pa rin natin na ang pagiging guro na siguro ang isa sa
pinakamasaya at pinagpipitagang propesyon sa mundo. Malaki kasi ang ginagampanan sa bawat buhay ng
kanyang mga mag-aaral, sa paghubog sa
kanila upang maging kapaki-pakinabang sa lipunang kinabibilangan. Hindi lamang ang pagbusog sa kanila ng
kaalaman pati na rin ang paghubog sa kanilang katauhan. Ang mga mag-aaral na ito ang siyang bubuo sa
lipunang kanyang ginagalawan at sa sanlibutan. Dahil sa isang malaking responsibilad ang
pinanghahawakan ng isang guro sa buhay ng kanyang mga mag-aaral, nararapat lamang na gawin niya ang mga bagay
na sa tingin niya ay maghuhulma sa sarili upang maituring na isa siyang ganap na
guro. Sa pagtuturo sa loob ng klase ay
hindi sapat sa isang guro na siya lamang ay nagsasalita sa loob ng klase
kailangang mayroong siyang mga hakbang na susundin para sa kanyang ganap na
pagiging guro. Isang klaseng guro na
taglay na ang lahat ng mga katangian sa pagiging mapamaraan sa mahusay at
epektibong pagtuturo.
Pagmamahal sa napiling propesyon. Kailangan ng isang guro na magkaroon ng
pagmamahal sa sariling propesyon upang hindi magiging mabigat sa kanya ang mga
gampanin sa paghahanda sa ikagaganap na pagiging guro. Kung wala siyang pagmamahal sa kanyang trabaho
magiging masalimuot lamang ang pagtingin niya rito sapagkat maaari niyang
isipin na ang kinasasadlakang propesyon ay parusa lamang sa kanya. Mapipilitan lamang siyang maghanda ng banghay-aralin sa pang-araw-araw, paggawa
ng mga pagsusulit bilang pagtataya sa mga mag-aaral. Tiyak din na sa kawalan niya ng pagmamalasakit
sa kanyang propesyon ay hindi siya magiging mapamaraan sa kanyang pagtuturo. Ang kanyang mga mag-aaral ang maaapektuhan
dahil lalabas at papasok silang kung wala man ay kakarampot lamang ang natutuhan.
Nararamdaman ng mga mag-aaral kung ang
isang guro ay walang pagmamahal sa kanyang propesyon dahil nakikita nila sa
kanyang mga kilos at nauunawaan nila sa kanyang mga salita. Kaya mainam sa guro na kung pipiliin niya ang
propesyong ito ay kailangang mahalin niya ang pangkalahatan ganoon din ang mga
kaakibat nitong mga tungkulin at responsibilidad. Mamahalin niya at tatanggapin niya na ang mga
mag-aaral ay magkakaiba, sa kanilang katauhan, pag-uugali at kahit kakayahan ng
kanilang pag-iisip. Kailangan yakapin
niya ang katotohanan na dahil siya ang guro ay gagawin niya ang lahat sa abot
ng kanyang makakaya ang mga bagay at gawain na ikakaunlad niya sa kanyang
sarili at ikakatuto nila upang sila ay ganap na maging tao.
Positibong Pananaw. Batid ng mga mag-aaral kung ano ang nasa puso
at isip ng kanilang guro. Kung negatibo
ang kanilang guro sa mga pananalita at pagkilos ay nararamdaman nila ito. Kung ang mismong guro ay nagpapakita ng
kawalang tiwala sa kanyang mga tinuturuan ay hindi rin nila magagawang
pagsikapang mapaunlad ang kanilang sarili.
Repleksyon ng isang guro ang mga uri at klase ng mga mag-aaral ang
napapabilang sa kanila. Kung gurong
tamad, tiyak magkakaroon din ng mga mag-aaral na walang alam. Magiging mahusay lamang ang mga mag-aaral
kung gagawa ng paraan kung paano niya mahihikayat ang mga mag-aaral na
mapapaunlad ang kanyang sarili. Mainam
sa guro na maging positibo at maging masigasig sa kanyang mga mag-aaral at kung
ano ang kaya nilang posibleng maabot. Bawat salitang ipinaabot ng isang guro sa
pag-iisip ng kanyang mga mag-aaral ay may kapangyarihang taglay.
Kapangyarihang maaaring sisira o bubuo sa kanilang katauhan. Kung
mababang enerhiyang salita o low energy
words ang ipinapapasok ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral ay maaaaring
tatanggapin nila bilang totoo. May mga
pagkakataon kasi na ang guro ay nang-iinsulto sa kanyang mga mag-aaral na mahirap
turuan. Isang mag-aaral ang nagbahagi sa
akin ng kanyang karanasan na ininsulto sila ng kanyang mga kaklase ng mga
salitang bubo at hindi naliligo.
Hanggang sa pakikinig na lamang ang mga mag-aaral at pagdama sa mga
sakit na salita na binitawan ng guro dahil wala silang lakas na ipagtanggol ang
kanilang sarili. Isa pang dating
kakilala ko na pinagsabihan siya ng kanyang guro dati sa hayskul ng mga
katagang ang pangit ng boses mo. Mula
noon ay hindi na makuhang umawit ng nasabi kong kaibigan dahil dala-dala na
niya ang pinaniniwalaan niyang katotohanang sinabi ng kanyang guro. Sa madaling salita makapangyarihan ang mga
salitang sinasabi ng guro dahil ito ang bubuo o sisisra ng pagkatao ng kanyang
mga mag-aaral. Ang pagiging positibo ng isang guro ay nangangahulugang nagtitiwala
siya na ang kanyang mga mag-aaral ay mahuhusay at matatalino. Bawat isa sa kanila ay may mga potensyal na
naghihintay lamang na malinang kung kaya’t malaki ang papel na ginagampanan ng
guro sa pagbuo nito. Ang pagiging
positibo ng guro katulad ng pag-iisip niyang lahat ng problema ay mayroong
hangganan, patuloy na nagiging matatag
at nakangiti pa rin. Ito ay maaaring
makahikayat sa mga mag-aaral na sila rin ay maging positibo sa kanilang pananaw
sa buhay.
Kailangan niyang maunawaan kung ano ang kanyang misyon sa kanyang
bawat mag-aaral. Dahil hindi tinatapos
ng pagsasama ng guro at mga mag-aaral sa loob ng silid ang responsibilidad niya
sa kanyang mga tinuturuan. Ang guro ay
may malaking impluwensya sa pagkatao ng kanyang mag-aaral hanggang sa kanilang
pagtanda. Hindi din ito nasusukat sa
bilang ng araw na kanilang pinagsamahan. Kundi ito ay nasusukat kung paano tinuruan ng
isang guro ang kanyang mga mag-aaral na maging ganap na tao, hindi lamang sa
mga salita kundi sa sarili nitong gawa. Dapat
ay titingnan ng guro ang pangkalahatan na magkaroon siya dapat ng impak sa
buhay ng kanyang bawat mag-aaral na siyang magpapabuti at magpapakabuluhan sa
kanilang pagkatao habang naglalakbay sa mundo. Dapat maging positibo siya na ang kanyang
ginagawa ay makakatulong sa pagpapaunlad ng kanyang mga mag-aaral.
Mayroong Paglilinang sa Sarili. Sa pagtuturo ay hindi lamang nakasentro sa
anumang paksa na kanyang nararapat na ibahagi sa kanyang mga mag-aaral kundi
kailangan na busugin at linangin ang kanilang buong pagkatao. Kaya mainam na danasin ng isang guro ang mga
bagay-bagay na mas higit pang makapagpapabuti sa kanyang sarili bilang
guro. Ang mga ito ay mga simpleng
karanasan na maaari ibahagi sa kanyang mga mag-aaral. Sa mga pagtatanong ng mga mabisang kapamaranan
sa pagtuturo, maging sa mga estratehiya, kaalamang natatamo sa pagdalo sa mga
seminar at mismong pagdanas sa iba’t ibang pagtatanghal. Hindi sapat ang pagtanggap sa isang ideya na
ang natutuhan dahil kung tutuusin talaga ay napakarami pang kaalamang
naghihintay lamang na madukal ng isang guro. Kaalaman na magtuturo sa kanya
upang may maibahagi sa kanyang mga mag-aaral. Hindi niya maaaring ibigay ang isang bagay na
wala siya. Mas maraming kaalaman mas
malawak ang maibabahagi sa mga mag-aaral. Ika-nga sa isang pahayag na "The basic idea behind teaching is to teach people what they need to
know". Hindi maituturo nang mabisa ng isang guro ang
kanyang kaalaman kung hindi naman ito kasapatan. Pinatutunayan lamang nito na ang isang guro ay
nararapat na magkaroon ng mariing hangarin na pag-ibayuhin pa ang kanyang
galing. Hasain ang kanyang mga talento
at puspusan pa ang kanyang pag-aaral na hindi lamang nakakulong sa larangang
kanyang napili kundi kahit ang ibang mga disiplina na makapaglalago sa kanyang
sarili at pagtuturo. Kaya nararapat na
kahit na nagtuturo na siya ay kinakailangan pa rin niyang mag-aral. Huwag umasa lamang sa anumang nalalaman bagkus
ay dumukal pa ng iba pang mga kaalaman katulad ng pagdalo ng seminar at higit
pang pag-aaral.
Puno ng kasiglahan. Hindi maitatago sa mga mata ng mga mag-aaral kung ang kanilang
guro ay mahal ang kanyang ginagawa o hindi. Makikita ito mula sa kanyang kahandaan sa loob
ng klase. Ang gurong tinatamad ay hindi
kakikitaan ng sigasig sa kanyang paksang tinatalakay. Minamadali niya ito. Natutukoy ang gurong may pagmamahal sa mga
mag-aaral kung ibinibigay niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya mula sa
kanyang pangganyak, pantulong-biswal at maging sa kanyang pagbibigay ng
pagsusulit. Maidagdag pa rito, ang mga estratehiyang
ginamit upang maging punong-puno ng kasiglahan ang kanyang klase. Inilalahad lamang nito na gusto ng isang guro
na maliban sa kaalaman na gusto niyang ibahagi ay puno ng kasiglahan pa ang
kanyang klase. Kung hindi naman
gusto ng guro ang kanyang itinuturo, huwag
siyang umasang mamahalin ng kanyang mga estudyante ang kanyang asignatura. Ang mahusay na guro ay magiliw sa kanyang
pagtuturo. Bago man siya o matagal na sa
larang ng pagtuturo ay kakikitaan pa rin siya ng sigasig sa kanyang pagtuturo
lalong-lalo na sa kanyang pagtatalakay sa mga aralin.
Sa karanasan ko mismo, sinisogurado ko na sa bawat aralin ay
magiging kaaaya-aya ito at kapupulutan ng aral sa kung paano mai-uugnay ang mga
aralin sa kanilang pakikipagsapalaran sa buhay.
Ako mismo ay nagsisikap na pag-aralan nang buong-buo ang konsepto,
kailangan na makapagtanong na nasa mataas na antas o higher order thinking skills.
Inihahanda ko ang mga katanungan maaaring sagutin nila ng pasalita o
pasulat na maglilinang sa kanilang kritikal, lohikal, replektib, metakognitib
at malikhaing kaisipan. Nandiyan na ang paghahanda ko ng mga pantulong biswal
na powerpoint o prezi kapag hindi ako gumagamit ng AVR para lamang sa ikatuto
nang higit ng aking mga mag-aaral.
Mainam rin ang aking pagbabahagi ng edukasyon sa pagpapakatao o values
education sapagkat dito nalilinang ang apektib na aspeto ng kanilang
pagkatao.
Pagmamalasakit sa tinuturuan. Ang pagiging guro ay hindi natatapos
lamang sa loob ng silid. Ikanga ang guro ang ikalawang mga magulang. Minsan mas maraming panahon ang nailalaan ng
isang mag-aaral sa kanyang guro kaysa sa kanyang mga magulang. Nangangahulugan lamang ito na bilang guro at
ikalawang magulang ay kailangang magkaroon ng tapat na pagmamalasakit sa
kanyang mga mag-aaral. Ang simpleng
pagtatanong kung kumusta na ang kalagayan ng kanyang mga mag-aaral o kahit sa
pagtatanong kung nakakain na ba ito ay mayroon ng malaking epekto nito sa
kanyang mga tinuturuan. Minsan kasi
akala natin ay walang dinadanas ang ating mga mag-aaral lalong-lalo na at
nakangiti lamang sila pero ang katotohanan sila ay dumaranas pala ng mga
pasakit sa buhay. Hindi natin inaalam
ang mga kwento ng kanilang buhay. Na ang
karanasang kanilang pinagdadaanan ay makakasagabal sa pag-unlad ng kanilang
pagkatao. Minsan suliranin sa pamilya na
nagkahiwalay ang mga magulang, walang pagkain at pera, at iba pang mga
bagay. Higit nilang kailangan ang
pagmamalasakit ng isang guro.
Mainam na magpakita ang guro ng pagkalinga sa kanila sapagkat
makatutulong ito para sa pagbuo ng positibo at may suportang relasyong guro at
mag-aaral. Namamaliit natin ang
kapangyarihan ng pagtapik, pagngiti, mga
magagandang salita, mga taingang handang
makinig, totoong papuri o mga kaliit-liitang pagpapakita ng pagkalinga at
pagmamalasakit. Kung puno ang mga
mag-aaral ng pagmamalasakit, paggabay, pagtuturo ng mga magagandang asal at
pagmamahal ay tiyak din na maibabahagi rin nila ito sa mga taong kanilang
makakasalamuha. Ang mga kaganapang iyon
ay tanda lamang na may tungkulin pa rin tayo sa mga mag-aaral kahit sa labas ng
kanilang pag-aaral hanggang sa kanilang pagtanda. Mas magiging masaya at nakatataba ng puso sa
isang guro kung nagkaroon siya ng impak mula sa kanyang mga tinuturuan.
Inspirasyon sa mga Mag-aaral. Napakahalaga
din na ang guro ay may kakayanang magsilbing inspirasyon sa kanyang mga
mag-aaral. Hindi maikakaila na maraming
mga guro ang dumarating sa buhay ng kanyang mga mag-aaral mula sa simula palang
sa pagpasok sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo ngunit tanging mananatili
lamang sa kanyang isipan ang mga taong nagbigay inspirasyon sa kanya kabilang
na riyan ang guro. Sa isang guro na
ganap ay ipinakikita niya sa bawat araw na pagkaklase ay mayroon silang natutuhan.
Sinisigurado niyang may baon na magagandang aral at mga magagandang pananalita
ang kanyang mga mag-aaral na bubuo sa kanilang ganap na pagkatao. Kapag ang isang tao ay namatay kailanman ay
hindi magtatanong ang Diyos kung gaano siya katalino sa halip ay pagtutuunan ng
pansin ng Diyos kung gaano kabusilak ang kanyang puso. Mahalagang maging inspirasyon ang guro sa
kanyang mga mag-aaral. Alam nating
marami sa mga mag-aaral ang nagmula sa mga pamilyang mahihirap o kapus-palad na
higit na nangangailangan ng pagmamalasakit.
Kung nakikita nila sa kanilang guro na sila ay hinihikayat na mag-aral
at ipinaliliwanag sa kanila ang kahalagahan na makatapos sa pag-aaral ay tiyak
na pagsusumikapan din nilang makapag-aral nang mabuti at nang sa ganun ay
maabot ang kanilang pangarap sa buhay. Kung
naabot nila ang kanilang mga pangarap dulot na rin ng kanilang pagsisikap ay
matutulungan nila ang kanilang pamilya gayundin ang ibang tao.
Nagpapatawa. Sense
of Humor ika nga sa Ingles. Sinasabi
na ang isang mabuting guro ay may kakayahan na magpatawa sa kanyang mga
mag-aaral. Ang pagpapatawa niya ay
naibabahagi niya sa kanyang paksang-aralin. Ang pagpapatawa kung ginamit nang maayos ay
pandagdag sa leksyon. Kung ibinabahagi
ng isang guro sa kanyang mga aralin ang pagpapatawa ay mas nadadagdagan nito
ang kakayahan na maunawaan ang kanyang mga aralin sapagkat hindi sila nakadama
ng pagkabagot. Mas nagkakaroon ng impak ang
guro sa kanyang mga mag-aaral sapagkat nagiging conducive for learning ang silid at magaan ang loob ng bawat isa sa
silid lalo na kapag nagtatawanan. Palatandaan
na rin ng isang gurong may sapat na kaalaman sa paksa kapag bahagi ng kanyang
aralin ay malayang pagpapatawa sa klase dahil mayroon siyang kakayahan na haluan
ng mga matatalinong biro ang kanyang mga aralin. Tanda ng pagkakampante at pagkakaroon ng
kompyansa sa sarili dahil alam niya ang kanyang ginagawa. Hindi mga komedyante ang guro katulad ng
inaasahan natin sa mga tanghalan o bar.
Nagpapatawa lamang sila sa kadahilanang gusto nilang magkaroon ng
kaaya-ayang at masiglang paligid sa pagkatuto.
Gumagamit sila ng mga pagpapatawa sa pagkokonekta sa kanilang mga
mag-aaral. Isinasaad din dito na ang
buhay ay hindi natin ginagawang kumplikado sapagkat maaari naman natin itong
panatilihing simple. Maging masaya at
ikalugod ang mga maliliit na bagay na dinadanas.
Mapamaraan. Ang isang epektibo na guro ay
maparaan. Hindi naman kasi pwede na paulit-ulit na lamang ang pamamaraan na
ginagamit sa pagtuturo sa bawat araw. Kinakailangan
ng isang guro na magpalit ng estratehiya, teknik, aklat at mga kagamitang
pampagtuturo kung mayroong mas bago o kung kaya ang kinagisnang ginanagawa ay
hindi na epektibo para sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang gurong ito ay gumagamit ng iba’t ibang estratehiya
katulad ng kombinasyong lektyur-diskusyon, saymulasyon, serbisyong pagkatuto,
kooperatibong pagkatuto, awdyo at biswal na medya, dula-dulaan, panayam ng
panauhing tagapagsalita at mga debate sa iba’t ibang edad at grado na akma
upang i-akomodeyt ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto. Inilalahad ang asignatura sa samu’t saring
anggulo para mapamunuan ang mga pananaw at koneksyon. Ang gurong ito ay nagpapahalaga at gumagamit
sa mga ideya ng mga mag-aaral kung paano ididebelop ang kanilang pagkatuto.
Walang mag-aaral na bubo mayroon lamang matagal matuto dahil sa
pundasyon ng kanyang pag-unlad. Si Howard Gardner ay bumalangkas sa tinatawag
na Multiple Intelligences na
nangangahulugang bawat tao ay may kanya-kanyang katalinuhan. Maaaring makikita ito sa isa at wala sa iba. Kung kaya ang isang guro ay kinakailangang
makapaghanda ng banghay-aralin na naglilinang sa bodily kinaesthetic, mathematical, interpersonal at iba pa.
Naglilingkod sa kanyang lipunan.
Kaugnay nito, mainam na katangian ng isang guro na siya ay naglilingkod
din siya sa kanyang lipunan sapagkat taglay na katangian ng isang guro ang
pagiging mahusay na pinuno. Kainakailangan
niyang maglingkod sa kanyang pamayanan sa anumang kaparaanan na makapgpapabago
sa kanyang lipunang ginagalawan. Siya ay
inaasahang nakikipag-ugnayan sa mga magulang kung paano maiibsan ang mga
problemang panlipuan na may kinalaman sa kalinisan at kahirapan. Maiuugnay
rito ang karanasan ng guro na si Maam Lilia Macaya na mayroong free tutorial at feeding program sa mga bata sa kanyang lokal na pamayanan. Ang mga mag-aaral niya rito ay mga batang
lansangan at hindi nabigyang pagkakataong makapag-aral. Maliban sa pagtuturo ay nagpapakain pa siya sa
mga mag-aaral. Nagpapamudmod ng mga
damit, pagkain tulad ng bigas at pera at gayundin ang mga kagamitan sa
pag-aaral. Ang mga gawaing ito ay
simpleng bagay pero nakapagdudulot ng kabutihan at pagbabago sa lipunang ginagalawan
ng isang guro. Kaya mainam sa isang guro
na makapaglingkod sa kanyang lipunan sapagkat mayroon pang higit na
nangangailangan sa kanyang paglilingkod na napagkakaitan ng magandang
edukasyon. Sa gawaing ito ay nakababawas
siya sa pagbuo ng mga taong naging pabigat sa ating lipunan.
Mahalagang isa-isip rin ng isang guro na tumuklas (self-discovery learning) din ng kaalaman ng kanyang mga mag-aaral.
Huwag isubo ang lahat upang hindi mabuhay na umaasa sa iba. Kailangan niyang
tumuklas sa sariling kaparaanan na makapagdudulot sa kabuuan ng kanyang
pagkatao. Madalas ko nga ring mabanggit sa aking mga mga mag-aaral sa kursong
Edukasyon na "Hindi lamang hasain ng guro ang talino ng mga mag-aral kundi
ang kanyang puso dahil hindi ang magiging sukatan ng Diyos ang katalinuhan
kundi gaano kalinis ang kanyang puso."
Isinasakilos ang Sinasabi.
Maaaring iugnay ang mga pahayag sa Ingles na walk the talk, do what you
say and practice what you preach.
Nakikita ang guro madalas ng kanyang mga mag-aaral at sila ay ginagawa
nilang ehemplo sa kanilang buhay dahil kaakibat ng respeto na ipinagkakaloob
nila, makaminsan sila rin ay
nahahangaan. Kung nagtuturo ang isang
guro ng mga aralin katulad ng kahalagahan ng pagrespeto sa kapwa, marapat lamang na hindi siya kariringgan ng
mga negatibong salita patungkol sa ibang mga tao na sinisiraan niya sila sa
harap ng kanyang mga estudyante. Kung
ang isa sa mga mag-aaral ay nakagawa ng isang pagkakamali katulad halimbawa ng
nahuli ang mag-aaral na nangudigo sa pagsusulit ay nararapat lamang na hindi
ipapahiya ng isang guro ang mag-aaral na iyon sa harap ng kanyang mga
kaklase, pagagalitan at
iinsuluthin. Sa halip, ito ay kanyang
itatama na sila lamang dalawa. Sa
ganoong paraan ay mas maitutuwid ng isang guro ang mag-aaral na iyon sapagkat
una hindi siya magtatanim ng sama ng loob sa guro sapagkat sila lamang dalawa
ang nag-uusap at naging maayos ang pagproseso ng guro sa kanyang kamaliang
nagawa at kung bakit silang dalawa nag-uusap.
Nangangahulugan lamang ito na hindi sapat na ang guro ay matalino. Nararapat na kakakikitaan siya ng mga
kapuri-puring pag-uugali katulad ng kay Hesus sapagkat ang guro ay magiging
repleksyon sa kanyag mga mag-aaral. Kung
ang guro ay palaging huli sa klase.
Nagsasalita lamang kung ano-ano at hindi nagkaklase, ipinapakita lamang
ng gurong ito na, tama ang maging tamad at ang mangurap. Ipinapasahod ang guro sa kanyang
paglilingkod. Ang madalas na pagliban,
pagkahuli sa klase at ang pagpasok sa loob ng klase pero di naman nagdidiskas
ay isa lamang sa kung papaano ginagawa ang korapsyon.
May
pananampalataya sa Diyos. Si Hesus
ay itinuturing na Pinakamahusay Guro na nalalang sa mundo. Nakapagturo Siya sa kanyang mga disipulo at
sa napakaraming tao. Tinawag siyang Master Teacher kahit wala naman siyang
digre sa pagmamaster. Kaya mainam na sa
bawat guro na Si Hesus ang maging ehemplo sa bawat isa sa kanila. Tataglayin ng mga gurong ito ang mga
katangian ni Hesus katulad ng pagiging pasensyoso, maunawain,
matulungin, maawain, masipag, at mapagmahal. Ang guro ay nararapat magkaroon ng mataas na
pasensya sa kanyang mga mag-aaral sapagkat iba-iba sila. May mga mag-aaral na magaslaw, maingay,
tahimik, mahiyain, malikot at walang pakialam.
Sa mga pag-uugaling ito na ipinakikita ng mga mag-aaral ay masasabi
natin na kailangang habaan pa ng isang guro ang kanyang pasesnsya sapagkat kung
hindi ay maaaring makagawa lamang siya ng kung hindi man pagmumura ay maaaring
siya ay makasakit. Mabisa rin ang
pagkakaroon ng unawa sa mga mag-aaral kung ang isang mag-aaral ay hindi
makakakuha ng sa aralin sapagkat maaaring mahina siya, dito maipapakita ng guro
na kailangan pa niyang pag-ibayuhin ang pagtuturo sapagkat nauunawaan niya ang
mag-aaral. Kung ang kanyang mga
mag-aaral ay nagkaroon ng problema ay handa niya itong tulungan sa pamamagitan
ng pakikinig at pagkakaloob ng payo. Ang
kasipagan din ay nangangahulugang ding handa niyang gawin ang lahat para sa
ikatututo ng kanyang mga mag-aaral katulad ng paghahanda ng mga pantulong
biswal at maayos na klasrum. Mainam din
na siya ay may pantay-pantay na pagmamahal sa kanyang mga mag-aaral na
tinuturuan. Handa siya paglingkuran ang mga ito sa
pamamagitan ng paggabay at pagkakaloob sa kanila ng mga bagay na wala siya nang
ganoon ay mabubuo nang ganap ang kanilang pagkatao.
Nangangahulugan na ang isang guro ay
kinakailangan na mayroon pananampalataya sa Diyos. Siya ay dumadakila at kumikilala sa
Tagapaglikha at nililinang nito ang relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng
pagsisimba at pagdarasal. Ipinagkakatiwala
niya ang kanyang sarili sa kanyang Tagapaglikha. Sa pagkakataong ito ay maaaaring magagamit
siya ng Diyos para gawing instrumento ng Banal na Pananalita ng Diyos. Nagagamit din siya ng Diyos para hulmahin ang
mga anak (estudyante) nito sa mga magagandang asal para magkaroon ng
pananampalataya at pananalig din sa Kanya bilang Dakilang Ama.
Sa mga katangiang nabanggit ng isang mabuting guro ay patunay na
ang pagtuturo ay isang proseso. Hindi
ito nalilinang nang magdamagan. Habang ang guro ay dumadanas sa pagtuturo sa
mahabang panahon ay unti-unti niyang natutuklasan ang mabisang kapamaraan sa
pagtuturo. Ikanga sa Ingles, "Experience is the best teacher." Ang tanging magagawa lamang niya para maging
epektibo ay sundin ang mga nailahad na katangian at pagsumikapan na maisaisip
at maisapuso dahil siya ay may malaking katungkulan sa mga anak ng Diyos ang
kanyang mga estudyante. Kailangan
lang maging matiyaga at maging masagisag sa pagtuturo lalo pa't alam ng Diyos
kung ano ang nasa kanyang puso. Gigiyahan siya ng Banal na Espiritu dahil
kaluluwa ng mga tao ang kanyang hinuhulma at pinapanday upang masasabi niya sa
kanyang sarili na siya ay isang ganap na guro at siya naman ay ganap na tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento