Ang aklat na
Kasusweldo pa lang, UBOS na?, sa panulat ni Vic and Avelynn Garcia ay tumutukoy
sa mga kadahilanan kung bakit marami pa ring naghihirap sa ating mga
Pilipino. Sa kabila ng sahod na
natatanggap kahit ito man ay may kaliitan o may kalakihan ay tila nauubos pa
rin siya pagdating ng sahuran. Dito,
inilahad sa atin ang iba’t ibang mga rason kung saan napupunta ang ating pera
at nagsasaad din sila ng mga mungkahi kung paano mapapangalaagaan ang pera na
dumarating sa isang tao. Kung hindi
magkakaroon ng pagbabago ang isang tao sa kanyang paghawak ng pera ay maaaring
pagdating ng panahon na siya ay mangagailangan ay wala na siyang magagamit
dahil hindi napamahalaan nang maayos.
Sa mga
magulang na nagpapaaral ng kanilang mga anak sa pribado ay wala pong problema
na papag-aralin sila kung kaya namang tustusan ng mga magulang ang mga anak. Pero kung ang ipinambabayad lamang ay uutangin
lang din ay ibang usapan na lalo pa’t ang inutang ay mayroong interes. Hinihikayat ang mga magulang na kung hindi
kasapatan ang perang pantustos ay mainam na sa mga pampublikong paaralan na
lamang sila ipasok. Marami rin sa mga
pampublikong paaralan ay may kalidad na edukasyong ibinibigay. Bagaman Malaki ang maitutulong ng paaralan sa
pagbuo ng pagkatao at katalinuhan ng isang estudyante pero nakasalalay pa rin
sa mga mag-aaral ang ika-uunlad sa kanyang sarili. Sa halip ay pag-iipunan na lamang ng mga
magulang ang ipantustos sa pag-aaral sa pagkokolehiyo ng kanyang anak. Nabanggit ng mga may-akda na a good education requires a lot of time from
their best teacher. Kung gusto ng mga magulang na mabigyan ng magandang
edukasyon ang kanilang anak ay nararapat na sila mismo ay maglaan ng oras para
dito. Kapag naging maganda ang pundasyon
ng anak ay maaari itong maging mahusay pagdating sa kolehiyo at maaari siyang
maging iskolar sa isang mahusay na kolehiyo o unibersidad. Dahil iskolar ang anak mas makatitipid ang mga
magulang. Ang pagiging iskolar sa iba
pang mga kaparaanan ay malaking tulong din para wala ng masyadong malaking
babayaran ang mga magulang kung kaya mas makatitipid sila.
Hindi
maikakala sa atin na kapag nagkaroon tayo ng pera ay agad-agad tayong
nagpupunta sa groseri ay bumibili ng mga sa tingin natin na kung di man maganda
ay masarap sa paningin. Kaya kuha lang
tayo nang kuha at pagdating sa bayaran sa cashier
ay ang laki pala ng ating babayaran na pwede naman sana tayong nakatipid. Iminumangkahi na magdala ng listahan ng mga bibilhin.
Nangangahulugang sa bahay pa lamang ay
gumawa ka na ng iyong kakailanganin at bibilhin. Kung ano yaong nakalista ay yaon lamang ang
iyong bilhin. Mainam na kapag bayaran na
ay cash ang ibibigay at hindi ang credit
cards sapagkat maliban sa may interes tayo ay mas tumatapang sa pagkukuha ng
mga magugustuhan natin kahit di naman kailangan kung hindi gusto lang natin. Iwasan din ang pagbibili ng mga produkto na
branded dahil ito ay ibinibinta nang mahal. Sa halip bilhin ang mga produkto na di
branded pero de-kalidad lalong lalo na ang mga processed food na ubod ng mahal.
Magdesisyon na kumain lamang ng mga masustansiyang pagkain katulad ng
prutas at gulay sapagkat makatutulong ito sa pagpapatatag ng kalusugan. Ang madalas na pag-inom ng soda na tinawag
nilang sugared water katulad ng iced
tea, softdrinks at iba pang inumin na mataas sa asukal. Nabanggit nila na ang bawat baso ay mayroong
pitong kutsarita na asukal. Batid natin
na ang asukal ay nakapagdudulot sa ating nakaramdaman kabilang na diyan ang
dayabetis. Maidagdag pa ang pagkain ng
karneng baboy na kung saan ay tinigilan na nila dahil di umano ang baboy ay
napakarumi. Ang baboy ay kumakain ng
panis na pagkain, kumakain ng feeds at may pagkakataon ding sariling dumi rin
ay kinakain nito. Anumang esensyal sa
pagkabuhay ng baboy ay maiiwan sa kanyang katawan. Tayo naman ang kakain sa karne ng baboy.
Pagdating
naman sa bahay, mainam na huwag ng bumili ng bahay kung mababaon lang din sa
utang o hindi pa kaya ng badyet. Kung
may bahay ka na naman, mas mainam na maging alerto tayo sa mga bill na ibinibigay sa atin kung medyo
kalakihan ang ating babayaran ay dapat magtipid tayo katulad ng pag-iwas o di
madalas na paggamit ng mga electrical
heating devices sapagkat malaki ang konsumo nito. Get
only the services you need and use them wisely. Sa usaping cable, mainam na kung hindi
kakailanganin o wala kayong self-control
ay huwag ng magpalagay sapagkat ito ay mahal, dagdag sa kuryente at nakakakuha
ng oras na sa halip ay ilaan na sa mga mahal sa buhay. Sa mga anak naman ay maaaring maglaan ng oras
sa panonood sa halip na mag-aral. Magtipid din sa paggamit ng load sa selpon
magteks lang at tumawag kung kinakailangan.
Iwasan ang pagpapadala ng chain messages.
Sa pamimili
naman ng mga kakailanganin katulad ng damit.
Bumili lamang kung hindi kinakailangan pero kung kakailanganin ay
pag-isipan kung bibilhin. Mas
makatitipid kung bibili ka ng damit kapag ito ay naka-sale. Maaaring sale sa Christmas Season, after sa pasukan, at Off Season. Nagma-mark
down ang presyo kung hindi kinakailangan.
Iminumungkahi rin ng mga may-akda na bilhin lamang ang mga damit na
matitibay kahit hindi branded. Kasi
kapag branded ang mga nagpapamahal nito ay ang mismong brand. Kapag naman sa paglalaba ng damit, huwag
itong iasa sa katulong o sa iba para mas mapangalagaan lalo ang damit. Kung
namantsahan sarili mo lang ang pwede mong sisihin.
Sa usaping pampamilya, kung magkaroon ng oras
sa mga anak at pupunta sa mall, iminungkahi nila na magkaroon na dapat ng
agreement kung magkano lamang ang ilalaan o gagastahin. Kung P 100.00 lamang ang badyet sa bawat anak
sa pagkain at paglalaro ay matuto silang pagkasayahin iyon. Dito rin ay tinuturuan ang mga anak sa
kanilang batang edad kung paano nila mapapamahalaan ang kanilang pera. Sa pagbibigay ng alawans sa anak ay i-train
ang anak sa three jar technique: 10% para sa Diyos, 20% sa ipon at 70% naman sa revolving fund. Pinanumpaan ng dalawang nagmamahalan na
silang dalawa ay maging isa (and the two shall become one) kung kaya’t ang pera
ng isa ay pera ng dalawa. Sa paggagasta
kailangan ang tinatawag na conjugal
spending. Nangangahulugang mayroong
pahintulot ang isa sa isa kung mayroong bibilhin dahil pareho nilang
pagmamay-ari ang pera. Mayroong standard operating procedure katulad ng
ibang mga corporation. Bunga nito ay
maiiwasan din ang pangangaliwa sapagkat nakokontrol pareho ng magkapareha ang
kanilang pera. Pero hindi naman
nangangahulugan na kahit sa mga simpleng bagay ay hindi na rin makabibili ang
isa dahil paaano kung wala ang kapareha.
Mayroon namang previledge spending
na tinawag ding petty cash fund. May badyet na hindi na kinakailangan ang
pahintulot sa isa. Matuto kung kailan
tumulong at hindi kailangang tumulong sa mga kapamilya, kamag-anak at
kaibigan. Una linawin kung utang ba o
hindi. Pangalawa, humingi ng post dated
cheque at promisory note. Pangatlo, dapat alam ng parehong mag-asawa ang
tungkol sa pagpapautang at may agreement sila.
Pang-apat, kung kaibigan ang mangungutang, conduct background investigation bago mapautang at iwasan ang monthly dole-out. Matuto ring magsabi ng “Hindi!” Kung mga kaibigan mo ay mag-iimbeta sa iyo na
magpunta ng bar at sa tingin mo ay gagasta ka rin, mainam na huwag ng sumama.
Maidagdag pa
ang mga dapat gawin para makatipid, huwag ng bumili ng kotse kung hindi rin lamang
naman kailangan. Magastos ang
sasakyan. Registration, insurance, battery, gasolina o krudo, langis,
brake fluid, change oil, toll fee,
change of wheels, parking fee, repair and maintenance, at marami pang
iba. Pero kung gagamitin sa pagnenegosyo
ang sasakyan ay pwede na ring bumili.
Sumakay ng dyip sa halip na taksi.
Mainam ang pagkuha ng health
insurance/healthcard para pagdating ng araw na magkasakit ay hindi na
mahihirapan ng ipambabayad. Para
makaiwas sa mga karamdaman, mag-ehersisyo at uminom ng mga bitamina. Ang mga
hindi inaasahang income ay maaaring ituring na mga automatic savings. Matutong magtabi para sa kinabukasan. Huwag taasan ang lifestyle at wants. Kung hindi mo naman kailangan ng credit card
ay huwag ng kumuha. Pero kung mayroon na
kayo nito ay magkaroon ng self-control and use it wisely.
Mag-impok sa
bangko. You should have atleast three bank accounts. Magkaroon ka ng revolving, contingency at long term savings bank accounts –
70-20-10. Ang contingency funds ay mga bagay na hindi inaasahan na mangyayari
kung kaya mayroon ng magagamit kung saka-sakali. Long term savings naman kung darating ang
panahon na kailangan niyo ng malaking pera para sa pangnenegosyo o bumili ng
sasakyan. Maaari kayong mag-ipon sa halagang limit na ibinibigay ng PDIC na
nagkakahalaga ng P500.00.
Masasabing
punung puno ng mga praktikal na payo sa mga mambabasa ang aklat kung nagnanais
na baguhin ang sarili lalong lalo na sa pamamahala ng sahod. Kung mababasa mo ito ay maaaring mabago ang
iyong pananaw na kahit gaano kaliit ang sahod kung marunong kang magtipid at
alam mo ang tamang paggasta ng iyong kinikita ay tiyak na hindi ka maghihirap
sa oras ng pangangailangan. Dito
sinasabi na iwasan ang mga bagay na kung saan hindi ka makakatipid kabilang na
ang hindi pagkuha ng ATM lalong lalo na kung wala ka ring ibabayad at wala kang
self-control.