Lunes, Abril 27, 2015

Mantigue Island Escapade

              

              This was our first stop on the second day of Camiguin adventure. Mantigue is just a boat away from the Island of Camiguin. It will only cost 550.00 for max 6 pax for you to reach the said place. Its actually a beautiful Island with its powdery white sand and crystal clear water which is really perfect for a sunbathing. Though I was not able to have a snorkeling at the fish sanctuary but indeed I enjoyed much the ambience, more so with its white pristine beaches. A must see and should be part of every tourist itinerary when in Camiguin.



RR Family Spring Resort Experience


            It was a suggestion of Sir Ryan, a colleague from our department to have our rest and recreation at the RR Family Spring Resort in Tubigon, Maramag Bukidnon. It took us four hours to travel from Cagayan de Oro to the said resort. It was 12:30 when we arrived at the place but didn’t feel hungry since we had lunch already in a certain food chain from Valencia City. Fortunately, some of our colleagues also in the department went ahead, brought our lechon and some of the food that we prepared. We took our second lunch. It was actually the ambience, the dainty food plus the great conversation we shared that made it much fun. The resort was crowded since it was a Saturday but we did not worry because we had reserved ahead of time our 2 van type accommodation. 
          I would say that the resort is worth recommending for people who look for an ideal destination for a get together party and even family bonding since the place is nice, clean and loaded with beautiful sceneries that will make you feel rejuvenated and de-stressed. The water is flowing, undeniably, they have abundant of it and in fact the Pulangi Lake is overlooking and it is just a walk to get there from the resort. The new developments such as varying pool depth, function hall, playground, ideal parking lot, accommodation and even restaurant really make one astounded. Though going to the pool was a slight challenging, for we have to walk through cemented road downhill. It will make you sweat especially if it is a sunny day but you will also be revivified in the coolness of the pool surrounded with trees including the big Balete beside one of its pools.

           

 One thing that made our experience somewhat extraordinary was the night party we had with Sir Ryan, Maam Maricel. Sir Paolo, Kim, Sir Don Roger, Lindy and Kiking. We had a great conversation under the moon with a flavored beers and T-ice drinking session (ops). The love team of Maam Sally, Kuya Driver and Sir Paolo’s love triangle added flavor to the conversation. It was really a full of laughter conversation.








Linggo, Abril 12, 2015

Ikaw Bilang kapitan ng Iyong Sarili


                                 

May mga pagkakataon na hindi tayo nagiging ganap na maligaya sa ating buhay dahil sa mga suliraning kinakaharap natin o sa mga pangyayaring hindi naaayon sa ating kagustuhan.  Minsan ang nakakasama natin sa buhay o maging mga taong nakakasalamuha, na sa halip ay makapagdudulot sa atin ng kaligayahan pero sila pa ang nagiging pabigat sa atin.  Marami sa atin ang hindi gaanong nakararanas ng totoong kaligayahan dahil sa mga karanasan nating hindi naging kaaya-aya sa ibang tao.  Mga taong gumawa sa atin ng masama, na nag-iwan sa atin ng pilat na hanggang sa kasalukuyan ay dala-dala pa rin natin at hindi makakalimutan.  Marami rin sa atin ang hindi pa nakakawala sa isang karanasan na hindi lang pait na alaala ang iniwan kundi masasabi pang kasiraan sa ating buong pagkatao.  Maaaring ang sakit na iniwan nila ay buhat sa mga salitang sinabi,  emosyonal na aspeto o di naman kaya ay sa ating pisikal na pangangangatawan.  Ang karansang ito ang siyang nagiging hadlang upang tayo ay ganap na maging masaya. 
Sa mga depinisyon,  ayon sa isang positibong sikolhiya na mananaliksik na si Lyubomisky, binanggit niya na ang pagiging masaya ay nakararanas ng pagkagalak, pagkakontento, at postibong pagkatao kaakibat nito ang pagkakaroon ng magandang buhay,  makahulugan at may kapakinabang.  Maidagdag pa ang paliwanag ng Wikepedia na ang kaligayahan ay kalagayan ng mental o emosyonal na pagkatao na nangangahulugan sa positibo o kaiga-igayang emosyong sumasaklaw sa pagkakontento hanggang sa marubdob na kaligayahan.  Sa dalawang depinisyong naibahagi, ang pagdanas ng kagalakan at pagkakontento ay kadalasang nababanggit.  Maaaring ipinapahiwatig nito na ang pagkaroon ng negatibong emosyon katulad ng pagkalungkot, pagdadalamhati, pagtitiis ay hindi nagdudulot ng kaligayahan.  Maging ang paghahangad ng labis o hindi pagkakontento sa anumang mayroon ka ay di din nagbubunga ng kaluwalhatian sa atin.  Kung emosyon ang pagbabatayan sa pagkakaroon ng maligayang buhay,  nangangahulugan lamang ito na hawak natin ang ating personal na kaligayahan sa buhay.  Maaari nating magamit ang mga sumusunod na hakbang sa pagkakaroon ng positibong katauhan at maligayang buhay.
Ang pagiging masaya ay tanda ng pagiging matalino.  Kapag ang isang tao ay mahusay sa pagsasalita, pagkakalkyula, paglutas sa mga mahihirap na konsepto at maraming parangal ay iniuugnay natin ang salitang katalinuhan sa kanya.  Sa kabila ng katotohanang ito,  marami pa rin sa atin ang nagkakaroon ng iba’t ibang klaseng hindi maipaliwanag na karamdaman dulot ng matinding pag-iisip at stress na kung hindi naaagapan ay nauuwi depresyon,  kanser o maging sakit sa puso. Ayon kay Dyer  Ang isang batayan ng katalinuhan ay kung napananatili mong maging masaya ang iyong sarili sa anumang sitwasyon.  Kahit sa mga sitwasyong nahihirapan ka ay nagkakaroon ka pa rin ng ngiti sa iyong pisngi at naiiwasan mo pa rin ang mga salitang pagkalungkot, pagkabagot at iba pang mga negatibong salita.   Gaano man kalaki ang problema na pinagdadaanan mo ay nararapat na nagiging positibo ka na ito ay mayroong hangganan at pansamantala lamang.  Hindi mo rin pwedeng sabihin na ang kaligyahan ay matatamasa mo lang kapag walang suliranin na susubok sa iyo katauhan.  Ang batas ng buhay ay nagsasabi na bahagi ng iyong pagkalalang ang katotohanang daranas ka ng mga pangyayaring susubok sa iyong katatagan na maghuhulma sa iyong pagkatao.
Dikta ng isip ang anumang iyong nadarama.  Ang anumang nadarama ng isang tao ay nakasalalay sa dikta ng kanyang pag-iisip.  Ang iyong pakiramdam ay reaksyon sa kung ano ang idinikta ng iyong pag-iisip.  Ang pagkawala ng iyong minamahal ay maaaring isang katotohanang kaganapan ngunit ang nagdudulot ng matinding kalungkutan nito sa iyo ay ang dikta ng iyong isip na maaaring hindi ka na makakakita ng taong katulad niya o ng taong iyong minamahal.  Na maaaring ang pagkawala niya ay habambuhay mo na ring pagkalungkot at pagdadalamhati.  Kahit sa sitwasyong ikaw ay nalait ng ibang tao na maaaring sa gumawa nito sa iyo ay isa lamang biro pero ito ay may malalim na naidulot sa pagkatao mo.  Sumama ang iyong loob.  Gusto mong maghiganti.  Hindi ka makatulog.  Ang mga ito ay bunga lamang ng dinidikta ng iyong kaisipan at ang iyong emosyon na nadarama ay reaksyon ng iyong katawan sa sitawasyong iyong pinagdaanan.  Sa medaling salita maaari mongkontrolin ang iyong pag-iisip sapagkat pagmamay-ari mo naman ito.  Kaya,  kung kaya mong kontrolin ang iyong pag-iisip,  ang anumang nararamdaman mo ay bunga ng iyong pag-iisip sa madaling salita kaya mo ring kontrolin ang anumang iyong nararamdaman.
Makapangyarihan ang mga salita sa iyong isip.  Bawat salita na ipinapapasok mo sa iyong pag-iisip ay may kapangyarihang taglay.  Kapangyarihang maaaring sisira o bubuo sa iyong pagkatao.  Ayon sa pag-aaral ni Oswald maaaring hatiin sa dalawang kategorya ang mga salita na maaari mong ipasok sa iyong isipan.  Ito ay ang mababang enerhiyang mga salita (low-energy words) at mataas na enerhiyang mga salita (high-energy words).   Ang mababang enerhiyang mga salita ay tumutukoy sa mga salitang negatibo na ipinapapasok natin sa ating kaisipan.  Minsan ang mga salitang ito ay tinatanggap nating totoo o ating pinaniniwalaan,  depende sa pagtingin natin sa ating sarili.  Kabilang na diyan ang pagsabi mo sa iyong sarili na bubo ka sa Matematika,  wala akong kakahayahang maging mahusay na tagapagsalita o di naman kaya ay habang buhay na akong magiging mahirap.  Maaaring ito ay paniniwalaan mo sa iyong sarili habang ikaw ay nabubuhay sa mundong ito.  Pero, maaari din naman na baguhin mo ayon sa ididikta ng iyong kaisipan.   Nangangahulugan na kaya mong baguhin ang iyong pag-iisip na sa halip ay mga negatibong salita ay mapapalitan mo ng mga positbong salita depende sa iyong kagustuhan.  Anumang mayroon ka na hindi umaaayon sa gusto mong mangyari sa buhay mo ay maaaari mong palitan.  Kung gusto mong maging kalugod-lugod ka sa pananaw ng iba, isipin mo sa sarili mo na mahusay ka, na magaling ka, at nakawiwili kang kasama.  Hahawakan ng iyong pag-iisip ang kaisipang ito bilang totoo at dahil ito ang iniisip mo lalabas ito sa iyong pagkatao.  Sa katotohanang pinaniniwalaan mo ang mga salitang ito sa iyong kaisipan lalabas na ikaw ay magiging isang positiong tao maging sa paningin ng iba.  Maging repleksyon ang pananaw ng iba sa iyo ayon sa pagtingin mo sa iyong sarili.
Mamuhay sa kasalukuyan.   Maaaring ang iba sa atin ay nakaranas ng hindi maganda o kaaaya-aya.  Nariyan ang mga taong nakaranas ng pananakit ng iba katulad ng mga magulang o ng mga taong nakapaligid sa kanila.  May mga tao ring hindi pa makaharap sa panibagong buhay dahil sa mga maling desisyon na nagawa sa saarili katulad ng maagang pagkabuntis o hindi naman ay hindi pag-aaral nang mabuti.  Hindi nagiging madali sa kanila ang paglimot sa magandang alaalang pinagdaanan kaya nagiging mahirap din para sa kanila ang maging masaya sa buhay.  Kung gusto nating maging ganap na masaya, mainap na maging bahagi na lamang sa ating alaala ang mga nakalipas.  Ang mahalaga ay ang kasalukuyan. Sanayin ang sarili na alisin ang kaisipan sa mga nakalipas o sa hinaharap kung hindi kinakailangan.  Maaaring ang mga nagdaang alaala ay isipin pakaminsan pero kunin na lamang ang aral sa mga hindi magaganda at hanggat maaari ay tuluyan na itong ibaon sa limot.  Kung ang pag-iisip naman natin sa hinaharap ay makapagdudulot sa atin ng satispaksyon at kaligayahan,  mainam na alalahanin, pero kung kung masaklap, pagkabalisa at ang dulot nito pag-aalala o pagdadalamhati, mainam na ibahin ang iniisip.  Kung dadalhin ka sa iyong sikolohikal na oras o sa iyong mga nakalipas,  siguraduhin mong ibalik ang iyong kaisipan sa kasalukuyan sapagkat ang buhay mo ay ngayon at hindi ang kahapon.   Ang kahapon ay bahagi lamang ng kasalukuyan. Paghandaan mo ang bukas pero ipaubaya mo sa natural na batas kung ano ang ipagkakaloob nito sa iyo.  Aani ka naman ng kabutihan kung naitanim mo namang ay mga makabulihang bagay sa kasalukuyan.  Samsamin ang bawat Segundo ng iyong buhay at namnamin ito habang nabubuhay ka pa sapagkat hindi mo na maaaring ibalik ang ngayon bukas.  Magkaroon ng pagkalugod sa kasalukuyang panahon.

Hindi mo kailangan ang pagsang-ayon ng iba.   Minsan hindi tayo sinasang-ayunan sa ating mga napiling desisyon at klase ng buhay na ginusto.  May ibang tao na hindi natutuwa sa atin sa anumang sa tingin natin ay tama at nagpapaligaya sa atin pero taliwas sa kanilang kagustuhan.  Minsan sa kagustuhan natin na hindi makasakit ng iba o mapalagay ang iba ay mas ipinagkakanulo natin ang ating sariling kaligayahan.   Masarap ang palakpak, papuri, at maging paghanga ng iba pero kung ito ang nagiging batayan para ganap tayong maging masaya ay hindi na rin nakakatulong sa ating personal na paglago.  Kailangan iyong maalis sa ating buhay kung nagnanais tayo ng kaganapan sa sarili.  Hindi dapat naisasakripisyo ang ating sarili batay sa opinyon at kagustuhang mangyari ng iba sa ating sarili.  Ang ating halaga kapag inilalagak sa iba,  at kung hindi sila sumasang-ayon sa atin ay pakiramdam natin na parang wala na rin tayong saysay.  Iyan ang naibubunga sa panahong iniaasa natin ang sarili sa pagsang-ayon o aprubal ng iba.   Minsan nagiging daan ang pagsunod natin sa kanilang gustong mangyari sa atin para tayo ay magamit o mamanipula.   Hindi dapat sinasang-ayunan din ang mga pahayag sa mga awitin na may pagkakahawig sa mga sumusunod: di ko kaya pag nawala ka,  mamatay ako kung iiwan mo ako at paano ako kung wala ka na. Sapagkat nangangahulugan ito na ang pagkawala ng isang tao ay katapusan na rin ng buhay ng isang taong nagmamahal sa kanya.  Nilalang ka sa mundong ito na nag-iisa, ibabaon ka rin sa lupa nang nag-iisa sa oras na lalagutan ka na ng Diyos sa iyong hininga.   Hindi dapat iniaasa ang kaligayahan sa iba.  Pinakamainam na paraan ay maging konektado lamang sa iyong sarili at gamitin ang sariling imahe bilang kasangguni at tiyak na mas tatanggapin ka nang buong-buo ng ibang tao.  Ang hindi pagtanggap ng iba sa iyo ay isang patunay na tayo ay nabubuo nang may pagkaka-iba-iba sa sansinukuban.  Huwag mong asahan na magugustuhan ka ng lahat ng mga taong nakapaligid sa iyo.
Sa kabuuan, maaari nating ibahagi ang tula ni Henley sa Invictus na I am the captain of my fate; I am the captain of my soul.  Nangangahulugan lamang ito na hawak natin ang ating buhay gayundin ang ating kaligayahan at kailanman hindi sa ibang tao nakasalalay ito.  Samakatuwid,  dahil tayo ang may hawak nito, nakasalalay rin sa atin ang kaayusan at kasiraan at maging ang kasiyahan at kalungkutan.  Mayroon tayong kakayahang pumili at pumanig sa masama at mabuti.  Kung gusto natin itong maging negatibo o maging malungkot maaaring panghahawakan natin ang mga salita sa ating isipan na makakasira o makakapagdala ng kalungkutan sa ating sarili.  Ang mga masasamang alaala at karanasan ay maaari rin natin hahayaan na mangibabaw sa ating isipan at dahandahang dudurugin nito ang katinuan ng ating pag-iisip at sisirain nito ang kapayapaan ng ating pagkatao.  Pero walang matalinong tao ang nagnanais na gawing miserable ang kanyang buhay.  Nakasalalay ang lahat sa iyong personal na pagpili kung saan mo gustong dalhin ang iyong sarili maaaring sa kasamaan o kabutihan maging sa kkalungkutan o kasiyahaan.  Naway piliin mo ang huli.

 

         
    
 Sanggunian:
                                Dyer, W. (1977). Your erroneous Zones. Broadway, New York. Avon Books.
                                Oswald, Y. (2008). Every word has power. New York.  ATRIA Books.
                                 

             
      







Martes, Abril 7, 2015

Pagbabago at Ligaya sa Diyos

Dati ligaya koy tumambay sa daan
Pampalipas oras sa buhay kawalan
Kapag walang pasok kapiling barkada
Minsan sa inuman, bisyo akoy sugapa

Di ko alintana buhay sa hinaharap
Mahalaga sa’kin maaliw sa sarap
Sa nagpupumiglas na pusong maylaya
Masunod ang gusto mag-aliw sa twina

Grupo ay nagawi dala ay pangako
Sa piling ni Hesus buhay magbabago
Kahit palaisipan ito’y sinubukan
Dala ng pagnanais na katiwasayan

 Sa simula kaba aking nadarama
Iba’t ibang tao ang nakasalamuha
Papuri, pag-awit maging pagtuturo
Pagdakila sa ama pinaranas ito

Ngayong ako’y bahagi ligaya’y abot na
Walang mapagsidlan aking tuwa’t saya
Buhay ay gumaan, hirap naglaho na
Sa Diyos lang pala lahat madarama

Ito na ang buhay, may kabuluhan
Mayroong pakinabang maging sa lipunan
Maging sa pamilya pa-unting nagbago
Pagmamahal ng Diyos saking pagkatao

Kaya habang buhay sa ama maglingkod
Sa aking mga kapwa pag-ibig walang patid
Sa paraang ito susuklian ang Diyos
Kanyang kabutihan pagmamahal wagas



Lunes, Abril 6, 2015

Lugdang written and directed by Gray-em Erezo


11 Kaparaanan sa Pagkakaroon ng Masayang Buhay



Marami sa atin ang sa kabila ng mga kayamanan, karangalan, katanyagan, kaibigang nakapaligid at mga bagay na taglay na natin ay hindi pa rin makuha ang maging masaya sa buhay.  Minsan kahit marami na tayong pera at nakukuha na natin ang ating gusto sa buhay pero tila bakit kulang pa rin.  Sadya nga bang hindi kayang ipagkaloob ng pera ang hinahanap nating kahulugan ng kaligayahan.  Ang pagkakaroon din ng karangalan at katanyagan minsan sa atin ay nagbubunga ng kaligayahan pero sa kabila nito, may mga tao pa rin na nalulungkot sa buhay.   Nagkakaroon ng depresyon at minsan nakagagawa ng mga bagay na hindi naaayon sa kagustuhan ng Diyos.  May mga pagkakataon din na sa kabila ng pagkakaroon natin ng maraming kaibigan ay tila sa oras ng mga pagsubok ay nararamdaman natin na tayo ay napag-iisa lamang.  Kahit ang mga bagay na tinatamasa natin ay hindi pa rin nabubuo sa atin ang totoo at tunay na kahulugan ng salitang kaligayahan. Maaaring sila ay mga bahagi lamang sa kabuuan ng tunay na magpapaligaya sa isang tao pero ang kaganapan ng kaligayan ay pagsasapuso sa mga sumusunod na hakbang.
Mahalin ang sarili.  Hindi mo pwedeng ipagkaloob sa iba ang pag-ibig kung ikaw mismo ay wala nito.  Ikanga sa isang awit, learning to love yourself is the greatest love of all.  Hindi mo pwedeng ipagkaloob sa iba ang anumang wala ka.  Kailangang mahalin muna ang ating sarili bago ang iba. Maipapadama mo sa iyong sarili ang totoong pagmamahal kung nagkakaroon ka ng pagkontrol sa iyong sarili kawangis ng mga hindi paggawa ng mga bagay na makakasira sa iyo.  Kabilang na rito ang pagkakaroon ng bisyo na kadalasan nakapagdudulot sa atin ng mga karamdaman.  Maituturing rin na pagmamahal sa sarili ang paghubog ng mga magagandang asal at pagkakaroon ng respeto sa sarili.  Ano man ang iyong naging nakaraan at kung sino ka man sa kasalukuyan, ikaw ay nararapat pa rin sa salitang pagmamahal.  Kaya sabihin mo rin na mahal mo ang iyong sarili.
Akitin ang mga positibo. Nabubuo ang iyong pagkatao sa mga salitang iniipon mo sa iyong isipan. Kung mga salitang tanga, bigo, kahihiyan, walang pag-asa, at lungkot ang mga namumuwatawi sa iyong kaisipan sa lahat ng panahon ay maaaring tatanggapin ito ng iyong sistema bilang isang katotohanan.  Ang mga salita o mga kaisipan ay para itong ibon na lumilipad sa ating ulo, hindi natin maiiwasan na lilipad-lipad sila pero nasa sa atin pa rin kung hahayaan natin na makagagawa sila ng pugad.  Nangangahulugan ito na ang mga negatibong kaisipan at mga salitang pwede nating ipasok sa ating pag-iisip ay pwede nating piliin.  Kaya iminumungkahi na anumang hindi makakabuti para sa iyong sarili ay iwaksi ito at tanggapin lamang iyong makatutulong sa pagbubuo ng iyong pagkatao.  Sa halip, sabihin mo sa iyong sarili na ikaw ay may hitsura, malusog ka, mabait ka, matalino ka, magaling ka at napakabuti mong tao.  Ito ay sasabihin mo sa iyong sarili hindi bilang panloloko kundi pag-akit ito sa mga positibo. Sa kadahilanang dinikta ito ng iyong pag-iisip ay susundin ito ng iyong buong pagkatao.
Magkaroon ng Positibong Pananaw. Tanggapin ang katotohanang ang mga nangyayari sa buhay ay naipagkaloob ng Diyos na pawang may mga kadahilanan.  Ang pagkakaroon ng pananaw na positibo sa bawat pangyayari sa buhay ay may kabutihang dulot na nararapat taglayin ng isang tao.  Kapag ang isang tao ay nagkakaroon ng problema ay dapat niyang isipin sa buhay na ito ay pansamantala lamang.  Kaya ang pagkakaroon ng tiwala at mataas na pansariling ablidad na lahat ng mga problema, na ito ay may katapusan ay isang magandang katangian.  Mahalagang nauunawaan mo na ang bawat karanasan sa buhay ay may kaakibat na kabutihan din.  Katulad ng isang ginto ang tao kapag madalas na maidarang sa init ay nagiging matatag, nabubuo at nagiging ganap ang isang tao. Ang ginto kapag mas naibabad sa apoy ay mas lalong lumalabas ang kanyang pagiging puro.
                Tumawa.  Ang buhay ay magiging kaaaya-aya kung ito ay hindi mo sineseryoso. Huwag mong gawing kumplikado ang mga bagay na maaari namang ipaliwanag sa simpleng paraan o wala nang kapaliwanagan.  Tanggapin na lamang ang katotohanan na sadyang may mga bagay tayong nakikita at nararanasan na hindi na natin mababago.  Tumawa ka.  Nakagagamot ng mga karamdaman ang madalas na pagtatawa. Ayon nga sa isang pag-aaral ang pagtawa ay nakapaglalabas ng kemikal sa utak na tinatawag na endorphins. Pinagtitibay nito ang kakayahan ng isang tao na labanan ang mga pait na pinagdadaanan niya.  
                Paligiran ang sarili ng mga taong positibo.    Repleksyon ng iyong pagkatao ang kinabibilangan mong grupo.  Minsan kung naging kabilang ka sa mga taong walang pagpapahalaga sa kaalaman na sa halip ay bisyo ang pinagkakaabalahan tiyak na iyon din ang magiging prayoridad.  Matuto sa karanasan ng mga taong negatibo pero huwag iugnay ang sarili sa kanila pero hindi ito nangangahulugang huwag silang kaibiganin.  Magkaroon ng mga kaibigan sa buhay na may positibong pananaw.  Maaari mong iwasan ang mga taong magdudulot sa iyo ng sama ng loob.
                Mag-ehersisyo at Kumain nang masustansya.  Isang mainam na hakbang sa pagkakaroon ng masayang buhay ay ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan.  Ang kalusugan ay isang kayamanan dahil kapag ang isang tao ay may karamdaman tiyak hindi niya magagampanan nang maaayos ang kanyang mga gampanin at tungkulin.  Nakatutulong ang pag-eehersisyo sa pagpapawala ng stress, nakakagaan ng pakiramdam, nilalabanan nito ang mga karamdaman, at nakapaglalabas ng mga kemikal sa utak na makatutulong pagkakaroon ng masayang pakiramdam at pagiging relaks.  Ngunit, hindi sapat ang pagkakaroon ng ehersisyo, mainam din ang pagkain ng masustansyang pagkain katulad ng inirerekomendang prutas at gulay.  Sa pangkalahatan,  ang pagkaing ito ay nakatutulong para makaiwas sa mga karamdaman katulad ng sakit sa puso,  kanser,  at iba pa.  Likas kasi sa mga gulay at prutas ang kababaan ng taba at calorie kaya mainam ito sa kalusugan. Mainam ang mga gulay at prutas na hindi pinatubo sa mga kemikal dahil ang kemikal sa katawan ay marami ring negatibong dulot.
                Maging mapagbigay at matulungin.  Asahan mo na anumang iniaabot mong tulong sa iyong kapwa ay babalik ito pagdating ng araw sa iba’t ibang kaparaanan.  Dahil ang batas ng buhay ay nagsasaad na anumang idinulot mo sa iyong kapwa ay siya ring daranasin mo.  Ang pagtulong sa mga totoong nangangailangan ay may malaking impluwesiya sa pagkakaroon ng masayang buhay.  Ang pag-abot ng abuloy sa isang matanda daan ay nakapagdudulot ng kasiyahan sa taong nag-abot.  Higit na nagiging masaya ang nagbibigay kaysa sa binibigyan. 
                Magpatawad.  Ilang tao na rin ang nabuhay sa mundong ito at sila ay namatay na walang kapatawaran sa kanilang mga puso.  Walang taong naging ganap na masaya na hindi nagkaroon ng pagpapatawad sa kanilang kapwa na nagkasala sa kanila.  Mainam na magpatawad.  Sa pagsilang ng isang sanggol ay waalang sama ng loob ang ipinadala ng Diyos nito.  Pahiwatig lamang ito na kanyang paglisan sa mundong ito ay hindi niya ito isasama sa kanyang pagkabaon sa lupa.  Maiiwasan lamang ito sa pagpapatawad.  Madaling sabihin ang salitang pagpapatawad dahil wala tayo sa kalagayan ng mismong ginawan ng kasalanan.  Pero ang batas ng buhay ay nagsasabi na walang taong naging ganap na masaya na walang kapatawaran sa kanyang puso.  Tanging magagawa na lamang ng taong nagawan ng kasalanan ay ipagdasal ang kanyang sarili na magkaroon siya ng kapayapaan sa sarili at ang taong gumawa ng kasalanan ay matuto sa kanyang pagkakamali.  Minsan kailangan din natin ang pag-unawa sa iba dahil kaya sila nakagagawa ng pagkakamali sa atin ay mayroon din silang hindi kaaya-ayang naging karanasan sa kanilang buhay. 
                Sumubok ng mga panibago sa buhay.  Minsan tayo ay nagiging kuntento sa anumang nakagisnan na natin.   Sapat na sa atin ang gumising sa bawat araw at kumain.  Pumasok sa trabaho.  Umuwi at matulog. Buhay na nakakaumay.  Mainam na tayo ay gumalugad, sumiyasat at sumubok ng mga bagay na sa atin ay panibago.  Kumalas na sa komportableng kinalalagyan, sa comfort zone at tumuklas ng panibago.  Huwag limitahan ang sarili.  Kung hindi mo pa naranasan na tumalon sa isang matarik na bangin patungo sa naghihintay na ilog.  Bastat alam mo na ligtas ka naman, gawin mo. Kung hindi mo pa naranasan na umarte sa entablado dahil natatakot ka, magpatala sa isang klase na nagtuturo ng pag-arte.  Kung mailap para sa iyo ang pagkakataon na makapagsulat ng mga tula, sanaysay, maikling kwento at iba pa, subukin mo ito at ipaskil sa isang blog.  Tiyak na makapagdudulot ito sa iyo ng kaligayahan.  Minsan saka lamang natutuhan nang maigi ang isang bagay kapag kusa na natin itong dinanas.   Kapag nadanas na natin at inuulit-ulit na natin ay napagtanto natin na madali naman pala.  Ang esensya ng buhay ay ang paglago.
                Maging masaya at matuto sa mga pagkakataon.  May mga tao na nagiging masaya lamang sila kung mas komportable sila sa mga taong nakakasama nila. Bagaman personal ito na bagay. Pero nangangahulugan din ba na kung panibago ang mga taong nakakasama mo ay hindi ka na magiging masaya.  Kundisyon ng pag-iisip ang kaligayahan sa buhay o pagiging masaya.  Minsan ang pagrereklamo natin sa mga nangyayari kahit sa maliliit na bagay ay nakapagdudulot sa atin ng hindi magandang emosyon.  Katulad ng paggalit at pagka-inis. Ang pagiging trapik sa daan karaniwan ay nakapagdudulot sa atin ng pagka-irita minsan sinisisi natin ang pamamalakad ng batas trapiko.  Kung tutuusin may mga ganitong sitwasyon na hindi maiiwasan talaga.  Sa halip na maging galit ka bakit hindi mo nalang tanggapin sa iyong sarili na mahuhuli ka sa trabaho hindi dahil sa pagkakataon ng trapik dahil maaari mo sanang naiwasan kung maaga kang gumising.  Ang hindi magandang panahon, minsan ikinagagalit natin. Hindi saklaw ng tao ang iwasan ang pag-iba-iba ng panahon.  Ang mga taong positibo ay tinitingnan ang positibong aspekto sa lahat ng panahon.  Maging masaya ka na lamang sa halip at damahin mo ang pagiging maginaw ng panahon.  Hindi mo rin dapat ikalungkot kung minsan hindi naaayon sa inaasahan ang nangyayari.  Katulad ng kayo ay nagkaroon ng isang trip sa isang isla at kailangan mo pang pumila para sa bilyete para makasakay sa isang gabara.  Ang positibong tao ay ikasisiya ang ganung karanasan kasi nasa mga ganitong pagkakataon dadanasin mo ang totoong pakikipagsapalaran.  
                Magkaroon ng magandang ugnayan sa Diyos.  Isang katotohanang hindi mapapasubalian.  Ang tanging dumadakila sa Diyos ang mga taong higit na nagkakaroon ng kapayapaan sa sarili.  Mahirap ang pagsunod sapagkat may mga bagay na makapagpapasaya sa isang tao pero kailangang isakripisyo.  Kabilang na diyan ang pag-iwas sa makamundong layaw.  Minsan may mga tao na walang-wala sa buhay pero masaya sila sa kanilang buhay  dahil batid nila na sila ay nakakakilala at sumusunod sa batas ng Diyos.  Batid nila na anumang oras ay maaari ng bawiin ng Nagpahiram ang kanilang buhay at handa na sila sapagkat tiyak nila na ang naghihintay sa kanila ay magandang paraiso.  Nagigiyahan ang buhay ng isang taong kumikilala sa Diyos mula sa kabatirang nakukuha  niya sa pakikinig, sa pagbabasa ng banal na kasulatan. Isang kakilala ng umakda nito ay umabot sa edad na 100,  ang ina ng sumilang sa kanya  ay nasa edad na 93 na buhay pa rin hanggang sa mga sandaling ito. Isa sa mga sekreto nila ay ang buhay na iniaalay sa pananampalataya at paglilingkod sa Diyos.
                Ang kaligayahan ay kundisyon ng pag-iisip at kusa itong pinipili.  Bagaman naging negatibo ang iyong pamilyang kinabibilangan, ang kundisyon ng paligid mo ay hindi naging kaaya-aya at naging masaklap man ang naging karansan mo sa buhay, hindi mo pwedeng isisi sa kanila ang naging kalagayan mo sa buhay mo ngayon sapagkat sa kahulian, ikaw pa rin ang nagdadala ng sarili mong buhay at kung anuman ang nangyayari sa iyo ngayon ay kusa mo itong pinili.  Ang mga nabanggit sa itaas ay maaaring hindi angkop para sa iyo o may kakulangan, tungkulin mo na iyon sa iyong sarili.  Hayaan na lamang na sila ay magiging gabay sa iyo para sa pagtamo ng higit pang kaligayahan sa buhay.
                   

 
                    




Linggo, Abril 5, 2015

Ang Buhay ay Isang Paglalakbay

Ang buhay ay isang paglalakbay na puno ng pait, sakripisyo, pagdadalamhati, kaligayahan at pag-asa. Nabibigyang pagpapakahulugan natin ang buhay na katulad ng isang gulong na minsan nasa ibabaw, minsan naman sa ibaba. Ang gulong na iyon ay hindi maaaring maglakbay sa isang daan na banayad lamang patungo sa kanyang patutunguhan. Sapagkat inaasahan na tayo ay makararanas ng lubak-lubak na daan na susubok sa ating katatagan. Katulad ng gulong ang buhay natin ay haharap din sa iba't ibang pagsubok na hindi natin alam kung anong klaseng daan ang naghihintay na mararaanan. Maaaring banayad sa simula pagkatapos ay maging malubak sa kalaunan. Isa lamang ang ating pinanghahawakan, kontrolado natin ang ating buhay anumang pagsubok ang ang ating kinasasadlakan.
      Mangilan-ngilan lamang sa atin ang may gusto sa pagsubok dahil karamihan sa atin ay tumatalikod nito. Ayaw natin ng pahirap sa buhay lalo pa at alam natin na may mga pagsubok na tayo lamang mag-isa ang kakaharap.  Nahihirapan tayong makibaka sa mga pagsubok at nararamdaman natin napagsasakluban tayo ng langit at lupa.  Sa kunting nararanasan nating pagsubok ay unti-unti tayong pinanghihinaan ng loob. Para bagang sinasabi natin sa ating sarili na mas mainam pa na hindi tayo nabuhay. Na pinakamainam na magagawa ay ang mawakasan ang buhay. Ngunit hindi natin namamalayan ang pagsubok palang iyon ang nagdadala sa atin sa isang buhay na may kahulugan at kabuluhan.  Maaari ngang tayo ay nadadapa sa ating daan pero kung agad naman tayong tumayo at natuto mula sa pagkakadapa ay magigiyahan tayo sa wastong landas na tatahakin. Hindi natin namamalayan na isang malaking biyaya ang ating pagkakadapa lalo pa't ito ay nagiging paaralan para sa atin. Naisasaisip natin na tunay nga na ang buhay ay isang paaralan maraming bagay ang naituturo sa atin na hindi mababatid sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan.
      Sa ating paglalakbay iba't ibang sitwasyon ang ating kinakaharap maaaring ito ay masaya, maaari rin namang malungkot. Malungkot kung may isang tao na mawawala sa buhay natin lalo pa't tayo ay nakatitiyak na hindi na maaaring ibalik ang dating samahan. Masaya kung nakakapiling natin ang mga mahal natin sa buhay. Pero sa mga bagay na ito, kung paano natin kinaharap ang mga sitwasyong iyon ay  siyang makakapagdetermina kung anong klaseng buhay ang naghihintay para sa atin. Kung ang mahal natin sa buhay ay magpapaalam na nangangahulugan bang pagsakluban tayo ng langit at lupa. Kung tayo ay nabigo at ang ating pangarap ay naabot  nangangahulugan bang katapusan na ng mundo. Hawak natin ang ating buhay. Dalawa lang ang tangi nating magagawa. Maaaring tayo ay magpatali sa mga masamang nangyari at isiping wala ng pag-asa. Na hindi na maaari pang mabago ang lahat at kamatayan na lamang ang hihintayin natin. O pipiliin natin na ang pagsubok na iyon ay pansamantala lamang at kailangan lamang nating kakaharapin dahil alam natin na ito ay may hangganan. Ika nga sa linya ng isang awitin: Just behind the darkest clouds, you will find the sun still shining.  Hindi naman sa lahat ng panahon tag-ulan. Hindi sa lahat ng oras makulimlim. Hindi rin natin namamalayan na sa pagbabago ng panahon na ito nagiging  ganap ang ating pagkatao. Mas nagiging masaya dahil iba-iba ang ating nararanasan na siyang nagpapatingkad sa kulay ng buhay. Kaparang ng isang paru-paro ay dumaan muna siya sa iba’t ibang yugto bago siya nagkaroon ng pakpak. Ang buhay ay isa ring metamorposis may sinusunod na yugto hindi mo pwedeng ipilit ang bagay na gusto mo dahil hindi pa panahon. Katulad sa buhay mas maraming pagsubok na nalalampasan mas nagkakaroon ito ng kulay at nagiging ganap ang pagkatao. Lalo pa't taas noo nitong nalampasan ang mga pasakit na pinagdadaanan sa buhay.
        Ang mga taong nakikilala natin sa ating buhay ay hindi aksidente. Hindi sila aksidente sapagkat malaki ang papel na kanilang ginagampanan kahit ang pinagbilhan natin ng asin sa tindahan, ang batang ating nilimusan at ang taong nakilala natin sa loob ng barko. Itinadhana sila ng Diyos na ating makilala dahil bahagi sila ng kwento ng ating buhay. Hindi magiging ganap ang wakas ng istorya ng ating buhay kung hindi natin sila nakasalamuha at walang gumanap sa papel ng tauhan na magbubuo sa kwento. Maswerte na lang tayo kung nakakasama natin sa mataas na panahon ang mga taong ating nakikilala. May mga tao naman kasi na pansamantala lamang ang papel na ginagmapanan nila sa ating buhay, na nakakasama natin sila sa maikling panahon dahil iyun lang ang papel na pinagampanan ng Diyos sa kanila. Magkagayunpaman, ang mahalaga nag-iwan sila ng mabuting bakas sa ating puso at pagkatao. Ang aral at karanasan natin sa piling ng taong iyon ay mananatiling buhay sa ating alaala hanggang sa ating huling hininga. Katulad ng mga taong pansamantalang nakakasama natin ang ating buhay, may hangganan. Ngunit ang mga bagay na ito ang nagbibigay sa atin ng lakas para ipagpapatuloy ang ating paglalakbay sa mundong ibabaw.  Maaari nating balikan ang nakalipas at alalahanin na ang taong ito ang nagturo sa atin ng kahulugan ng buhay. We can remember the wonderful moments with that person. 
         Ang mga taong nakapaligid ay makapagbibigay sa atin ng payo kung ano ang tama at kung ano ang mali pero tayo pa rin ang magdedesisyon sa ating buhay. Kinakailangan pa rin nating gawin kung ano sa tingin natin ay mabuti at magpapasaya sa ating sarili. Hindi dapat tayo magpatali sa mga karanasang hindi kaaya-aya sa halip ay hawiin natin sa alaalang iyon ang mga aral na maaaring maging sandata sa ating paglalakbay. Sundin natin ang sigaw ng ating damdamin. Sabihin natin ang gusto nating sabihin at gawin  ang gusto nating mangyari hangga't wala tayong inaapakan, sinisira at sinasaktang ibang tao dahil paminsan-minsan wala na tayong ikalawang pagkakataon na sabihin at gawin ang mga bagay  na sana'y ginawa natin sa unang pagkakataon pa lamang. Tandaan lamang nating hindi dapat i-asa ang kaligayahan sa ibang tao. Kung hindi ka kayang tanggapin ng isang tao dahil iba ka sa kanila, marahil na rin sa katangian mong kakaiba at gusto nila na baguhin ka. Wala ka dapang ipangamba, hindi lahat ng tao ay ganoon ang iniisip. May mga taong kaya kang tanggapin anupaman ang iyong pagkatao.
            Ang ibang tao ay kariringgan natin sa pahayag na “ang buhay ay isang paglalakbay, i-enjoy mo ang takbo nito”. Ngunit kadalasan ay ang mga tao ding ito ang nagsasabi na hindi na sila masaya sa kanilang buhay, pero kung sila ay nagtatamo ng maraming pera, na-promote sa trabaho, nakakuha ng mataas na marka ang anak, ay nagbabago ang takbo ng buhay at nagiging masaya sila ulit. Dapat isaisip ng bawat tao na ang panahon para maging masaya ay sa panahong ito at ang oras upang lumigaya ka sa bawat hakbang na binubuo mo sa iyong isipan ay hindi bukas, kundi ngayon.
            Direksyon ang tagumpay at hindi siya destinasyon. Huwag mong tingnan ang tagumpay bilang nag-iisang pangyayari o resulta sa halip tingnan mo ito bilang panghabambuhay mula nung ikinintal mo sa iyong isipan ang malinaw na larawan na ikaw ay magtatagumpay  sa lahat ng mga adhikain. Ilarawan mo sa iyong isipan ang buhay na gusto mong mangyari at ipagpauloy ang paglalakbay hanggang sa iyong huling hininga. Ituon mo ang iyong sarili sa magandang pananaw mo sa buhay, magbabago ang iyong buhay, magkakaroon ka na ng direksyon at titingnan mo na ang mga pagsubok, balakid, hadlang, tagumpay, kasiyahan at pagtatamo sa ninanais bilang bahagi ng iyong paglalakbay. Ang mga ito ay magiging mahika mo sa pagpapaunlad mo sa iyong pagka-indibidwal, habang ikaw ay naglalakbay sa pagpapahusay sa sarili at kakaibang kalidad ng buhay. Hindi ko rin sinasabi na wala ng problemang darating sa buhay. Pero kung titingnan mo ang mga problema bilang pagsubok magiging magaan ito sa iyo. Mararamdaman mo ang katatagan, kahinahunan at hahanapin mo sa mga pangyayaring iyon ang gintong kaalaman na nais ng Diyos na iyong matutuhan. Ang buhay naman ay isang harmonious balance ng positibo at negatibo, kung paano ang buhay natin umiikot at ang direksyon na ating dinaraanan ay nakadetermina kung paano natin hinarap angpareho. Ikanga: Life is 10% what happens to you and 90% how you react to it.
             Sa huli, lahat ng mga nangyayari sa buhay  ay nangyari dahil sa may kadahilanan. Hindi mo sa malalasap ang kaligayan sa buhay kung hindi pagdadaanan ang kaakibat nitong pait. Maidagdag pa ang pahayag ni Matute na " Iyon lamang nakararanas ng lihim na kalungkutan ang nakakikilala sa lihim na kaligayahan". Nagiging matatag tayo sa kasalukuyan dahil sa ating mga naging karanasan sa ating paglalakbay ito man ay masarap o masaklap. Ang mga tao at karanasan na ating nakasasalamuha at napagdadaanan sa ating paglalakbay ay siyang naging daan para maabot natin kung sino man tayo sa kasalukuyan. kaya huwag manimdim sa halip ay magpakatatag sapagkat ang buhay ay isang paglalakbay.


Ganap na Guro





Ang pagiging guro ay isa sa pinakamahalaga at pinagpipitagang propesyon sa ating lipunan.  Sinasabing kung wala ang mga guro ay maaaring wala ang iba pang mga propesyon ngayon dahil simula palang sa pagkabata ng isang tao ay dumadaan na siya sa pagkalinga at pagtuturo ng isang guro.  Ang pagiging guro ay kawili-wili, masaya, at isang pagkakataon para linangin sa pinakamataas na kasanayan ang bawat mag-aaral mula sa kanyang kritikal na pag-iisip hanggang sa kanyang mga makrong kasanayan. 
Hindi maikakaila na sa loob ng isang silid-aralan ay mayroong iba’t ibang guro ang masasaksihan at makasasalamuha ang bawat mga mag-aaral.  Maaaring iba ang pag-uugali, katauhan, paraan ng pagtuturo at kahit ang kakayahan ng pag-iisip.  Maikaklasipika ang mga gurong ito na may mga guro na sobrang talino.  Ang gurong ito ay halos alam ang lahat ng bagay sa mundo kahit ang mga kaliit-liitan aralin o konsepto.  Kalimitan may mga gurong pumapasok sa silid upang isalaysay lamang ang mga kwento ng kanilang buhay.  Mayroon din namang mga gurong komedyante na animo ang mga mag-aaral ay nasa loob ng isang tanghalan o sa isang komedi bar.  Hindi rin mawawala ang guro na nagsasalita habang ang mga mag-aaral ay natutulog o di naman kaya ay may ibang pinagkakaabalahan.  Maibabahagi rin diyan ang gurong mistulang napipilitan lamang sa kanilang kinahahantungang propesyon na para bagang sinasabi nila sa kanilang sarili na pwede na ito nang sa ganoon ay may mapagkakakitaan ako.  Pumapasok sila sa klase upang magpa-ulat at magsalita nang kaunti at kagyat rin naman na lalabas,  na para bang walang nangyari sa loob ng klase.  Mayroon namang guro na napakahusay magturo na handang ialay ang buong oras at panahon mayroon lamang sapat na dunong na maibabahagi sa mga kanyang mga tinuturuan.  Sa paglabas ng kanyang mga mag-aaral ay pawang nakangiti ang mga ito sapagkat mayroon silang kabatiran na natamo.  Minsan din siyang nababalikan ng mga dating mag-aaral upang siya ay pasalamatan sa kabutihan at sa mga pagbabahagi sa kanila ng mga kabatiran na bumuo sa kanilang pagkatao.
  Ano’t ano pa mang klaseng guro ang kinabibilangan, masasabi pa rin natin na ang pagiging guro na siguro ang isa sa pinakamasaya at pinagpipitagang propesyon sa mundo.  Malaki kasi ang ginagampanan sa bawat buhay ng kanyang mga mag-aaral,  sa paghubog sa kanila upang maging kapaki-pakinabang sa lipunang kinabibilangan.  Hindi lamang ang pagbusog sa kanila ng kaalaman pati na rin ang paghubog sa kanilang katauhan.  Ang mga mag-aaral na ito ang siyang bubuo sa lipunang kanyang ginagalawan at sa sanlibutan.  Dahil sa isang malaking responsibilad ang pinanghahawakan ng isang guro sa buhay ng kanyang mga mag-aaral,  nararapat lamang na gawin niya ang mga bagay na sa tingin niya ay maghuhulma sa  sarili upang maituring na isa siyang ganap na guro.  Sa pagtuturo sa loob ng klase ay hindi sapat sa isang guro na siya lamang ay nagsasalita sa loob ng klase kailangang mayroong siyang mga hakbang na susundin para sa kanyang ganap na pagiging guro.  Isang klaseng guro na taglay na ang lahat ng mga katangian sa pagiging mapamaraan sa mahusay at epektibong pagtuturo.
Pagmamahal sa napiling propesyon.  Kailangan ng isang guro na magkaroon ng pagmamahal sa sariling propesyon upang hindi magiging mabigat sa kanya ang mga gampanin sa paghahanda sa ikagaganap na pagiging guro.  Kung wala siyang pagmamahal sa kanyang trabaho magiging masalimuot lamang ang pagtingin niya rito sapagkat maaari niyang isipin na ang kinasasadlakang propesyon ay parusa lamang sa kanya.  Mapipilitan lamang siyang maghanda ng banghay-aralin sa pang-araw-araw,  paggawa ng mga pagsusulit bilang pagtataya sa mga mag-aaral.  Tiyak din na sa kawalan niya ng pagmamalasakit sa kanyang propesyon ay hindi siya magiging mapamaraan sa kanyang pagtuturo.  Ang kanyang mga mag-aaral ang maaapektuhan dahil lalabas at papasok silang kung wala man ay kakarampot lamang ang natutuhan.  Nararamdaman ng mga mag-aaral kung ang isang guro ay walang pagmamahal sa kanyang propesyon dahil nakikita nila sa kanyang mga kilos at nauunawaan nila sa kanyang mga salita.  Kaya mainam sa guro na kung pipiliin niya ang propesyong ito ay kailangang mahalin niya ang pangkalahatan ganoon din ang mga kaakibat nitong mga tungkulin at responsibilidad.  Mamahalin niya at tatanggapin niya na ang mga mag-aaral ay magkakaiba, sa kanilang katauhan, pag-uugali at kahit kakayahan ng kanilang pag-iisip.  Kailangan yakapin niya ang katotohanan na dahil siya ang guro ay gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya ang mga bagay at gawain na ikakaunlad niya sa kanyang sarili at ikakatuto nila upang sila ay ganap na maging tao. 
Positibong Pananaw.  Batid ng mga mag-aaral kung ano ang nasa puso at isip ng kanilang guro.  Kung negatibo ang kanilang guro sa mga pananalita at pagkilos ay nararamdaman nila ito.  Kung ang mismong guro ay nagpapakita ng kawalang tiwala sa kanyang mga tinuturuan ay hindi rin nila magagawang pagsikapang mapaunlad ang kanilang sarili.  Repleksyon ng isang guro ang mga uri at klase ng mga mag-aaral ang napapabilang sa kanila.  Kung gurong tamad, tiyak magkakaroon din ng mga mag-aaral na walang alam.  Magiging mahusay lamang ang mga mag-aaral kung gagawa ng paraan kung paano niya mahihikayat ang mga mag-aaral na mapapaunlad ang kanyang sarili.  Mainam sa guro na maging positibo at maging masigasig sa kanyang mga mag-aaral at kung ano ang kaya nilang posibleng maabot.  Bawat salitang ipinaabot ng isang guro sa pag-iisip ng kanyang mga mag-aaral ay may kapangyarihang taglay.  Kapangyarihang maaaring sisira o bubuo sa kanilang katauhan.  Kung mababang enerhiyang salita o low energy words ang ipinapapasok ng isang guro sa kanyang mga mag-aaral ay maaaaring tatanggapin nila bilang totoo.  May mga pagkakataon kasi na ang guro ay nang-iinsulto sa kanyang mga mag-aaral na mahirap turuan.  Isang mag-aaral ang nagbahagi sa akin ng kanyang karanasan na ininsulto sila ng kanyang mga kaklase ng mga salitang bubo at hindi naliligo.  Hanggang sa pakikinig na lamang ang mga mag-aaral at pagdama sa mga sakit na salita na binitawan ng guro dahil wala silang lakas na ipagtanggol ang kanilang sarili.  Isa pang dating kakilala ko na pinagsabihan siya ng kanyang guro dati sa hayskul ng mga katagang ang pangit ng boses mo.  Mula noon ay hindi na makuhang umawit ng nasabi kong kaibigan dahil dala-dala na niya ang pinaniniwalaan niyang katotohanang sinabi ng kanyang guro.   Sa madaling salita makapangyarihan ang mga salitang sinasabi ng guro dahil ito ang bubuo o sisisra ng pagkatao ng kanyang mga mag-aaral. Ang pagiging positibo ng isang guro ay nangangahulugang nagtitiwala siya na ang kanyang mga mag-aaral ay mahuhusay at matatalino.  Bawat isa sa kanila ay may mga potensyal na naghihintay lamang na malinang kung kaya’t malaki ang papel na ginagampanan ng guro sa pagbuo nito.  Ang pagiging positibo ng guro katulad ng pag-iisip niyang lahat ng problema ay mayroong hangganan,  patuloy na nagiging matatag at nakangiti pa rin.  Ito ay maaaring makahikayat sa mga mag-aaral na sila rin ay maging positibo sa kanilang pananaw sa buhay.
Kailangan niyang maunawaan kung ano ang kanyang misyon sa kanyang bawat mag-aaral.  Dahil hindi tinatapos ng pagsasama ng guro at mga mag-aaral sa loob ng silid ang responsibilidad niya sa kanyang mga tinuturuan.  Ang guro ay may malaking impluwensya sa pagkatao ng kanyang mag-aaral hanggang sa kanilang pagtanda.  Hindi din ito nasusukat sa bilang ng araw na kanilang pinagsamahan.  Kundi ito ay nasusukat kung paano tinuruan ng isang guro ang kanyang mga mag-aaral na maging ganap na tao, hindi lamang sa mga salita kundi sa sarili nitong gawa.  Dapat ay titingnan ng guro ang pangkalahatan na magkaroon siya dapat ng impak sa buhay ng kanyang bawat mag-aaral na siyang magpapabuti at magpapakabuluhan sa kanilang pagkatao habang naglalakbay sa mundo.  Dapat maging positibo siya na ang kanyang ginagawa ay makakatulong sa pagpapaunlad ng kanyang mga mag-aaral.
Mayroong Paglilinang sa Sarili.  Sa pagtuturo ay hindi lamang nakasentro sa anumang paksa na kanyang nararapat na ibahagi sa kanyang mga mag-aaral kundi kailangan na busugin at linangin ang kanilang buong pagkatao.  Kaya mainam na danasin ng isang guro ang mga bagay-bagay na mas higit pang makapagpapabuti sa kanyang sarili bilang guro.  Ang mga ito ay mga simpleng karanasan na maaari ibahagi sa kanyang mga mag-aaral.  Sa mga pagtatanong ng mga mabisang kapamaranan sa pagtuturo, maging sa mga estratehiya, kaalamang natatamo sa pagdalo sa mga seminar at mismong pagdanas sa iba’t ibang pagtatanghal.  Hindi sapat ang pagtanggap sa isang ideya na ang natutuhan dahil kung tutuusin talaga ay napakarami pang kaalamang naghihintay lamang na madukal ng isang guro. Kaalaman na magtuturo sa kanya upang may maibahagi sa kanyang mga mag-aaral.  Hindi niya maaaring ibigay ang isang bagay na wala siya.  Mas maraming kaalaman mas malawak ang maibabahagi sa mga mag-aaral.  Ika-nga sa isang pahayag na "The basic idea behind teaching is to teach people what they need to know".   Hindi maituturo nang mabisa ng isang guro ang kanyang kaalaman kung hindi naman ito kasapatan.  Pinatutunayan lamang nito na ang isang guro ay nararapat na magkaroon ng mariing hangarin na pag-ibayuhin pa ang kanyang galing.  Hasain ang kanyang mga talento at puspusan pa ang kanyang pag-aaral na hindi lamang nakakulong sa larangang kanyang napili kundi kahit ang ibang mga disiplina na makapaglalago sa kanyang sarili at pagtuturo.  Kaya nararapat na kahit na nagtuturo na siya ay kinakailangan pa rin niyang mag-aral.  Huwag umasa lamang sa anumang nalalaman bagkus ay dumukal pa ng iba pang mga kaalaman katulad ng pagdalo ng seminar at higit pang pag-aaral.  
Puno ng kasiglahan.  Hindi maitatago sa mga mata ng mga mag-aaral kung ang kanilang guro ay mahal ang kanyang ginagawa o hindi.  Makikita ito mula sa kanyang kahandaan sa loob ng klase.  Ang gurong tinatamad ay hindi kakikitaan ng sigasig sa kanyang paksang tinatalakay.  Minamadali niya ito.  Natutukoy ang gurong may pagmamahal sa mga mag-aaral kung ibinibigay niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya mula sa kanyang pangganyak, pantulong-biswal at maging sa kanyang pagbibigay ng pagsusulit.  Maidagdag pa rito, ang mga estratehiyang ginamit upang maging punong-puno ng kasiglahan ang kanyang klase.  Inilalahad lamang nito na gusto ng isang guro na maliban sa kaalaman na gusto niyang ibahagi ay puno ng kasiglahan pa ang kanyang klase.  Kung hindi naman gusto ng guro ang kanyang itinuturo,  huwag siyang umasang mamahalin ng kanyang mga estudyante ang kanyang asignatura.  Ang mahusay na guro ay magiliw sa kanyang pagtuturo.  Bago man siya o matagal na sa larang ng pagtuturo ay kakikitaan pa rin siya ng sigasig sa kanyang pagtuturo lalong-lalo na sa kanyang pagtatalakay sa mga aralin. 
Sa karanasan ko mismo,  sinisogurado ko na sa bawat aralin ay magiging kaaaya-aya ito at kapupulutan ng aral sa kung paano mai-uugnay ang mga aralin sa kanilang pakikipagsapalaran sa buhay.  Ako mismo ay nagsisikap na pag-aralan nang buong-buo ang konsepto, kailangan na makapagtanong na nasa mataas na antas o higher order thinking skills.  Inihahanda ko ang mga katanungan maaaring sagutin nila ng pasalita o pasulat na maglilinang sa kanilang kritikal, lohikal, replektib, metakognitib at malikhaing kaisipan. Nandiyan na ang paghahanda ko ng mga pantulong biswal na powerpoint o prezi kapag hindi ako gumagamit ng AVR para lamang sa ikatuto nang higit ng aking mga mag-aaral.   Mainam rin ang aking pagbabahagi ng edukasyon sa pagpapakatao o values education sapagkat dito nalilinang ang apektib na aspeto ng kanilang pagkatao. 
Pagmamalasakit sa tinuturuan. Ang pagiging guro ay hindi natatapos lamang sa loob ng silid. Ikanga ang guro ang ikalawang mga magulang.  Minsan mas maraming panahon ang nailalaan ng isang mag-aaral sa kanyang guro kaysa sa kanyang mga magulang.  Nangangahulugan lamang ito na bilang guro at ikalawang magulang ay kailangang magkaroon ng tapat na pagmamalasakit sa kanyang mga mag-aaral.  Ang simpleng pagtatanong kung kumusta na ang kalagayan ng kanyang mga mag-aaral o kahit sa pagtatanong kung nakakain na ba ito ay mayroon ng malaking epekto nito sa kanyang mga tinuturuan.  Minsan kasi akala natin ay walang dinadanas ang ating mga mag-aaral lalong-lalo na at nakangiti lamang sila pero ang katotohanan sila ay dumaranas pala ng mga pasakit sa buhay.  Hindi natin inaalam ang mga kwento ng kanilang buhay.  Na ang karanasang kanilang pinagdadaanan ay makakasagabal sa pag-unlad ng kanilang pagkatao.  Minsan suliranin sa pamilya na nagkahiwalay ang mga magulang, walang pagkain at pera, at iba pang mga bagay.  Higit nilang kailangan ang pagmamalasakit ng isang guro. 
Mainam na magpakita ang guro ng pagkalinga sa kanila sapagkat makatutulong ito para sa pagbuo ng positibo at may suportang relasyong guro at mag-aaral.  Namamaliit natin ang kapangyarihan ng pagtapik,  pagngiti, mga magagandang salita,  mga taingang handang makinig, totoong papuri o mga kaliit-liitang pagpapakita ng pagkalinga at pagmamalasakit.  Kung puno ang mga mag-aaral ng pagmamalasakit, paggabay, pagtuturo ng mga magagandang asal at pagmamahal ay tiyak din na maibabahagi rin nila ito sa mga taong kanilang makakasalamuha.  Ang mga kaganapang iyon ay tanda lamang na may tungkulin pa rin tayo sa mga mag-aaral kahit sa labas ng kanilang pag-aaral hanggang sa kanilang pagtanda.  Mas magiging masaya at nakatataba ng puso sa isang guro kung nagkaroon siya ng impak mula sa kanyang mga tinuturuan.  
Inspirasyon sa mga Mag-aaral.  Napakahalaga din na ang guro ay may kakayanang magsilbing inspirasyon sa kanyang mga mag-aaral.  Hindi maikakaila na maraming mga guro ang dumarating sa buhay ng kanyang mga mag-aaral mula sa simula palang sa pagpasok sa mababang paaralan hanggang sa kolehiyo ngunit tanging mananatili lamang sa kanyang isipan ang mga taong nagbigay inspirasyon sa kanya kabilang na riyan ang guro.  Sa isang guro na ganap ay ipinakikita niya sa bawat araw na pagkaklase ay mayroon silang natutuhan. Sinisigurado niyang may baon na magagandang aral at mga magagandang pananalita ang kanyang mga mag-aaral na bubuo sa kanilang ganap na pagkatao.  Kapag ang isang tao ay namatay kailanman ay hindi magtatanong ang Diyos kung gaano siya katalino sa halip ay pagtutuunan ng pansin ng Diyos kung gaano kabusilak ang kanyang puso.  Mahalagang maging inspirasyon ang guro sa kanyang mga mag-aaral.  Alam nating marami sa mga mag-aaral ang nagmula sa mga pamilyang mahihirap o kapus-palad na higit na nangangailangan ng pagmamalasakit.  Kung nakikita nila sa kanilang guro na sila ay hinihikayat na mag-aral at ipinaliliwanag sa kanila ang kahalagahan na makatapos sa pag-aaral ay tiyak na pagsusumikapan din nilang makapag-aral nang mabuti at nang sa ganun ay maabot ang kanilang pangarap sa buhay.  Kung naabot nila ang kanilang mga pangarap dulot na rin ng kanilang pagsisikap ay matutulungan nila ang kanilang pamilya gayundin ang ibang tao.
Nagpapatawa. Sense of Humor ika nga sa Ingles.  Sinasabi na ang isang mabuting guro ay may kakayahan na magpatawa sa kanyang mga mag-aaral.  Ang pagpapatawa niya ay naibabahagi niya sa kanyang paksang-aralin.  Ang pagpapatawa kung ginamit nang maayos ay pandagdag sa leksyon.  Kung ibinabahagi ng isang guro sa kanyang mga aralin ang pagpapatawa ay mas nadadagdagan nito ang kakayahan na maunawaan ang kanyang mga aralin sapagkat hindi sila nakadama ng pagkabagot.  Mas nagkakaroon ng impak ang guro sa kanyang mga mag-aaral sapagkat nagiging conducive for learning ang silid at magaan ang loob ng bawat isa sa silid lalo na kapag nagtatawanan.  Palatandaan na rin ng isang gurong may sapat na kaalaman sa paksa kapag bahagi ng kanyang aralin ay malayang pagpapatawa sa klase dahil mayroon siyang kakayahan na haluan ng mga matatalinong biro ang kanyang mga aralin.  Tanda ng pagkakampante at pagkakaroon ng kompyansa sa sarili dahil alam niya ang kanyang ginagawa.  Hindi mga komedyante ang guro katulad ng inaasahan natin sa mga tanghalan o bar.  Nagpapatawa lamang sila sa kadahilanang gusto nilang magkaroon ng kaaya-ayang at masiglang paligid sa pagkatuto.  Gumagamit sila ng mga pagpapatawa sa pagkokonekta sa kanilang mga mag-aaral.  Isinasaad din dito na ang buhay ay hindi natin ginagawang kumplikado sapagkat maaari naman natin itong panatilihing simple.  Maging masaya at ikalugod ang mga maliliit na bagay na dinadanas.
Mapamaraan. Ang isang epektibo na guro ay maparaan. Hindi naman kasi pwede na paulit-ulit na lamang ang pamamaraan na ginagamit sa pagtuturo sa bawat araw.  Kinakailangan ng isang guro na magpalit ng estratehiya, teknik, aklat at mga kagamitang pampagtuturo kung mayroong mas bago o kung kaya ang kinagisnang ginanagawa ay hindi na epektibo para sa mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.  Ang gurong ito ay gumagamit ng iba’t ibang estratehiya katulad ng kombinasyong lektyur-diskusyon, saymulasyon, serbisyong pagkatuto, kooperatibong pagkatuto, awdyo at biswal na medya, dula-dulaan, panayam ng panauhing tagapagsalita at mga debate sa iba’t ibang edad at grado na akma upang i-akomodeyt ang iba’t ibang paraan ng pagkatuto.  Inilalahad ang asignatura sa samu’t saring anggulo para mapamunuan ang mga pananaw at koneksyon.  Ang gurong ito ay nagpapahalaga at gumagamit sa mga ideya ng mga mag-aaral kung paano ididebelop ang kanilang pagkatuto.
Walang mag-aaral na bubo mayroon lamang matagal matuto dahil sa pundasyon ng kanyang pag-unlad. Si Howard Gardner ay bumalangkas sa tinatawag na Multiple Intelligences na nangangahulugang bawat tao ay may kanya-kanyang katalinuhan.  Maaaring makikita ito sa isa at wala sa iba.  Kung kaya ang isang guro ay kinakailangang makapaghanda ng banghay-aralin na naglilinang sa bodily kinaesthetic, mathematical, interpersonal at iba pa.
Naglilingkod sa kanyang lipunanKaugnay nito, mainam na katangian ng isang guro na siya ay naglilingkod din siya sa kanyang lipunan sapagkat taglay na katangian ng isang guro ang pagiging mahusay na pinuno.  Kainakailangan niyang maglingkod sa kanyang pamayanan sa anumang kaparaanan na makapgpapabago sa kanyang lipunang ginagalawan.  Siya ay inaasahang nakikipag-ugnayan sa mga magulang kung paano maiibsan ang mga problemang panlipuan na may kinalaman sa kalinisan at kahirapan.   Maiuugnay rito ang karanasan ng guro na si Maam Lilia Macaya na mayroong free tutorial at feeding program sa mga bata sa kanyang lokal na pamayanan.  Ang mga mag-aaral niya rito ay mga batang lansangan at hindi nabigyang pagkakataong makapag-aral.  Maliban sa pagtuturo ay nagpapakain pa siya sa mga mag-aaral.  Nagpapamudmod ng mga damit, pagkain tulad ng bigas at pera at gayundin ang mga kagamitan sa pag-aaral.  Ang mga gawaing ito ay simpleng bagay pero nakapagdudulot ng kabutihan at pagbabago sa lipunang ginagalawan ng isang guro.  Kaya mainam sa isang guro na makapaglingkod sa kanyang lipunan sapagkat mayroon pang higit na nangangailangan sa kanyang paglilingkod na napagkakaitan ng magandang edukasyon.  Sa gawaing ito ay nakababawas siya sa pagbuo ng mga taong naging pabigat sa ating lipunan. 
            Mahalagang isa-isip rin ng isang guro na tumuklas (self-discovery learning) din ng kaalaman ng kanyang mga mag-aaral. Huwag isubo ang lahat upang hindi mabuhay na umaasa sa iba. Kailangan niyang tumuklas sa sariling kaparaanan na makapagdudulot sa kabuuan ng kanyang pagkatao. Madalas ko nga ring mabanggit sa aking mga mga mag-aaral sa kursong Edukasyon na "Hindi lamang hasain ng guro ang talino ng mga mag-aral kundi ang kanyang puso dahil hindi ang magiging sukatan ng Diyos ang katalinuhan kundi gaano kalinis ang kanyang puso."
          Isinasakilos ang Sinasabi.  Maaaring iugnay ang mga pahayag sa Ingles na walk the talk, do what you say and practice what you preach.  Nakikita ang guro madalas ng kanyang mga mag-aaral at sila ay ginagawa nilang ehemplo sa kanilang buhay dahil kaakibat ng respeto na ipinagkakaloob nila,  makaminsan sila rin ay nahahangaan.   Kung nagtuturo ang isang guro ng mga aralin katulad ng kahalagahan ng pagrespeto sa kapwa,  marapat lamang na hindi siya kariringgan ng mga negatibong salita patungkol sa ibang mga tao na sinisiraan niya sila sa harap ng kanyang mga estudyante.  Kung ang isa sa mga mag-aaral ay nakagawa ng isang pagkakamali katulad halimbawa ng nahuli ang mag-aaral na nangudigo sa pagsusulit ay nararapat lamang na hindi ipapahiya ng isang guro ang mag-aaral na iyon sa harap ng kanyang mga kaklase,  pagagalitan at iinsuluthin.  Sa halip, ito ay kanyang itatama na sila lamang dalawa.  Sa ganoong paraan ay mas maitutuwid ng isang guro ang mag-aaral na iyon sapagkat una hindi siya magtatanim ng sama ng loob sa guro sapagkat sila lamang dalawa ang nag-uusap at naging maayos ang pagproseso ng guro sa kanyang kamaliang nagawa at kung bakit silang dalawa nag-uusap.   Nangangahulugan lamang ito na hindi sapat na ang guro ay matalino.  Nararapat na kakakikitaan siya ng mga kapuri-puring pag-uugali katulad ng kay Hesus sapagkat ang guro ay magiging repleksyon sa kanyag mga mag-aaral.  Kung ang guro ay palaging huli sa klase.  Nagsasalita lamang kung ano-ano at hindi nagkaklase, ipinapakita lamang ng gurong ito na, tama ang maging tamad at ang mangurap.  Ipinapasahod ang guro sa kanyang paglilingkod.  Ang madalas na pagliban, pagkahuli sa klase at ang pagpasok sa loob ng klase pero di naman nagdidiskas ay isa lamang sa kung papaano ginagawa ang korapsyon.
            May pananampalataya sa DiyosSi Hesus ay itinuturing na Pinakamahusay Guro na nalalang sa mundo.  Nakapagturo Siya sa kanyang mga disipulo at sa napakaraming tao.  Tinawag siyang Master Teacher kahit wala naman siyang digre sa pagmamaster.  Kaya mainam na sa bawat guro na Si Hesus ang maging ehemplo sa bawat isa sa kanila.  Tataglayin ng mga gurong ito ang mga katangian ni Hesus katulad ng pagiging pasensyoso,  maunawain,  matulungin, maawain, masipag, at mapagmahal.   Ang guro ay nararapat magkaroon ng mataas na pasensya sa kanyang mga mag-aaral sapagkat iba-iba sila.  May mga mag-aaral na magaslaw, maingay, tahimik, mahiyain, malikot at walang pakialam.  Sa mga pag-uugaling ito na ipinakikita ng mga mag-aaral ay masasabi natin na kailangang habaan pa ng isang guro ang kanyang pasesnsya sapagkat kung hindi ay maaaring makagawa lamang siya ng kung hindi man pagmumura ay maaaring siya ay makasakit.   Mabisa rin ang pagkakaroon ng unawa sa mga mag-aaral kung ang isang mag-aaral ay hindi makakakuha ng sa aralin sapagkat maaaring mahina siya, dito maipapakita ng guro na kailangan pa niyang pag-ibayuhin ang pagtuturo sapagkat nauunawaan niya ang mag-aaral.  Kung ang kanyang mga mag-aaral ay nagkaroon ng problema ay handa niya itong tulungan sa pamamagitan ng pakikinig at pagkakaloob ng payo.  Ang kasipagan din ay nangangahulugang ding handa niyang gawin ang lahat para sa ikatututo ng kanyang mga mag-aaral katulad ng paghahanda ng mga pantulong biswal at maayos na klasrum.  Mainam din na siya ay may pantay-pantay na pagmamahal sa kanyang mga mag-aaral na tinuturuan.   Handa siya paglingkuran ang mga ito sa pamamagitan ng paggabay at pagkakaloob sa kanila ng mga bagay na wala siya nang ganoon ay mabubuo nang ganap ang kanilang pagkatao.
            Nangangahulugan na ang isang guro ay kinakailangan na mayroon pananampalataya sa Diyos.  Siya ay dumadakila at kumikilala sa Tagapaglikha at nililinang nito ang relasyon sa Kanya sa pamamagitan ng pagsisimba at pagdarasal.  Ipinagkakatiwala niya ang kanyang sarili sa kanyang Tagapaglikha.  Sa pagkakataong ito ay maaaaring magagamit siya ng Diyos para gawing instrumento ng Banal na Pananalita ng Diyos.  Nagagamit din siya ng Diyos para hulmahin ang mga anak (estudyante) nito sa mga magagandang asal para magkaroon ng pananampalataya at pananalig din sa Kanya bilang Dakilang Ama.
Sa mga katangiang nabanggit ng isang mabuting guro ay patunay na ang pagtuturo ay isang proseso.  Hindi ito nalilinang nang magdamagan. Habang ang guro ay dumadanas sa pagtuturo sa mahabang panahon ay unti-unti niyang natutuklasan ang mabisang kapamaraan sa pagtuturo. Ikanga sa Ingles, "Experience is the best teacher."  Ang tanging magagawa lamang niya para maging epektibo ay sundin ang mga nailahad na katangian at pagsumikapan na maisaisip at maisapuso dahil siya ay may malaking katungkulan sa mga anak ng Diyos ang kanyang mga estudyante.  Kailangan lang maging matiyaga at maging masagisag sa pagtuturo lalo pa't alam ng Diyos kung ano ang nasa kanyang puso. Gigiyahan siya ng Banal na Espiritu dahil kaluluwa ng mga tao ang kanyang hinuhulma at pinapanday upang masasabi niya sa kanyang sarili na siya ay isang ganap na guro at siya naman ay ganap na tao.